Ang Boyfriend
"OMG bes! Hindi ko talaga alam kung anong katangahan ko at nasabi ko sa kanya na boyfriend ko si Chris! Masyado ba akong defensive or what?" Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko, tapos ngayon magpa-panic ako. At eto namang bestfriend ko kung makangiti kala mo talaga mayroong napakagandang idea ang pumasok sa isip niya.
"Alam mo bes, ayos nga yang ginawa mo eh, malay mo naman di ba? It's now time to move on from him. And on the other hand, why not talk to Chris? Feeling ko naman kasi type ka rin non kaya hindi na mahirap." at tumawa siya ng napakalakas kaya nagtitinginan sa amin yung mga tao dito sa may cafe.
"Duh. As if I can do that and nakakahiya kaya, sabihin pa user ako. Tsaka ano ka ba? Kaibigan lang turing sa akin non. May ibang gusto yon e. " -Sabay irap ko sa kanya, kahit kailan talaga baliw to.
"Eh di ba yun na nga ang ginawa mo? Ginamit mo na nga e, bakit di mo pa lubos lubosin? Sabi nga, take every opportunity." medyo napaisip ako sa sinabi niya ng konti, well may point naman kaso ayoko talaga. That's too much!
"No, I won't." I firmly said pero ngumiti lang ang bestfriend kong abnormal ng nakakaloko at pinakita sa akin ang phone niya.
"It's too late bes, I already texted him." parang gusto ko na lang tuloy lamunin ako ng lupa!
"So what can I do both for you ladies?" totoo nga at nagpunta talaga siya, saan ko ba sisimulan?
"Alam mo nga kasi Chris, itong bestfriend ko inatake ng kabaliwan, sinabi boyfriend ka niya, kaya ngayon namomroblema to." dare-darechong sabi ni Sophie, at talagang hindi niya ako pinagsalita huh? Bumaling naman sa akin si Chris at yung ngiti niya abot hanggang tenga talaga!
"Ikaw huh? May pagnanasa ka pala sa akin, sana sinabi mo agad hindi naman kita tatanggihan, ang ganda mo kaya." namula ako sa sinabi niya bago ko siya hampasin ng hampasin at siya naman ay tawa ng tawa.
"Wala kaya! Ang kapal mo huh? Nagkataon lang kasi na tungkol sa iyo ang tinanong at ayoko namang mag-mukhang kawawa kaya naman napasabi ako ng 'Oo'. Alam ko namang alam mo di ba Chris na--" naputol ako sa sasabihin ko sana dahil naiiyak ako, ayoko na gusto ko na talagang mag-move on. Hanggang kailan ba ako iiyak sa kanya?
"Uy, huwag ka ng umiyak. Sige na, okay lang sa akin. Nakakainis naman e, ayoko pa naman sa lahat yung nakakakita nung umiiyak na babae." tapos yinakap niya ko ng mahigpit. Thankful talaga ako kasi nandiyan din siya para sa akin. At yung tagpo na yon ang naabutan niya.
"Li? Bakit ka umiiyak?" napatigil ako at tumitig sa mata niya, parang may emosyong dumaan doon pero agad ding nawala.
"Ah, wala to Kim. Ang sweet niya kasi eh kaya napaiyak ako." pilit na ngiting sabi ko, tapos bumaling sa kasama niya. Tignan mo to, kung makatitig akala mo walang kasamang girlfriend. Kaya ang ginawa ko ay ako na ang unang bumati at inaya sila na maki-table na rin sa pwesto namin.
"Kailan pa naging kayo? I already told Pat that there's really something between you two. Hindi lang talaga siya naniwala agad." Curious na tanong ni Karen bago ihilig ang ulo niya sa kanya, napaiwas ako bigla ng tingin bukod sa masakit ay hindi ko rin alam ang isasagot. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Chris ang kamay ko bago sumagot kay Karen.
"Kahapon niya lang ako sinagot. Akalain mo yon? Ang swerte ko talaga sa kanya di ba? Maganda na mabait pa! Ay oo nga pala talented din!" feeling ko namula ako sa sinabi niya, napaka-bolero talaga nito.
"Sige, mang-uto ka pa."
"Kunwari ka pa bes, kinikilig ka naman." tinitigan ko ng masama ang bestfriend kong kung kanina'y nananahimik ngayon naman ay nakikisali na rin sa asaran.
"Hindi naman kita inuuto, ikaw lang sapat na." Sabay kindat ni Chris kaya lalo akong nakakuha ng pang-aasar sa kanila na siyang tinatawanan ko na lang din.
Hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa kanya, why are you so quiet Kim? Meron talagang something sa kanya today at hindi siya nagsasalita unless na lang kung tanungin siya. Hindi din niya akong magawang tignan, masakit mang isipin pero parang hindi na kami magkakilala.
"Ugh! Jamie can you please stop thinking about him?" feeling ko nababaliw na ko, bakit ba kasi hindi ko siya maalis sa isip ko?
Bakit di magawang limutin ka
Bawat sandali'y ika'y naaalala
Tangi kong dasal sa Maykapal
Makapiling kang muli.Bakit dika maalis sa isip ko
Ikaw ang laging laman nitong puso ko
Kahit pilitin kong damdamin magbago
Ikaw pa rin ang hinahanap koNapabangon ako ng wala sa oras dahil sa kinakanta ng kapit bahay namin, gusto ko tuloy sumigaw nang, "may problema ka ba sa akin?" dahil masakit yung kanta di lang sa puso kundi maging sa tenga, kaya kinuha ko na lang ang earphones ko at binuksan ang spotify ng hindi tinitignan kung ano ang kanta kaya pinindot ko kaagad ang play na siyang pinagsisihan ko rin.
I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we'd ever be?
I've loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?You tell me things I've never known
I've shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again I'm gladSiguro nga baliw na ata ako nasasaktan na ako pero ayaw ko pang pakawalan. Natawa na lang ako dahil sa mga naiisip ko at hindi ko maiwasang magtanong, yung totoo universe? Ayaw mo ba akong sumaya? Nakakasawa na kayang masaktan lalo na't kung hindi niya alam na nasasaktan ka niya.
YOU ARE READING
In my Dreams (Under Major Revision)
Teen FictionYou know it was wrong, but it's too late to stop now. - Just a typical story about a girl who fell in love with a friend.