Chapter 8
“OMG!” Hindi lamang ang mga mata niya ang nanlaki kundi maging ang mga butas ng ilong niya dahil sa sinabi nito.
“Just tell me kung saang simbahan mo gustong magpakasal tayo,” sinabi ulit nito. “Ikaw ang masusunod sa lahat. Kahit na ilang bisita. Kahit anong motif. Just marry me!”
“Z-Zed,” mahinang sabi niya. “Ang bilis naman yata. Hindi ka pa nanliligaw, nagpo-propose ka na.”
“Hindi pa ba matatawag na panliligaw ang ginawa ko sa’yo noon? He asked. “This is just a continuation, my dear. And I need an answer now. Ang tagal kong nagtiis. I’ve waited for you. Ayoko nang maghintay uli. Marry me, please. If you sa ‘yes’, ipahahanda ko kaagad ang kasal natin. If you sa ‘no’, hindi na kita gagambalain kailanman.”
“D-do I really have to answer now?”
“Yes.”
Nalito ang isip niya. Hindi kaya napasubo siya kung sumagot kaagad siya ng “oo”? Paano naman kung pinakawalan pa niya ito at pagkatapos ay pagsisihan pala niya sa bandang huli? Iisipin na lamang na tumatakbo ang oras, lumilipas ang panahon, tumatanda na siya.
Tumatanda na siya!
“Yes!” malakas niyang sabi. Napatingin sa kanya ang mga manutugtog dahil sa lakas ng kanyang boses. “I’ll marry you, Zed. Kahit saang simbahan, kahit kailan, kahit ngayon na.
Ito naman ang napatulala matapos iyon. Maging ang mga manutugtog ay napatigil nang matahimik ito. Matagal bago nito nagawang magsalita ulit. “I’m happy to hear that Ashley,” mahina nitong sabi. “ipahahanda ko kaagad ang kasal natin sa lalong madaling panahon.
Masayang yumakap siya rito. Wala siyang makapang takot o pagsisisi sa kanyang dibdib. Patunay lamang iyon na nakahanda na siya sa panibagong buhay na papasukin. At patunay na si Zed na nga ang lalaking pinakahihintay niya.
***
“IKAKASAL na ako!”
Napatigil sa pagbibilang ng pera ang lola glo at tita tam niya. Nagkatinginan at pagkatapos ay sabay pang bumaling sa kanya nang bigla na lamang siyang bumungad sa pintuan at isinigaw ang balitang iyon.
Inihatid siya ni Zed, ngunit umalis din ito kaagad.
“Anong sabi mo?” tanong ng tita tam niya.
“Pakiulit?” dugtong naman ng lola glo niya.
“I’m getting married. Ikakasal na ako! Mag-aasawa na ako!” Naupo siya sa sofa at niyakap ang throw pillow.
Natulala naman ang dalawang forget’s. Kung hindi pa nilipad ng hangin mula sa electric fan ang mga perang binibilang ng mga ito ay hindi pa matatauhan ang dalawa. “Ikakasal ka na?!” sabay pa ring sabi ng mga ito habang pinupulot sa sahig ang pera.
“Kanino naman?’ tanong ng lola glo niya.
“E, di kay Zed,” diretsong sagot nito.
“Kay Sid?” gulat na namang tanong ng lola glo niya. “Ngayon lang kayo nag-date, magpapakasal na?”
“Instant attraction,” pagbibigay-kahulugan niya sa bagay na iyon. “Tumibok agad ang puso. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero gano’n lang siguro talaga iyon. Mas hindi nga raw nagkakatuluyan ang mg taong dumaan sa long engagement, eh.”