Chapter 11

10.9K 253 362
                                    

Ilang buwan na kaming hindi gaano nagkakasabay ni ivan, puro na lang daw may training o kaya naman may lakad ng family nila, tatlo sa isang linggo na lang kami nagkikita hindi na gaaya ng dati mnsan dalawa na lang. damang dama ko na nagbabago siya. nakakaramdam ako ng pangungulila sa kanya. 

Fr: Babe

Babe di ako makakasabay sa'yo ngayon ulit. Nagpatawag ng training si coach. sorry >:D< babawi ako sayo promise. wag ka na malungkot a? iloveyou babe :*

Wala akong gagawin gaano pagkatapos ng klase, kaya naisipan kong sorpresahin siya sa training nila. masaya na ko kahit manood at makita lang siya kahit saglit.

Dumaan ako sa gym kung saan madalas sila nag eensayo. May mga iilang studyante na nakatambay sa loob, Pero laking gulat ko ng hindi ko siya nakita kahit isang teammates niya wala.

Nagtext ako sa kanya pero Hindi siya nagrereply.

Siguro sa ibang court sila nag practice, Sabi ko sa sarili ko

Malaki naman ang tiwala ko sa kanya kaya Nagpasya akong umuwi na lang, nakasakay nako sa fx. Naalala kong malapit na nga pala ang monthsarry namin, kaya naisipan kong bumaba muna sa SM para bumili ng regalo. 

Habang naglalakad ako iniisip ko kung ano ang bibilhin ko para sa kanya. Pumasok ako sa department store para maghanap, Wala akong nahanap kaya nagpaikot ikot na lang ako. 

Sa wakas sa ilang oras kong pag iikot nakakita din ako ng ibibigay, 

magustuhan niya sana tong kwintas na to. bulong ko sa sarili ko

Habang tinitignan ko yung kwintas bigla naman akong nabangga.

ay sorrr.   Bago pa ko nakahingi ng sorry 

UY GENICA !  Bati ni krisselle

Classmate ko si krisselle nung 1st year, Siya dati lagi kong kasama. kaya lang lumipat siya ng school 

Uy Krisselle ikaw pala anong ginagawa mo dito? patuloy ko

Hinihintay ko kasi sila mommy. may pupuntahan ka ba? 

ah. wala naman pauwi na din dapat ako.

samahan mo muna kaya ako? para makapagkwentuhan na din tayo?

Dahil wala naman akong gagawin sinamahan ko na lang siya, Nagpalakad lakad kami. Nagkwentuhan at nagkulitan. Ng magutom na kumain muna kami sa isang fastfood.

Habang kumakain kami laking gulat ko ng pagkakita ko sa labas ng fastfood naglalakad si ivan. Dali naman akong tumakbo palabas at sumunod naman si krisselle.

uy nica ano yun bat bigla bigla kang tumatakbo?

basta krisselle wag kang maingay. 

Sinundan namin si ivan ng pasimple. Pumasok siya sa isang Japanese Fast food. Umupo siya at pamaya maya ay tumabi na sa kanya ang isang babae.

nagsalubong ang kilay ko sa nakita ko. hindi ako nakapagtimpi at sinugod ko sila.

nanlaki ang mata niya ng makita ako. habang palapit sa kanya ay agad naman siyang tumayo.

Practice pala ha?!  yun agad ang sinabi ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik, Sa inis ko kinuha ko sa bulsa ko yung kahon ng kwintas na reregalo ko sa kanya. at sinampal ko yun sa mukha niya.

oh ayan !! advance happy monthsarry sayo !!!

nakatingin na nun ang mga tao. kaya agad akong lumabas.

pinuntahan ko si krisselle at doon nag iiiyak. 

 ------------------------------------------------------------------------------------

tuloy ko pa ba? :D hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Annoying SchoolmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon