CHAPTER 5

6 0 0
                                    

Chapter 5

“How are you?” Naupo ito sa executive chair at diretsong nakatingin sa akin.

Paano naman siya makakapag-react, mukha ba ba ni Zed ito ang nakikita niya? Eh eto ang mukha na nakita niya sa restaurant at sacorridor.

“A-are you Zed? hindi pa din siya makapaniwala tanong niya.

“Ang bilis mo naman makalimot.” Tipid na ngiti nito bago binuksan ang drawer at kinuha ang eyeglasses at isinuot sa mga mata. “So, do I look familiar now?”

Hindi pa din siya makahuma. Kaya pala naisip niyang familiar ang mukha nito sa kanya nung nakita niya ito sa restaurant dahil siya pala si Zed. Ang laki kasi ng ipinagbago nito. Ang makapal na buhok nito noon ay naging manipis na ngayon at hindi na. Kuminis narin ang mukha nito.

Ngayon lang niya na-realize na maganda pala ang mga mata nito dahil noon ay lagi itong nakasuot ng salamin. Ang mga ngipin nito na noon ay ay naka-brace dahil sa sungki-sungki ngayon ay pantay-pantay na. Idagdag pa na hindi na ito baduy manamit. Mas naging guwapo ito sa suot na executive suit.

He’s different now, really different.

“Our HRD head just resigned,” pagkaraa’y sabi nito at tinanggal ang suot na salamin. “Do you want to have that position, MissMorgan?”

Para siyang walang narinig. Nakatitig pa rin siya sa mukha nito na para bang ngayon lang sila nagkakilala. And take note. Iba ang nararamdaman niya. Hindi katulad ng kilig na nararamdaman niya para kay Kyle. Parang mas malala pa ito!

O baka naman na shock lang siya dahil sa laki ng ipinagbago ng itsura niya?

“Miss Morgan,” ulit nito.

Kung hindi pa siguro tumunog ang telepono nito na nasa lamesa ay hindi pa siya matatauhan.

“Excuse me, “aniya at sinagot ang tawag.

Natuon ang ang tingin niya sa mukha nito at sa mga mata habang nakikipag-usap sa telepono. She felt she couldn’t take her eyes off him, natatakot ba siyang mawala ito kahit sa isang pagkurap lang ng mata.

Kung mas natitigan niya itong mabuti kahapon sa restaurant baka sakaling mamukhaan niya ito. Hindi lang niya talaga akalain na magiging guwapo ito dahil sa kasanayang nakikita itong baduy at nakasuot ng makapal na salamin na bilog ang frame.

Pinilit niyang kontrolin ang panginginig ng buong katawan niya nang ibaba nito ang telepono sa cradle.

“So, where are we? tanong nito.

“Zed. I mean Sir, “ halos pabulong niyang sabi. “It’s really a surprised to see you…” nag-pause saglit at sabay lunok. “I-ikaw ba yung nakita ko sa restaurant kahapon?”

“Yes.”

“And you recognize me?”

“Of course. You are still the same Ashley I had known many years ago. Pero hindi mo na yata ako matandaan.”

Si Zed lang ang tumatawag sa akin na Ashley, sabi niya sa akin para naman daw maiba, mas maganda raw sambitin ang Ashley kesa sa Ashgab na tawag ng karamihan sa akin.

“Kahit naman sino siguro hindi ka na makikilala, you look different. You look very very handsome.” Tipid na ngiti pagkasabi noon.

I FELL INLOVE WITH NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon