"Mommyyyyyy!!!!!!!!"
Jusko po! Natanggal yata ang eardrums ko!
"Mommy! She ruined my dress! My gosh! Ano na lang ang susuotin ko sa school mamaya?!"
Hindi ko maiwasang mapapikit sa lakas at tinis ng boses ni Angela na umaaligawngaw sa buong kabahayan. Dinaig pa ang mga wangwagng sa lakas e.
"What happened?!"
Nanlamig kaagad ako ng marinig ko ang boses ni Tita Alice. Gusto ko ng lumubog sa sahig na kinakasalampakan ko.
"Si Lyra kasi mommy. I told her to iron my dress, e ang tagal tagal niya so I did it! E hindi naman niya sinabi na hindi pala dapat itodo yung heat! Ayan tuloy! Nasunog!" Napapikit ako ng binato sa akin ni Angela yung dress niyang sira. "Ang tanga tanga mo talaga! Nakakainis!" Sinipa niya muna ako bago kami iwan.
"So.."
Lalo akong nanlamig at napalunok laway ng marinig ko ang boses ni Tita.
Alam ko na ang susunod dito.
At tama nga ako.
Tinayo ako ni Tita Alice, tinayo niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa pagtulak sa akin ni Angela kanina. Tinayo niya ako gamit ang mga kamay niya sa buhok ko.
Napangiwi ako sa sakit.
"A-Aray ko po! Tita!"
"Alam mo ng hindi marunong yung isa na magplantsa, hinayaan mo pa. Boba ka ba talaga?!" Galit na galit sigaw niya sa akin.
"P-Pasensya na p-po.."
Gustuhin ko mang sumagot at sabihin sa kanya na hindi ko naman alam na magkakata-kata si Angela na magplantsa. Sinabi ko naman sa kanya na saglit lang kasi inuutusan din ako ni Alexa na ipagluto siya ng almusal. Gusto kong sabihin na, 'iisa lang naman po kasi ang katawan ko.' Pero syempre hindi ko magawa.
Nalilintikan na nga ako di ba?
Baka lalo akong mapahamak kapag sumagot pa ako.
"Lintek na pasensya yan!" Sigaw niyang muli sabay tulak sa akin ng malakas paharap.
Laking pasasalamat ko na lamang at napahawak kaagad ako sa lamesa at napigilan ang sarili ko na tumama sa kanto nito kung hindi dagdag sakit ng katawan na naman ang aabutin ko. Hindi pa nga gumagaling 'yung pasa ko sa likuran ko dahil sa pagbambo niya sa akin ng walis noong isang araw. Dahil naman iyon sa nawalan daw siya ng alahas, iyon pala namali lang siya ng lagay. Akala niya ay ninakaw ko.
"You know what?" Muli niyang hinila ang buhok ko na nagpadaing sa akin. "Pinapalamon kita sa pamamahay ko para kumilos ng ayos, hindi para gumawa ng mga katangahan! Maliwanag ba?!"
Hindi ako sumasagot.
"Maliwanag ba?!" Napapitlag ako sa muling pagsigaw niya dahilan para sunod sunod akong mapatango kahit hawak niya pa ang buhok ko. Ramdam ko'y matatanggal na ang anit ko sa tindi ng hawak niya.
"O-po!"
"Good. Now, let's go!"
Jusko po. Gusto kong maiyak sa sakit lalo!
Habang hila hila ni Tita Alice ang buhok ko ay naglakad siya ng mabilis. Hindi ko alam paano ko ipupwesto ang sarili ko para hindi makaladkad.
Kagat kagat ko ang ibabang labi ko. Pinipigilan ang sarili ko sa pagdaing dahil lalo niya akong maririnig na dumaing, lalo lang akong masasaktan.
