10

144 6 0
                                    


Kanina ko pa kagat-kagat ang aking ibabang labi. Halos magkasugat na ito sa higpit ng pagkakakagat ko dito ngunit kailangang kong gawin ito.Nasa isang mahirap na sitwasyon ako at tanging ito na lamang ang aking maaaring gawin upang magpigil.

"Bwahahaha! Nakaganti na din ako! Oh yeah! Oh yeah! Oh yeah!"

Napatingin ako sa tuwang tuwa si Jheanne habang nagsasasayaw pa.

Gaya ni Jheanne ay nagtatawanan din sila Xandra. Hindi lang basta pagtawa kung hindi hagalpak pa. Napapansin ko na nga ang tinginan sa amin ng ibang estudyante dito sa garden pero tila wala silang pakielam. Ang mahalaga ay masaya kami.

"You can laugh too you know. Wag mong pigilin yan." Sabi ni Prince sa akin na nasa tabi ko ngayon sa upuan. Natawa din ito hindi nga lang katulad nila Jheanne. Hindi ko alam kung pigil ba ang pagtawa niya o ganito lang talaga siya tumawa, marahan.

Sandali kong tinignan ang dahilan ng kanilang pinagtatawanan. Si Lake. Gumawa kasi ng kalokohan itong si Jheanne. Nag-CR lang sandali itong si Lake tapos si Jheanne naman ay kaagad na naghanap ng hot sauce at ibinudbod sa spaghetti ni Lake. Sinubukan ko pa nga siyang pigilan dahil kawawa naman si Lake at baka magalit ito pero 'di ito nakinig. Ngayon lang daw kasi ito makakabawi sa panti-trip nito sa kanya. Noong isang araw naman kasi ay pinaltan ni Lake ng tubig na may tinta ng ballpen ang pabango ni Jheanne kaya ayan, bumawi. Sa totoo lang, para talaga silang mga bata. Hindi ko alam bakit ganito sila katindi manloko sa isa't isa pero sabi naman sakin nina Hadee ay normal na ito sa dalawa. Magkaibigan na daw kasi simula pagkabata at dati na silang ganito.

Nakatingin pa din sa akin si Prince at tila naghihintay ng gagawin ko kaya agad akong umiling habang kagat-kagat ko pa din ang aking ibabang labi. Sobra sobrang pagpipigil sa tawa ang aking ginagawa. Kahit kasi nakakaawa talaga itong si Lake ay hindi ko talaga mapigilang matawa. Para kasi itong kiti-kiti sa na di alam kung saan magsusuot habang nakalabas ang dila. Ilang baso ng tubig na rin ang nainom nito at sobrang pula ng mukha at mata. Para syang batang nagpapalahaw. Nakakaawa di ba? Pero sa paningin namin nakakatawa. Para tuloy ang sama namin.

"A-Ayokong tawanan sya. Kawawa na nga. At saka baka magalit sya sa akin." Bulong ko naman kay Prince.

Totoo iyon, ayokong lalo pa itong mainis. Lahat kasi ay pinagtatawanan na siya maging ang ibang mga estudyante na nakakakita sa kanya.

"Tss. Lake deserves that sa mga pantitrip niya kay Jheanne? And don't worry, hindi pikon yan. Kahit pa ihulog mo yan sa bangin ay 'di yan magagalit sa'yo. When he thinks you as his friend, he will never hate you." Nakangiting sabi niya na tila sinisigurado niya ang kanyang sinabi sa akin.

Sandali akong natigilan.

"T-Talaga?"

Tumango ito at tumingin muli kay Lake na kasalukuyang nainom na naman ng tubig.

"Yes. I am sure of that. Wait." Tumingin itong muli sa akin at nakakunot pa ang noo. "Maybe you don't treat that guy as a friend? Even us? Hindi ba kaibigan ang turing mo sa amin?" Tanong nito na nanliliit ang mata at unti-unti pa nitong nilalapit ang mukha sa akin.

"Hindi totoo yan! Kaibigan ko kayo! Tinuturing ko kayong mga tunay kong kaibigan!" Sagot ko kaagad dito habang nailing pa. Kasabay din ang pag-angat ng dalawa kong mga kamay na pagpapakita na hindi totoo ang kanyang sinabi.

Sandali akong kinabahan ng hindi pa din ito nagsasalita.

Iniisip pa din ba talaga nito na hindi ko sila tinuturing na kaibigan?

Ilang sandali lang itong nakatitig sa akin habang nakakunot pa din ang noo at nanliliit ang mata. Ngunit nawala ang kabang iyon ng bigla din naman syang ngumiti ng maluwang at nilayo na ang mukha mula sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sole AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon