Halos mag-iisang oras na kaming naglalakad nitong si Shiki. Nakakaramdam na ng pagod ang mga paa at binti ko pero hindi ko naman magawang magtanong kung saan nga ba talaga kami pupunta. Kaya naman wala akong magawa kung hindi ang sundan na lang siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na siya ang magiging Trainer ko. Gaya nga ng sinabi ng Student Council kanina ay hindi tumanggap ng trainees itong si Shiki, silang apat lang daw kaya laking pagkabigla ko ng hawakan nito ang aking kamay at sabihin na siya ang mageensayo sa akin. Kung nabigla ako ay mas lalo naman ang mga kasama ni Shiki sa Student Council. Nagbiro pa nga si Shaun na baka may lagnat daw itong si Shiki pero syempre hindi lang siya pinansin ni Shiki. Kanina rin pala ay pinilit pa siya ng mga kasama niya na sila na lang ang mageensayo sa akin pero matigas talaga itong si Shiki dahil hindi ito nakinig. Natigil na lamang ang usapan ng pumayag si Sir Mateo na si Shiki na nga ang aking Trainer. Kaya wala ng nagawa ang Student Council. Hay.
Hindi naman sa ayaw ko kay Shiki bilang trainer ko. Alam ko namang malakas ito at marami ding maitutulong sa akin, kasama sya sa Top 6 Elites di ba? Pero hindi pa din maiaalis sa isipan ko na tila siya ang may ayaw sa akin. Base kasi sa bawat pagkikita namin ay parang lagi itong galit sa akin at panay pa ang pagmumura. Kaya nga, kanina habang nagtatalo-talo sila ng mga kasama nya patungkol sa pagiging Trainer nya sa akin ay umaasa akong magbago ang isip nito at iba na lamang ang aking maging trainer. Pero 'di nangyari. Siya pa din ang trainer ko.
Sandali kong ipinilig ang aking ulo. Kailangan kong ipakita kay Shiki na okay ako sa kanya. Ayokong isipin niya na ayaw ko sa kanya. Hindi ko pa naman siya ganoong kakilala eh, kaya wala hindi ko dapat ito husgahan. Naniniwala akong mabuting tao rin itong si Shiki. Lagi nga lang mukhang galit sa mundo.
Patuloy pa din kami sa paglalakad. Tahimik lamang akong nakasunod sa kanya. Sapo-sapo ko na ang aking dibdib dahil sa halo-halong emosyon dito pero ang pinaka-nangingibabaw sa lahat ay ang takot at kaba.
Magtatagumpay kaya ako? Malalaman ko nga ba ang aking kapangyarihan?
Muli kong sinipat ng aking tingin ang paligid. Puro bato, lupa, mangilan-ngilang puno lamang ang aming nadadaanan. Paulit-ulit na ganun lamang kaya 'di ko malaman kung nasaan na kami. Tila ba ay nasa ilang (wilderness) kami.Ang lugar daw na ito ang aming magiging training room pero ng makapasok kami ay tila hindi naman ito kwarto. Mukhang lumabas na kami ng Academy. Naisip ko na lamang na may pahintulot ni Sir Mateo kaya kami nakalabas. Napakalabo namang nasa Academy pa din kami. Malabong may ganitong kalawak na lugar sa Academy.
Natigilan ako sa paglalakad ng mapansin kong tumigil na din si Shiki. Nag-angat ako ng tingin dito at sakto namang humarap ito sa akin at gaya ng dati ay wala pa ring emosyon ang mukha nito ngunit ang mga mata'y napakalamig ng titig.
"We are here." Seryosong sabi nya.
Sandali akong natigilan ngunit kaagad na tumingin sa paligid ng makuha ko ang kanyang sinabi. Napakunot ang aking noo dahil gaya kanina ay iyon pa din ang aking nakikita, walang iba.
"Nasaan na tayo? Malayo na ba tayo sa Academy?" Di ko na napigilang magtanong.
"We're still inside the Academy." Tipid na sagot nito.
Nakatingin lamang ako sa kanya at tila ipinapasok pa sa aking sistema ang kanyang sinabi. Kaagad nanlaki ang aking mga mata at muling nilibot ang aking paningin sa paligid.
"Parte pa din to ng Academy?!!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Fvck. You don't need to shout!" Singhal nito sa akin dahilan para matahimik ako. Nakakunot pa ang noo nito.