"Jenica" tinatawag ako ni marvin sabay takbo papalapit sakin
"o anong kailangan mo? tanong ko na nakasimangot pa
"may sasabihin sana ako sayo"
"ano nanaman?"
"Gusto ka daw makilala ng kaibigan ko"
"tigil tigilan mo nga ako sa pang tritrip mo" pagsaway ko sa kanya at baka may iniisip nanaman siyang kalokohan
"pre halika na" bigla siyang may tinawag sa gilid ng hagdan
hindi ba ko namamalik mata? si Ivan yung tinawag niya. habang papalapit ng papalapit si Ivan bumibilis yung tibok ng puso ko.
Gusto ako makilala ni Ivan? kung ano ano naglalaro sa utak ko habang papalapit siya. hanggang sa tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. pakiramdam ko nasa isang lugar ako ng puno puno ng bulaklak at nilalapitan ng isang prinsipe.
Ivan si Jenica Jenica si Ivan, bungad ni marvin nung makalapit na si Ivan bigla naman akong nagising sa paglipad ng isip ko.
Hi Ivan "habang nakalingon kay Ivan na mejo nagulat pa"
Hello jenica, pasensya ka na talaga nun sa nangyari last week "sagot ni Ivan"
oh paano maiwan ko na muna kayong dalawa" sabat naman ni marvin sabay takbo papalayo"
tinanguan naman siya ni ivan
nagpatuloy naman kami sa pag uusap ni ivan.
"ahm yung last week okey lang yun" kahit na kinikilig ako hindi ako nagpahalata.
"Gusto ko sanang bumawi sayo, okey lang ba kung lumabas tayo mamaya?"hirit niya"
"huh? ah. okey lang naman kahit hindi na" sagot ko kahit gusto ko talaga
"Sige na, kahit pambawi lang treat ko to, dali na please? basta mamaya hintayin kita sa gate" sagot naman niya habang nakangiti lang
"OSige na nga makakatanggi pa ba ko nagdesisyon ka na" sagot ko sa kanya na kahit namumula na ata ang mukha at sana hindi niya napansin yun.
krrrrrrriiiiiiiiiiiiing.
tumunog na yung bell para magsipasok na yung mga studyante sa room.
oh so paano mamaya hintayin na lang kita a? okey lang kahit matagal ka basta andun lang ako, mauna na ko - sabi niya habng tumutunog pa yung bell
osige, see you. paalam ko, umalis na siya bigla at tumakbo papunta sa building nila.
tinitignan ko lang siya hanggang sa nakaliko siya, pumasok na ko ng room
-----
*
Ivan PoV
Habang nagtuturo ang teacher, kinausap ko si marvin
*Pare bat mo naman ako iniwan di ko tuloy alam yung mga sasabihin ko, inaya ko na lang tuloy siya lumabas*
*e kung nandun ako edi sana hindi mo siya naaya lumabas* sabi niya habang nakangiti
Mr. Marvin and Ivan, Baka gusto niyong ishare sa klase yung pinagbubulungan niyo?
ah maam tinanong ko lang po yung nakasulat sa blackkboard di ko po kasi makita, palusot ko.
nagpatuloy na siya sa pagturo, at ako naman lumilipad ang isip, Hindi ko makalimutan yung mukha niya kanina,
Ang ganda niya lalo na pag namumula, Pagkatransfer ko sa school na to. siya yung unang napansin ko, ang ganda niya, minsan lagi ko siyang tinitignan ng hindi niya alam. ang cute ng dimples niya pati yung buhok niya na tamang tama sa korte ng mukha niya, pati yung amoy niya nung nagkabanggaan kami hanggang ngayon naamoy ko padin, yung ngiti niya kanina naalala ko pa din
Mr.benitez
narinig ko na lang tinatawag ako ng teacher ko.
"maam" Sagot ko na may halong gulat pa
"are you paying attention with my class?"
"yes maam"
--
Genica's PoV
KKKKKKKKKRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIING !!
Uwian na pala hindi ko napansin yung oras,
Genica kanina ka pa wala sa sarili a? sabi ni lia sakin pagkalabas ng guro namin
ah wala wala, may iniisip lang ako, sige lia mauna na ko. sagot ko at biglang labas ng room.
dumaan muna ako ng CR para mag ayos-ayos bago pumunta sa gate , Kumaway si Ivan, lumapit na ko papunta sa kanya.
at umalis kami nung oras na yun.
"kanina kapa? pasensya na ang tagal ko" bungad ko
" ah hindi mejo kararating ko lang din, tara na?" sagot niya
pumunta kami sa pinaka malapit na mall sa school namin, ang saya nung bawat segundo nun. parang ayaw ko ng umuwi gusto ko ihinto yung mga oras ng mga panahon na yun. kumain kami. nagkwentuhan naglakad lakad. Hindi ko namalayan na 7pm na pala, nagpaalam na ko sa kanya. pero hindi siya pumayag umuwi ako magisa. kaya hinatid na niya ko sa bahay namin
"Genica salamat sa oras mo a? sobrang nag enjoy ako. kahit parang sandali lang yung oras ang dami natin nagawa"
"thankyou din sobrang nagenjoy ako, di ko nga namalayan na 7 na pala"
"sige genica mauuna na ko"
"thankyou ulit Ivan, ingat ka sa paguwi"
umalis na siya at pumasok na ko ng gate namin.
nagtext ako sa kanya agad. Genica to, mag ingat ka sa pag uwi.
isang oras din siya bago nakapagreply
SLR. nalowbat kasi ako. ngayon lang nakauwi thankyou ulit :)) pasensya na sa abala. reply niya
syempre kilig pa din ako kahit di na kami magkasama. magkatext kami hanggang 11pm nagpaalam na ko sa kanya. tawa ako ng tawa ang kulit din pala niya. akala ko tahimik lang siya gusto ko pa sana makatext siya kaso may pasok pa bukas kaya nagpaalam na ko.
ang kulit mo pala :))) Ivan kailangan ko ng matulog so paano bukas na lang a? :)) thankyou ng madami sa time mo :D nakakatuwa ka :)) Goodnight Sweetdreams :)) ikaw matulog ka na din
Ilang oras din ang nakalipas at bago pa ako tuluyang nakatulog
--------------------
