CHAPTER 4

4 0 0
                                        

Chapter 4

Nakatingala ako sa harap ng LinkWorld Building. Napag-alaman ni Ashgab sa information desk na isang Computer Company iyon. Pinagtanong ko na rin kung saang floor ko mahahanap ang sinabing nanga-ngailangan ng executive secretary. Sinabi naman nito sa akin.

Pagkarating ko doon ay may nakita akong mga nakapilang mga babae marahil ay mga aplikante.

Magtutuloy-tuloy na sana siya nang biglang harangin ng isang babae marahil ay secretary roon. “Miss, dun ang pila, “ sabi nito. itinuro niya kung saan.

“Excuse me miss, hindi ako aplikante, “ aniya dito. “Gusto ko lang makausp sana si Kyle Vera.”

“Maari ko po bang malaman ang pangalan niyo, Ma’am?” tanong nito.

Gabriella Ashley Morgan.”

Pagkatanong nito, bumalik na ito sa desk niya at may tiningnan. Nang bumalik ay sinabing pumila na raw ulit ako. “Pasensiya na po, wala po kasi kayo sa appointment book niya, eh.”

Wala siyang nagawa kundi pumila bilang isang aplikante. Buti nalang nagdala siya ng Resume niya kaya meron siyang requirement na ibinigay. Sa paglingon-lingon ko meron akong nakita na upuan malapit sa corridor na inokupa kanina ng aplikante. Hindi ko akalain na big time na siya. Ano kaya ang trabaho niya dito?

May kaya naman ang pamilya nila Kyle at Zed kaya hindi nakakapag-taka na mayroon silang negosyo na ganito. Sa pagkaka-alam ko laking probinsiya si Zed kaya siguro ganun ito kung manamit.

Habang nagmumuni-muni, naputol ito dahil narinig niyang nagbubulungan ang dalawang aplikante. Kaya nagbubulungan ito dahil sa nakakita ng guwapong naglalakad sa gitna ng corridor at nang ito’y kanyang pagmasdan ang lalaking suplado na nakita niya sa restaurant kahapon.

“Ano ang ginagawa niya dito?” hindi niya mapigilang sabi.

“I think, he’s one of the senior officers  of this company.” Nirinig niyang sabi ng katabi.

Bumiling siya rito. “Paano mo nalaman?”

“Limang beses na kasi akong nag-aaply dito pero hanggang ngayon hindi pa din ako natatanggap.”

“Bilib din ako sa’yo, ang tiyaga mo rin ano?” sabi niya dito.

“Yun lalaking guwapo kanina ang nagpa-final interview. Masyadong istrikto at sobrang matanong.” Kaya hanggang ngayon hindi pa din ako natatanggap. Ang guwapo niya kasi.”

Parang tumigil ang pagtibok ng puso niya nang dumaan ito sa harapan niya. Diretso ang tingin nito kaya sa tantiya niya hindi siya napansin nito. Ngunit ang gulat niya nang bigla itong huminto at lumingon sa tapat niya.

Napatanga ako nang nakita kong nakatingin siya sa akin. Hi, aniya sa isip, kaya ngumiti nalang siya dito pero bigla nalang itong umalis.

“Miss kilala ka na n’on?” may pagtataka sa babae sa nasaksihan nito.

Umiling siya.

“Eh bakit ka niya tiningnan?”

“Masama ba ang tumingin? Tanong niya dito. “Baka nagandahan lang siya sa akin.” Nakangiting sabi niya dito.

“Ganun?” biglang taas ng isang kilay pagkarinig sa sinabi ko.

Malapit nang mag-lunch break nang sa wakas ay pinapasok na ako sa opisina ni Kyle. Nakatingin ito sa resume na ipinasa ko nang pumasok ako sa loob.

I FELL INLOVE WITH NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon