CHAPTER 10

2 0 0
                                    

Chapter 10

Matapos ang isang linggong bakasyon naisip ni Ashgab na walang mangyayaring maganda sa kanya kung hindi niya papalitan ang sariling tumayo at lumaban. Binale-wala niya ang bulung-bulungan sa LinkWorld nang pumasok siya sa opisina.

Isang linggo pa ang lumipas bago bumalik si Zed sa Pilipinas. At iyon ang  pagkakataong hindi niya mapapalampas.

“Thank God, you came back.” Pinilit niyang ngumiti nang  sadyain niya ito sa opisina nito.  Noon din ay tila gusto na niya itong sampalin, sumbatan, bombahin ng masasakit na salita at kung ano-ano pa, ngunit ilang araw na rin niyang napag-isipan iyon at naisip niyang hindi iyon pinakamagandang paraang magagawa niya upang kalimutan ang mga nangyari.

Hindi siya magpapakita ng pagkatalo.

“I have to, he answered coldly. Halata niyang hindi ito makatingin nang diretso  sa kanya. Nakaupo ito sa swivel chair nito, hindi kababakasan ng pagbubunyi kundi kalungkutan. TIngin niya ay bahagya itong namayat. Humaba nang bahagya ang buhok at nagkaroon ng bigote. “Walang ibang inaasahan si Papa sa kompanya kundi ako.

Minsan lang itong sumulyap sa kanya, tila may gustong makita sa kanyang mga kamay. Resignation letter? Huh, sinong may sabing mare-resign ako? Hindi ako talunan!

“Here’s your ring,” sabi niya at ibinaba sa desk nito ang engagement ring. “Nagkausap na kami nina Dina at Lena,” tukoy niya sa courturier at wedding coordinator. “Wala na pala akong dapat problemahin dahil binayaran mo na ang lahat ng kailangan bayaran bago ka umalis ng Pilipinas. Anyway, thanks a lot for that.”

Hinintay niya itong magsalita, ngunit natahimik ito nang ilang sandali habang nakatitig sa kumikislap–kislap na singsing.

“I have a lot of things to do so I think I must go back to my office, Sir,” sabi niya nang hindi pa rin ito nagsasalita. Tumalikod na siya nang manatili itong tahimik. Bubuksan na lamang niya ang pinto nang marinig niya ang tinig nito.

“Is that all Ahsley?” he asked in a soft voice. “Bakit hindi ka nagagalit? Bakit hindi mo ako sumbatan? Sampalin mo ako. Say something.”

Nanatili siyang nakaharap sa pinto. Gusto na namang sumambulat ng kinikimkim na galit. Gusto na niyang umatungal ng iyak. Ngunit, hindi. Hindi siya magpapakita ng kahinaan sa lalaking nagdulot ng sobrang sakit sa kanyang dibdib.

“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ko ginawa iyon?” he said again. “Kung bakit hindi ako sumipot sa araw ng kasal natin? Ask me now, Ashley.”

Saka lamang siya humarap dito, nakataas-noo at pigil ang pagluha. “Hindi na kailangan, Ze—Sir,” pilit itinuwid ang boses niya. “I already knew the answer. You love yourself too much. Ayaw niyong mapakaseryoso sa isang relasyon dahil ayaw niyong masaktan ang sarili niyo. Mas gusto niyong magpahirap ng babae kaysa pasakitan niyo ang sarili niyo. Ano pa ba ang hindi malinaw roon?’

“At alam mo ba kung bakit ako nagkaganito?” Noon lamang niya naaninag ang panunumbat sa mga mata nito. “Kilala mo ba kung sino ang nagturo sa akin upang mamuhi sa mga babae? Perhaps, you have no idea, Ashley.”

Saglit siyang natigilan at nawalan ng masasabi.

“You’ll never know how painful it was, Ashley. Hindi ikaw nag nagpakabaliw sa isang tao. Hindi ikaw ang nagpakatanga o nagpakababa  para lang mapansin ng taong iyon. Hindi ikaw ang nasaktan nang pinaghintay ng matagal tapos nang makarating lait pa ang mabubungaran. Hindi ikaw, Ashley.” He gritted his teeth. Ramdam niya ang matinding galit na namumutawi sa dibdib nito.

I FELL INLOVE WITH NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon