“Ma... Bakit nyo naman hinayaang matulog dun yung anak ko!”
“Hindi ko naman siya pinapasok roon nak masyadong kuryusado ang anak mo tungkol sa silid na iyon!”
“Ma paano na yan! Kailan siya magising dyan!”
“Hindi ko alam nak. Baka sa susunod na buwan o kung swerte sya ay baka mamaya ay magising na rin siya!”
“Eh paano kung Hindi na sya magising ma!”
“Flor nak.. Manalig na lang kayo sa ating panginoon”
“Hon.. Kalma lang”
“Paano ako kakalma? Kung ganyan yung kalagayan ng anak Kong si Gelica? Gumawa kayo ng paraan ma!”
Naririnig kong sagutan nila mama at ni la.
Agad kong nimulat ang aking mga mata. Maga na pala dahil tumatama ang sinag ng araw sa aking kinahihigaan.
Bumangon ako at nagsitigil silang lahat sa salitan ng salita.
“OH my... Nak” sabay yakap sa akin ni Mommy. “Salamat at nagising ka na”
“Uhmm... Nasaan po sila Kambal?” tanong ko kila mommy
Nagtinginan naman silang tatlo
“Nasa school na sila... Tatlong linggo kang nakatulog kaya pumunta kami dito.” sagot ni Mommy
“Pero kagabi lang ako nagtulog tapos tatlong linggo na ang nakakalipas?”
“Basta ang mahalaga gising ka na” sagot ni la
“Bye La.. Ingat ka lagi” sabay halik ko sa kanyang pisngi.
“Basta lagi kang maging mabait ija.. Huwag kang pasaway... Darating din yung panahon na malalaman mo o mahahanap mo ang ikakaligaya mo”
Tumango na lang ako kay la kasi di ko maintindihan iyon. Sumakay agad ako sa aming kotse.
“Sa susunod anak Listen to the elders para di ka mapahamak” sabi ni dad.
Pinaandar na ni dad ang kotse.
“Nak... May napanaginipan ka ba?” tanong ni Mommy
“Hehehe wala nga po eh.. Sadyang mahimbing talaga yung tulog ko. Yung tipong walang iniisip na problema na tila ayaw ko ng magising pa” seryosong sagot ko sa kanila.
Nakikinig lang si Dad sa usapan naming dalawa ni Mommy.
Unang una galit ako sa aking ina.
Dahil lahat na lang sya ang masusunod. Ayaw niya rin akong pagamitin ng gadgets kahit na kailangan yun sa pag aaral. Sya din ang nagpasimula ng letseng arrange marriage na yan.Pero sa ngayon kitang kita kong nag aalala sya para sakin. Di ko din sya masisisi sapagkat tao lang din siya na nakakagawa ng masama.
Nakangalumbaba ako ngayon sa desk ko. Nakakabored ngayon.
“Yana Gelica Claire Claude Mona de Guia? ” tawag ng teacher kong busy na busy sa pagaattendance sa amin
“Present” natatamad kong tugon.
“Ang haba talaga ng pangalan mo Yana hahaha ” sabi ng katabi kong babae na si Moreanne Athena Cruz
Matalik ko syang kaibigan. Pero Hindi sa lahat ng oras nagtitiwala ako sa kanya. Wala akong sekreto na sinasabi SA kanya kahit minsan.
Sa mundong ibabaw. Wala kang mapagkakatiwalaan, pamilya man yan o malapit sa iyong kalooban. Ang tanging mapagkakatiwalaan lang ay ang ating sarili.
Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng silid-paaralan. Napukaw nang aking atensyon Ang isang bangkuan na walang nakaupo na tao.
“Ms. De Guia!!! Are you listening? ” sigaw ng teacher namin.
“Uhmm.. Of course!” mabilis kong sagot.
“For you.. What is love?” tanong niya sa akin.
Napaisip naman ako. What is love?...
Ano nga ba iyon?“Uhm.. I don't know” sagot ko
“Nagmahal ka na ba?”
“Hindi pa ako nagmamahal. Ang sabi nga ng isang tao sakin. Walang makakasagot sa bagay na iyan. Tanging mararamdaman mo lang iyon kapag umibig ka na. Makikita mo o mahahanap mo ang kasagutan na IYAN kapag nahanap mo na ang kaligayahan mo. Ang kaligayahan na Iyon ay ang taong mag bibigay sayo ng buong tapat na pag ibig na walang hinihintay na kapalit sa bawat pagbigay nya nang kaligayahan sayo.”
“Haha inlove ka ba ms. De Guia? ”
“Hindi pa ko nagmamahal. Kaya swerte yung mamahalin ko balang araw.”
“Okay you may now take your sit.”
“Uyy bes huh? Saan mo nakuha yung sagot mo kanina” Pagkukulit sa akin ni Moreanne
Nasa kantina kami ngayon. Todo kulit lang sya.
“Sa Lola ko” tipid kong sagot sabay kagat sa sandwich.
“Hmm.. Ganun pala”
“Oo kaya tumigil ka na. Ang daldal mo”
“Bes... Wala pa rin yung next subject teacher natin. Nabobored na ko”
Kanina pa kami nag hihintay sa loob ng silid-paaralan namin. Kanina pang di dumadating ang kasunod na magtuturo sa amin kaya nakaka walang gana.
“May question ako” sabi ko
“Ano yun bes?”
“Bakit walang nakaupo dun sa bangkuan na Iyon?" Tanong ko sabay tingin sa bangkuan na tinutukoy ko
“Ahh ayun ba? Para daw yan dun sa anak ng nagmamay ari ng paaralan na ito. Kahit daw na nasa Hospital ang kanyang anak ay may bangkuan pa rin ito”
“Kapag tulog ang isang tao. Naglalakbay ang kanyang diwa. Ang Pagtulog ay isang maikling oras nang pagkamatay ng tao. Sa madaling salita panandaliang pangpapahinga ng tao.”
“Hala bes.. Mana ka sa Lola mo masyadong tagalog ang sinasabi mo
Hahahahaha ” tawa niyaHindi naman talaga ako nagbibiro.
Pero para sa ibang tao isa itong BiroAgad akong humiga sa aking kama. Dahil nakaramdam na ako ng antok.
*Enter*
BINABASA MO ANG
Malaya Ka Na
Short StoryIlang dekada na silang pinagtatagpo ngunit Hindi tinatadha.... Paano Kaya kung sa ngayon ay magkita ulit sila? Nakatadhana na Kaya?