CHAPTER 7

8 0 0
                                    

Chapter 7

“Come in.”

Marahang pinihit ni Ashgab ang doorknob at binuksan ang pinto ng opisina ni Zed bago magtanghali. Nadatnan niya itong may pinipirmahang mga papeles habang nakaupo sa harapan ng lamesa nito. “Hi, Sir!” nakangiting bati niya rito.

Tiningnan lamang siya nito ngunit walang sinabi. Nagpatuloy ito sa pagpirma sa mga papeles.

“Dala ko na ang mga credentials ng mga bagong aplikante,” pagbibigay-alam niya dito at ipinatong sa ibabaw ng mesa ang nakasalansang mga papel. Hanggang nang mga sandaling iyon ay wala pa ring nahahanap na permanenteng sekretarya si Zed. Temporary lang ang kasalukukuyan nitong sekretarya.

“I’ve interview them already. Approval mo nalang ang kailangan.”

“You have an assistant para ikaw pa ang magdala ng mga ‘yan sa akin,” malamig pa sa yelong sabi nito.

“She’s so busy,” pagdadahilan niya gayong nakaupo lamang naman ang assistant niya sa desk nito at nagpapaganda nang lumabas siya ng opisina kanina. “Wala pa naman akong masyadong ginagawa kaya ako na ang nagdala ng mga ito.” Ang totoo ay gusto lamang niyang mapalapit dito.

“Thanks, anyway,” tipid nitong sabi.

“Gusto mong tulungan kita sa pagpili ng sekretarya?” Naupo na siya sa visitor’s chair sa harapan ng lamesa nito kahit hindi naman siya inaanyayahang maupo roon.

“Kaya ko na ito, Miss Morgan, thank you.”

“Ashley,” you used to call me Ashley before kaya, you can call me that. Ayaw mo kasi ng Ashgab like what Kyle’s calling me and other people.”

“He used to be your boyfriend,” he said

“You were my suitor—“Bigla niyang natutop ang sariling bibig matapos sabihin ang mga salitang iyon.

“I-I mean, friend.” Napatingin siya sa dingding. May mga litratong nakapaskil doon si Zed. Ngunit napagtuunan niya ng pansin doon ay ay ang enlarge photo nito noong college pa sila. Ang baduy na Zed.

Napaahon siya mula sa kinauupuan nang makitang lalong nagseryoso ang mukha nito. Sa hitsura pa lang ay parang gusto na siyang ipagtulakan palabas ng pinto. “I guess you’re busy. Sorry to disturb you, S-sir. If you need anything, just call me. Bye.

Bigla namang bumukas ang pinto nang aabutin na sana niya ang door knob. Bahagyang natabig ng babaeng pumasok ang balikat niya. Napatigil tuloy sa paglabas at sinundan ng tingin ang babae.

“What are you doing here?” Sa tono ng boses ni Zed ay parang ayaw niyang makita ang babae.

“Visiting you,” diretsang sagot ng babae. “I’ve waited at the restaurant last night pero hindi ka nagpunta.”

“I don’t remember that I promised anything.” Inayos ni Zed ang mga papeles na nasa mesa nito. Sa tingin niya ay balak nitong umalis para makaiwas sa babae.

“Ano bang problema mo?” galit na hinampas ng babae ang bag sa lamesa.

“You proposed marriage. Nakalimutan mo na ba, Zed? Last month mo pa sinabi na magpapakasal tayo. Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin?”

“I change my mind,” diretsang sagot ni Zed. I’ve realized na hindi ikaw ang hinahanap kong babae.”

“You, argg, bitch!” Isang malakas na sampal ang pinadapo ng babae sa pisgi ni Zed. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito. Pagkatapos niyon ay umiyak ang babae.

I FELL INLOVE WITH NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon