Maaga akong nagising para maghanda ng almusalan namin.Agad akong naghilamos at tiningnan ang sarili SA salamin.
“Ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong Ibabaw? May mission din ba ako na haharapin? Mabigat ba ito o magaan?”
Pinunasan ko na ang aking mukha.
At sinuklay ang hanggang bewang kong buhok. Medyo curly ang aking buhok na minana ko sa aking Lola.Nagluto ako ng sinangag ( fried rice)
At itlog na prito.Pagkatapos kong ihain sa mesa ang mga almusalan namin ay agad akong nagtungo sa kanilang kwarto at ginising sila sa mahimbing nilang pakakatulog.
“Gising na.. May pasok pa tayo.... Magpahinga muna bago bumangon baka kasi sumakit ang ulo nyo pag binigla nyo ang pagbangon sa higaan nyo... Sumunod kayo sa akin”
Salo salo kaming kumain ng kapatid Kong sina Lurice at Yuri. Hindi maitatagong Hindi sila kambal sapagkat magkahawig silang pareho.
Ako ang panganay sa magkakapatid.
Ang aming magulang ay masyadong gugol sa aming hacienda. Wala kaming katulong dahil kaya naman namin ang aming mga sarili.Kailangan kasing maging independent ka. Hindi yung aasa ka lang sa iba.
Natapos na namin ang pag-aagahan. Kaya agad kaming nagtungo sa aming mga silid upang maligo na at makapagbihis na ng yuniporme namin sa pag aaral.
“Bilisan nyong dalawa!!!” sigaw ko sa kanila dahil baka malate na kami.
Nandito ako ngayon sa labas nang bahay namin. Pero alam kong rinig nila ang sinisigaw ko.
Agad naman silang lumabas sa aming bahay.
“Bakit di kayo naka uniform! Papasok ba kayo?” naiirita kong tanong
“Ate.. Nagtext yung principal.. Wala daw pasok ngayon dahil nagkaproblema daw.” natatakot na sagot ni Lurice
“At ano daw ang problema?” tinaasan ko sya ng kilay.
“Ate... Walang sinabi ang principal basta ang sabi lang wala daw tayong pasok... Baka daw sa kabilang linggo na lang daw. Kasi Yung anak daw ng may ari ng school ay nagkaproblema sa hospital.. ” sagot naman ni Yuri
“Problema na nila yun. Ang Dapat nilang ginawa ay unahin muna nila ang mga students na pumapasok sa unibersidad nila.”
“Basta walang papasok hahahaha...
Pwede tayong pumunta kila lola” galak na sabi ni Lurice.“Sige sige magpapalit lang ako. Iintayin nyo ko dyan.” sabi ko sa kanila
Nagpalit ako ng damit.
Kulay puti lahat ng suot ko ngayon mula ulo hanggang paa“Luh white lady!!! Hahahaha ” tawanan nilang dalawa ng makita ako.
“Ako ay tigil tigilan nyo!”
Ang gandang tignan ng mga punong matataas dito sa daanan papunta kilala Lola. May mga bukirin din. Masarap ang simoy ng hangin. Masarap sa pakiramdam. Na animo'y yumayakap sayo.
“Nandito na tayo Ma'am ” sabi ng aming driver.
Agad kaming nagsibabaan sa sasakyan. Hawak ko silang dalawa papunta kila Lola.
Luma na ang bahay nila Lola. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang ipabago IYAN kahit na sinabihan na sya nila Mommy at Daddy .
Sa bagay maganda pa rin naman kahit na Luma na ang kanyang bahay.
Minsan nga ay may nagsho-shooting dyan sa kanyang bahay.
BINABASA MO ANG
Malaya Ka Na
Short StoryIlang dekada na silang pinagtatagpo ngunit Hindi tinatadha.... Paano Kaya kung sa ngayon ay magkita ulit sila? Nakatadhana na Kaya?