CHAPTER 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

“Tao po,” kumakatok siya sa gate, “pwede po bang mag-tanong?”

“Ano ang kailangan mo ineng?”

“Magandang umaga po, may hinahanap lang po ako, kilala niyo po ba si Jake De Vera?” aniya sa ale.

“Ah, si Jake ba ang hinahanap mo? Pinag-buksan siya ng gate at pinatuloy sa loob ng bahay. Sandali lang ha? upo ka muna at tatawagin ko lang siya.” pumasok ito sa loob upang tawagin ito.

Nang maka-upo si Ashgab iginala ang paningin palibot sa bahay. Nag-punta siya sa dating tinitirahan niya noon ngunit may nakapag-sabing kapitbahay na sa tiyahin na siya nakatira at binigay naman nito ang address.

Saglit lang naman at bumalik narin ang tiyahin nito.

“Ano nga pala ang sadya mo sa pamangkin ko?” Tanong nito. At umupo ito sa pang-isahang upuan habang hinihintay lumabas si Jake.

Napangiting hindi kaagad makasagot dito. Ano nga pala ang sasabihin ko? Na wala pa akong asawa at desperado na akong makakuha.

“Manganga-musta lang po ako, for old times’ sake.” Sinundan kaagad niya ng matamis na ngiti. “Meron na po ba siyang girlfriend? O asawa po kaya?

Napa-iling nitong sagot, “Wala na yatang planong mag-asawa iyan, simula kasi nang maaksidente at namatay ang mga magulang, lagi nalang naka-kulong dito sa bahay.

Mag-kukuwento pa sana ito nang may lumabas sa loob ng kwarto.

Na-bigla ako sa aking nakita dahil naka-wheelchair na siya.

“Eto na pala siya, tumayo na ito, maiwan ko na kayo para makapag-usap.”

Tumungo ako at nag-pasalamat, “Salamat po at ikinagagalak ko po kayong makilala.”

“Upo ka,” aniya sa akin, “ano nga pala ang mapag-lilingkod ko sa iyo? Walang kangiti-ngiting sabi niya.

“Wala naman, nanganga-musta lang. Kamusta ka na?”

“Sa nakikita mo ngayon, masasabi mo bang ok ako?”

“Jake, huwag ka naman ganyan.”

“Sana namatay na rin ako kasama ng magulang ko, nabuhay nga ako pero naputol naman ang dalawang paa ko. Ano pa ang silbi ko.”

“Huwag kang mag-salita ng ganyan, lumuhod na ako sa tapat niya at hinawakan ang kanyang mga kamay, nabuhay ka dahil meron pang plano ang Panginoon sa’yo, huwag kang mawalan ng pag-asa.”

Nagtagal lang ako ng mahigit isang oras sa kanila, marami rin kaming napag-usapan, naikuwento rin niya kung papaano nangyari ang aksidente at naging buhay niya simula noon. Umalis ako sa kanila na may ngiti akong nakita mula sa kanya.

***

“You won’t believe this, wala nang mga paa si Jake. Kausap niya si Pre sa cellphone habang naglalakad sa kahabaan ng Ortigas. Kagagaling lang niya sa bahay ng tiyahin ni Jake na kasalukuyang doon na ito nakatira.

“What! Anong nangyari?”

“Ganito kasi iyon”, ikinuwento ko ang kung papaano ito naaksidente at sa pagkamatay rin ng mga magulang nito. “Yun ang buong pangyayari.

I FELL INLOVE WITH NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon