Blueberry Cheesecake
Everything felt surreal until now, and I can still remember the look on his face as he comforted her, I can see how much he loves and adores her. Although Karen admitted that she's happy for me, I can still somehow sense her disappointment over it, and inspite of the happiness that I'm feeling right now hindi ko pa ring maiwasan ang mainggit dahil ang gusto ko ay nasa kanya. Then suddenly, questions of "what if's" overflowed in me, Like what if hindi ako ang napili? Will he comfort me like the way he did to her? would he say that, "it's okay because no matter what happened you're still the best."
I snapped out of my reverie ng mauntog ako sa gate namin, ayan kasi, kung ano-anong iniisip! Tinignan ko ng masama ang gate namin habang sapu-sapo ang aking ulo bago ako tuluyang pumasok sa loob, pati gate ata namin ginigising na ako sa katotohanan.
Ngayong araw ang schedule ko kung saan kailangan kong pumunta sa studio dahil ito ang unang araw ko bilang bagong miyembro ng bandang Zolpimist.
Napabuntong hininga ako bago bumati sa receptionist at sinabi ang aking sadya, agad namang may nag-guide sa akin at bumati ng "Congratulations" na siyang sinuklian ko ng isang simpleng ngiti at pasasalamat.
Hindi ko alam kung ano ang hitsura ng ngiti ko habang kaharap ang iba pang miyembro ng Zolpimist, feeling ko tuloy napaka-alien ko dahil napakagandang lahi ng mga ito.
"So Jamie, welcome nga pala." nakangiting bati at yakap ni Aliah sa akin, nakaka- starstruck talaga ang ganda niya lalo na't nagpa-blonde siya ng buhok, binagayan pa iyon ng suot niyang black tube na may leather jacket na pinartneran niya ng maong shorts and gladiator sandals. Samantalang ako, mukhang pupunta lang ng beach dahil sa floral dress ko na yellow at dollshoes.
"Uhm salamat sa pagtanggap niyo sa akin." nahihiyang sabi ko, sabay yuko. Dibale, sa umpisa lang ito at masasanay rin ako sa kanila.
Napalingon naman ako sa umakbay sa akin na si John na siyang kumindat pagkatingin ko. Samantalang si Ali naman ay tahimik sa isang sulok at nakamasid lang, sa kanilang lahat sa tingin ko sa kanya ako medyo mag-aalangan.
"Sa wakas! May member na tayong maganda." ani ni Evan na siyang kinapula ata ng pisngi ko.
"So anong ibig mong sabihin Evan? Na hindi ako maganda?" -Sabi naman ni Aliah sa kanya at ngumiti ng nakakaloko si Evan at sumagot ng, "Ikaw ang may sabi niyan ah!" bago sila naghabulan nakakatuwa silang panuorin dahil para parin silang mga bata. Natigil lamang sila dahil oras na para mag-practice kami.
"Maraming salamat sa tiyaga niyo sa akin ah, nakakahiya naman at paulit-ulit tayo. I really do apologize, sobrang kaba ko talaga e. " sabi ko sa kanila habang nag-aayos na kami para sa pag-uwi, ewan ko ba kasi kung bakit sobra pa rin akong kinakabahan para namang hindi ako nakakanta sa harapan nila dati.
"Wala yon no, lahat naman tayo dumadaan sa ganyan, kaya nga tayo nagpa-practice and don't worry you'll get used to it someday." -nakangiting sabi ni Evan sa akin.
"So, see you again next Saturday?" - paalam ni Aliah kasunod ng kambal niyang si Ali na hindi man lang nagsasalita. Kumaway lang ako at tinanaw ang pag-alis nila.
"Jamie, do you mind if isabay na kita pauwi?" doon ko lang na-realize na kaming dalawa na lang pala ni John ang naiwan.
"Naku, huwag na! Nakakahiya, baka out of the way ka e. Don pa ako sa may Fontanilla Village."
"Wow! You lived there huh? Sakto dahil doon din ang punta ko. Tara na." hinatak niya na ako papunta sa sasakyan niya at wala na akong nagawa nung buksan niya ang pintuan nito para makapasok ako sa loob.
Dahil ayaw kong maging tahimik ang biyahe ay ako na ang nag-decide na mag initiate ng pag-uusapan namin kahit na alam ko namang impossibleng maging tahimik si John.
"Sinong pupuntahan mo don?" tanong ko na lang
"Doon din kasi ako nakatira, ang liit ng mundo ano? Doon ka rin pala nakatira. Bakit kaya hindi kita nakikita doon?" shocked was registered on my face at aware akong napanga-nga ako dahil sa sinabi niya, tumikhim muna ako bago sumagot.
"Eh kasi homebuddy lang ako, if ever naman na wala sa bahay, nasa school lang ako. Well, except if may gala ganoon."
"Uh-huh. Kaya naman pala eh. Hindi ko naman inakala na may maganda palang nakatira sa village namin."
Napamaang ako sa huling sinabi niya, hindi dahil doon sa 'maganda' kundi dahil sa sinabi niyang 'village namin'.
"You mean?" tanong ko at napatango siya, OMG! Gaano ba silang kayaman para magkaroon sila ng sarili nilang village? Hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa pag-iisip at kung hindi pa nagsalita si John na nandito na kami ay hindi pa ako gagalaw.
"Uhmm. Salamat ah." nahihiyang sabi ko bago tuluyang lumabas ng kotse niya. Inantay ko munang umalis ang sinasakyan niya bago ako tumalikod upang pumasok sa gate namin pero nagulat ako sa isang lalaking nakatayo lang roon at masamang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko, bakit mukha siyang galit? Inaano ko ba siya?
Humakbang siya papalapit sa akin at doon ko lang namalayan na may dala-dala siyang box at alam kong blueberry cheesecake ang laman non!
Sa isiping iyon ay parang gusto ko na lang tuloy kalimutan na nagtataka ako kung bakit siya nandito ngayon at kung bakit siya mukhang galit.
"What took you so long Li? Kanina pa ako naghihintay ah!" galit na sabi niya, hmp! Buti nga siya ngayon palang naghintay samantalang ako matagal ng naghihintay! Napapa-hugot tuloy ako ng di oras.
"Obvious ba Kim? Baka nakakalimutan mong ngayon ay practice day ng banda, it's Saturday unless na lang kung may usapan tayo at---" napahinto ako sa sasabihin ko kasi ngayon ko lang na realize na "bonding day" nga pala namin ngayon, kaya siya may dalang blueberry cheesecake.
Makokonsensya sana ako kung di ko lang naalala na may girlfriend na siya at kailangang maintindihan niya na baka magselos ang girlfriend niya dahil hindi na tama to. Sige Jamie, saktan mo pa ang sarili mo. I sighed.
"I'm sorry that I've forgot but you see Pat, may I remind you that you have a girlfriend already at hindi na tamang magkaroon pa tayo ng bonding day dahil ayokong makapag-cause ng misunderstanding sa inyong dalawa." mahinahon kong sabi kahit deep inside masakit dahil ang dating pwede ay bawal na.
"She understands it. But if that's what you want then I'll give it to you." then he sighed bago dugtungan iyon.
"I still have one question before I go, boyfriend mo ba si Chris?" Napatulala ako dahil sa tanong niya at biglang lamig ng boses niya, hindi ako sanay na ganyan siya, mas sanay ako don sa malambing at makulit na Kim na kilala ko. Sa ngayon pati mata niya ay walang emosyon, eto naman ang gusto ko ang lumayo siya dahil ayoko ng masaktan, pero bakit dahil din sa isiping iyon ay mas nasasaktan ako? Wala na, I lose it already.At sa hindi malamang kadahilanan ay nakapagbanggit ako ng isang kasinungalingan na alam kong pagsisisihan ko.
"Oo, boyfriend ko na siya." Inabot niya lang ang box ng blueberry cheesecake sa akin tipid na ngumiti bago siya walang paalam na umalis.
Habang ako ay nakatanaw sa papalayong likod niya hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
Bakit ba masakit? Wala namang kami.
YOU ARE READING
In my Dreams (Under Major Revision)
Teen FictionYou know it was wrong, but it's too late to stop now. - Just a typical story about a girl who fell in love with a friend.