First day ng school, excited ako makita yung section ko, kung sino mga classmate ko, o kung may mga transferee, at magkikita na kami ni ivan. kaya maaga akong pumasok ng araw na yun,
habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko ang daming tao, mga studyanteng naghahanap ng kani-kanilang section, papunta na sana ako para hanapin yung pangalan ko, ng biglang may humawak sa kamay ko.
Baabe naman ginugulat mo ko !
"arte ko kay ivan pero nakangiti,
tumawa lang siya, at inaya niya na kong hanapin yung pangalan namin.
ilang minuto din at sa wakas nakita ko din yung pangalan ko. ang dami pa kasing echoss, first day palang pahirapan agad sa paghanap ng pangalan?
pero sa kasamaang palad hindi kami magclassmate ni ivan, iba ang section niya.kahit nakakalungkot pinipilit na lang ako pasayahin ni ivan. hinatid niya na ko sa bago kong classroom.
10 palang kami sa classroom nun, kaya umupo ako nakipagkwentuhan sa mga kakilala, nakipag kaibigan sa mga bago. habang isa isang nagdadatingan yung mga kaklase ko.
dumating na yung teacher namin, sinara na yung pinto,
nagpakilala na bawat isa, ako na yung nakatayo sa harap at nagpapakilala
TOK TOK TOK,
may kumakatok sa pinto, kaya binuksan ng classmate ko yung pinto,
mam sorry im late.
SI MAAAAAAAAAAAAAAARVIN !!! magclassmate kami?! ang malas naman talaga. bulong ko sa sarili ko habang nakatayo.
napalingon siya sakin at parang nagulat pero pumasok na siya. at nagpatuloy naman ako sa pagpapakilala.
-------------
Marvin's Pov
Nakaka inis late ako, First day palang ng klase, bulong ko sa sarili ko. habang tumatakbo papunta sa bago kong room. nang makarating na ko.
tok tok tok
kinatok ko na yung room,
maam sorry im late, "bungad ko pagkabukas ng pinto"
natigilan ako ng nakita kong nakatayo si jenica. pero tumuloy na din ako at umupo sa bakanteng upuan. BIglang lumipad yung isip ko nun. at humihiling na
Sana hindi na niya naalala yung nangyari nun, nakakainis bat dito pa ko napunta sa section na to, ay buhay nga naman o.
TUMIGIL NGA KAYO!!!
naalala ko yung sigaw niya nung araw na yun at pagsampal niya sakin. natauhan na lang ako ng marinig ko ang pangalan ko.
Mr.De Guzman? introduce yourself"ika ng guro namin
tumayo na ko at nagpakilala.
matapos magpakilala. naubos na ang oras at nagpapalit palit ng guro ng puro pagpapakilala ang ginawa ng araw na yun.
***KriiiiiiiiiiiiiiiiIIIIIIIIIIIIINg*** tumunog na ang bell, uwian na, ng makalabas ang guro namin dali na rin akong lumabas
------------------------------------------------------------------------------------
Jenica's PoV.
10:00 pm habang nagpapaantok sa kwarto ko, nakakainis naman tong araw na to, hindi ko na nga classmate si ivan, tapos classmate ko pa si marvin, haay nakaka stress na first day. sa dami dami ng magiging classmate bakit siya pa. haaaay nakakagigil.
makatulog na nga. . . . . .
-------------------