Hindi maiwasan ng mga mata kong maglumikot ngayon. Bago kasi sa akin ang mga nakikita ko kaya hindi talaga ako makatiis.
Kaya naman nililibot ko nga ang paningin ko sa opisina ni Sir Mateo. Sir na ang tawag ko sa kanya hindi na Mang Mateo simula ng malaman kong siya pala ang Head Master nitong Sole Academy. Parang hindi naman kasi bagay sa isang gaya niyang mukhang napakayaman na tawagin na 'Manong o Mang' at saka siya nga ang Head Master kaya tingin ko 'Sir' talaga ang dapat itawag sa kanya.
Sa totoo lang, halos kani-kanina ko lang napansin na opisina pala ang nilabasan namin kanina nina Shaun. Masyado kasing nakakaagaw atensyon ang bumungad sa amin e. Hindi ko na kailangan pang alalahanin kung bakit. Baka kasi mapanaginipan ko pa mamayang gabi! Kaya wag na lang.
At isa bilis ng mga pangyayari. Pakiramdam ko, panaginip lang to. Kahit anong oras ay gigisingin ako ni Tita Alice. Sana hindi.
Patuloy lang ako sa pagagala ng tingin sa opisina ni Sir Mateo. Malaki ito at sobrang ganda ng pagkaka-ayos. Walang panama ang library o kahit ano pang kwarto sa bahay nina Tita Alice dito. Sa sobrang laki nito, tingin ko nga'y para na itong pinagsamang sala, kusina, at isang kwarto sa bahay nina Tita Alice.
Ang pader nito'y kulay asul na may kombinasyon ng kaunting puti. May mga nakasabit din mga paintings sa pader na talagang pagkakaganda ng pagkakaguhit. Tingin ko, mas mahal pa ang halaga nito sa buhay ko ang mga ito.
May isa ring napakalaking flat na TV na nakadikit din sa pader at kahanay ng table ni Sir. Base sa pagkakatanda ko ay Smart TV ang tawag dito dahil ito yung gustong ipabili ni Alexa kay Tito Jun. May kasama pa itong naglalakihang speakers sa may gilid.
Kaagaw agaw talaga ng pansin ang mga mamahaling displays na narito. Mapa-flower vase, figurines, carpet, at kahit ang sofa na narito sa loob. Walang tulak kabigin!
Para tuloy nakakatakot kumilos dahil baka makasira pa ako!
Wala pa naman akong pambayad!
Kaya nga, nakaupo lang ako dito sa sofa na nasa mini sala dito sa opisina ni Sir. Dito daw niya pinapa-pwesto ang kanyang mga bisita. Kumbaga, receiving area niya.
Sa Mini Sala na ito ay mayroong isang mahabang sofa na kulay itim na kung saan ako nakaupo sa ngayon. Sa magkabilang gilid nito ay may dalawang single sofa. Napapagitnaan pa ito ng isang mababang lamesa na gawa sa kahoy na para bang isang antigo.
Pero ang talagang nagpa-mangha sa akin ng todo sa opisinang ito ay ang napakalaking bintanang gawa sa salamin na tila sakop ang isang buong pader ng opisina. Kahit nakaupo lamang ako dito sa may mini sala ay nagagawa ko pa ding matanaw ang kalangitan ng dahil nga sa malaking salamin na ito. Kaya naman sa palagay ko ay mas malawak pa ang matatanaw ko kapag lumapit sa bintanang salamin na ito. Doon din pala naka-pwesto ang kanyang working table. Gusto ko mang sumilip pero nahihiya naman ako.
Halatang opisina talaga ng mayaman.
Natigil lamang ang pagsuri ko sa buong lugar mapansin kong nakalapit na sa akin si Sir Mateo. May dala siyang dalawang tasa. Ang isang tasa ay inilapag niya sa lamesa na kaharap ng single sofa habang ang isa naman ay sa aking harapan.
"Have some tea. Masarap iyan." Sabi ni Sir tapos ay ngumiti pa.
Isang simpleng pagtango at pag-ngiti na lamang din ang aking isinagot. Nahihiya pa din kasi ako at naiilang sa kanya.
Naupo na rin siya sa single sofa na nasa aking kaliwa at nagsimula na ring inumin ang kanyang tsaa. Kinuha ko na rin ang akin at marahan itong ininom. Hmm. Ang sarap!
Habang ninanamnam ko ang aking tsaa ay pasimple kong sinulyapan si Sir Mateo at hindi ko natiis na suriin siya.
Kahit hindi na siya ganoong kabata ay masasabi ko talagang magandang lalaki pa rin siya. Kung kasing edad lamang siya nina Shaun ay maaari ko siyang ihambing sa mga ito pagdating sa ka-gwapuhan. Pero kahit naman mukha na siyang nasa 40's ay makikita pa rin ang kagandahan ng kanyang pangangatawan at mukha. Kung wala nga siguro siyang balbas at bigote ay baka akalain kong nasa 30's pa lang siya.
