07

52 5 0
                                    

LYRA'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa wing ng Special Class. Ngayon ay sinisigurado ko ng tama ang dinadaanan ko dahil baka maligaw na naman ako at makarating sa lugar ng mga Elite class.

Naalala ko tuloy ang reaksyon ni Hime ng maikwento ko ang lahat ng nangyari sa akin sa buong araw na nagdaan. Nabanggit ko din sa kanya na naligaw ako sa Elite Class at kung paano ang trato nila sa akin. Sobrang nabigla ako sa naging reaksyon niya. Kasi naman nagalit siya. Galit na galit.



FLASHBACK

"What?! Naligaw ka then imbes na tulungan ka ng mga estudyanteng nakakita sa'yo ay binully ka pa nila?!" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Hime. Makailang beses akong napakurap dahil sa nakikita kong panlalaki ng mata nya na tila ba di talaga makapaniwala.

Mabilis naman akong napatingin sa magkabilang balikat ko ng hawakan niya ito. Nang nagbalik ako ng tingin sa kanyang mukha ay kaagad na sumalubong sa akin ang seryoso at mariin na titig niya.

"Sa Elite Class ka ba nakapunta?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Doon nga." Sagot ko.

Nabigla ako ng biglang akong binitawan ni Hime at pabagsak siyang humiga sa kama. Hindi pa din niya inaalis ang pormang indian sit ng kanyang mga binti. Napansin ko din na parang hinihilot nito ang kanyang ulo.

"Bakit, Hime? Masakit ba ang ulo mo?" Nag-aalala kong tanong.

"No. But Lyra, paano ka nakapasok sa barrier ng North wing?" Tanong niya na hindi man lang ako tinignan at nagpapatuloy lang sa paghilot ng kanyang ulo.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko na lamang ay nandoon na ako." Sagot ko.

Nabigla muli ako ng bigla itong umupo at seryosong seryoso pa na tumingin sa akin.

May nangyari ba?

"Hindi mo alam? But our dorm's path is directly connected to our class so why the—OH GOSH! Kasalanan nya to!!"

Halos mapaatras ako sa bigla niyang pagsigaw. Nanlaki pa ang mata ko ng guluhin niya ang kanyang buhok ng dahil sa pagka-irita. Ito ang unang beses na makita ko sya na ganito.

Nasaan ang mahinhin na si Hime?

"Kasalanan nino?" Hindi ko na napigilang tanong.

"Ng isa sa Student Council. Only that guy and the Head Master can control all the Barriers here. He opened the barrier kaya nakita mo ang path na papunta sa North Wing!" Mariin at puno ng inis na sabi nito.

"Talaga? Iyon ba ang dahilan kaya naligaw ako?" Tanong kong muli.

"Yea. As if na si Head Master naman ang gagawa nun. Malabo! Aish! It's his fault!" Napalunok na lamang ako sa nakikita kong intesidad ng pagka-inis ni Hime. Pakiramdam ko ay pag hindi ako lumayo ay masasapak niya ako kaya naman pasimple akong lumalayo sa kanya. Mahirap na at baka masapak talaga ako.

Pero sa kabilang banda ay napaisip ako.

Sino ang Student Council? Bakit tila kilala niya ito?

Sandali akong tumingin sa kanya. Nakatingin lamang ito sa ibaba at tila nag-iisip.

"Hime." Tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot ngunit nag-angat naman ng tingin sa akin.

"Sino ang Student Council?" Tanong ko sa kanya

Nakita kong natigilan siya sandali ngunit agad din namang nakabawi. Humugot siya ng malalim na pagbuntong hininga at ngumiti ng marahan.

Sole AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon