05

48 5 0
                                    


Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon. Namamalikmata ba ako?

Ako ba talaga ito?!

Hindi ko maiwasang magulat dahil sa paghanga ko sa repleksyon ko sa salamin ngayon. Parang hindi talaga ako e!

Hindi ako makapaniwala na bumagay sa akin ang uniform ng Academy! Ang napakagandang uniform na ito.

Sa totoo lang ay napaka-ganda ng uniform. Puting long sleeves ito na may collar na itim. May mga linings din itong itim sa bulsa, sa may kwelyo, sa sleeves, at maging sa tagiliran.  May patch na naka-design ang logo ng Sole Academy sa kaliwang sleeve at may malaking pulang ribbon sa harapan. Hindi sumasayad sa tuhod ang puting palda ngunit may mahaba namang medyas na itim na hanggang tuhod. Mukhang uniform ito ng mayayaman. Hindi naman kasi ganitong kaganda ang mga uniform nina Alexa at Angela

Kaya nga nang makita ko ito ay alam ko ng hindi ito babagay sa akin pero nagkamali pala ako dahil bumagay ito. Mas nagpaganda pa siguro ng ipuyod ko ang aking medyo kulot na buhok sa likod ng isa. 

Hindi ko na maiwasang mapangiti habang tinitignan ko ang aking itsura sa salamin.

Sa wakas, nakapag-suot na din ako ng School Uniform! at hindi na ako mukhang basahan, mukha na talaga akong tao!

Hindi ko maiwasang papuri sa sarili ko.

Nawala lang atensyon ko sa salamin ng biglang may humawak sa dalawa kong balikat at iginaya akong paharap sa kanya. Bumungad ang nakanguso na si Hime.

"Kanina ka pang nakatayo dyan! Male-late ka na nyan e. Malayo pa ang lalakarin mo. Napaka-layooooo!" Masungit at may feelings pa na sabi niya sa akin.

Hindi ko namang naiwasang mapangiti ng lalo pa syang ngumuso na parang bata na inagawan ng kendi.

"Pasensya na. Natutuwa kasi ako sa itsura ko. Hindi ko akalain na babagay sa akin ang uniform na ito. Alam mo na, akala ko magmumukha akong basahan na binihisan pero hindi pala." Pag-amin ko sa kanya na medyo natatawa pa.

Napansin ko ang sandaling paglatay ng lungkot sa mga mata niya pero agad ding nawala ng ngumiti siya.

Napangiwi din ako ng kinurot niya ang dalawang pisngi ko na malinis na sa sugat at mga pasa. Salamat sa ilang araw na panggagamot nila.

"Hindi ka basahan! Ghad. Ang kulet mo pala. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na bagay sa'yo yan! You're beautiful! Hindi mapagkakaila yan! Mas maganda ka pa nga sa akin e!" Nakangiting puri niya sa akin.

Mabilis ko namang inialis ang kanyang mga kamay sa aking pisngi dahil medyo masakit na.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. May mas gaganda pa ba sa'yo?"

Napakaganda niya naman talaga kasi kaya mukhang imposible ang sinasabi niya.

Napansin ko ang pagningning bigla ng mga mata niya at mas lumapad ang ngiti. Napapitlag ako ng niyakap niya ako ng mahigpit.

"Yay! Kaya loves na loves kita, Lyra! Salamat sa pagsasabi ng beauty ko. Labyu talaga!"

Natawa na lang ako. Halatang gustong gusto niyang sinasabihan siya ng maganda kahit na totoo naman na talaga.

Ilang sandali pa ay binitawan na niya ako at marahang itinulak palabas ng pinto. Iniabot din niya sa akin ang bag ko at pinipilit na akong umalis.

"Enjoy your first day high!" Masiglang sabi niya sa akin.

Sole AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon