“Bakit NGA pala ngayon lang ka lang dumating Gelica? ” tanong ni Mommy
Napatingin naman ako sa dalawa kong kapatid na binibigyan nila ako ng tingin na Ayan-Date-Pa-kayo-look
Sinamaan ko lang sila ng tingin na napangiti lalo sa kanilang dalawa.
“Kinausap pa kami ng guro namin...” sagot ko
Hindi ko pa rin nababawasan ang aking pagkain samantalang itong kasama kong si Renoir ay nakakadalawang banto na ng Kanin. Namumu-alan pa.
“Hindi ba't maaari namang bukas na lang dahil gagabihin kayo” sabat ni Dad na seryoso ng nakatingin sa akin at saka sa kasama kong si Renoir
Napatigil naman sa pagkain si Renoir dahil nasa kanya na ang tingin ni dad
“Ahh k...” tanging sagot ko
“Tungkol saan ba iyan?” tanong ulit ni dad at Hindi parin tinatanggal ang tingin kay Renoir
“About sa Contest ” sagot ko
“Akala koy hindi ka na sasali sa mga ganyan? ” Ngayon ay sa akin Na sya nakatingin
“Di naman ako umo-oo sa aking guro kaya Hindi sila sigurado kung sasali ako... Sa tingin ko ay kailangan ng umalis nitong kasama ko dahil masyadong mapanganib na ang daan kung magtatagal pa sya” diretso kong sabi kay dad
Agad akong tumayo at hinila palabas nang bahay Si Renoir.
Binitawan ko sya ng nakarating na kami sa kanyang magarang sasakyan.
“Geh” tanging Sabi ko
May nagtext kasi sa kanya kaya agad niya itong tiningnan.
Napangiti naman sya habang binabasa ang nasa kanyang cellphone.Nakaramdam ako ng inis.
“Sinong nagtext?” tanong ko
Tumingin naman sya sa akin sabay ngiti
Binatukan ko naman sya dahil napakagwapo nya sa eksenang iyon
“Wow lakas makabatok eh! Habit mo na!!” iritado niyang sambit.
“Abah! Ginaganyan na ko?” Mataray kong sagot
Napatingin naman sya sa kalangitan na puno ng nagkikislapang mga tala
“Sa tingin mo... ” hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin dahil pinutol ko na ito
“Sa tingin ko ay hindi uulan bukas dahil maraming star ngayon. Maganda ang panahon bukas na walang dalang kasamaan. Kung tatanungin mo ko... Ayokong maging Bituin sa kalangitan” sagot ko habang nakatingin sa mga bituin
Alam kong nakatingin sya ngayon sakin
“Kung ganun magkaiba tayo. Gusto kong maging bituin sa kalangitan kahit ang dulot nito ay Kasayahan na may kasamang kalungkutan. ” diretsong Sabi niya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya.
“Kung ganun... Handa kang masaktan para LAng sa ikaliligaya niya” sagot ko ng nakatingin din sa kanya
“Siguro oo.. Yun naman talaga ang tama” mahina nyang Sabi ngunit sapat pa rin ito upang aking narinig.
“Hindi ka nakakatiyak de ba? Nasasaktan ka kung ipapaubaya mo sya sa iba. Kaya mas gugustuhin kong maging shooting star sa kalangitan” sabi ko
“Bakit yun ang gusto mo?” takang tanong niya
“Dahil kabilis ng shooting star may Panandaliang kasayahan na mamumutawi sa bawat isa ngunit kasabay nito ay pagkahinayang dahil hindi mo ito nasumpungan nang mga oras na iyon dahil ikaw ay tulog na” nakatingin Na ko sa kanyang mga asul na mata.
BINABASA MO ANG
Malaya Ka Na
Short StoryIlang dekada na silang pinagtatagpo ngunit Hindi tinatadha.... Paano Kaya kung sa ngayon ay magkita ulit sila? Nakatadhana na Kaya?