***EFFECT***
NAKAUWI na kami sa kanya kanyang bahay
Nandito ulit ako sa aking kama at di ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Kung pipikit man parang gusto kong laging kinokontrol ang lahat ng story na nasa panaginip ko. Gusto ko laging may happy ending. Pero sa personal ang gusto ko ay tragic ang story.
Ilang araw na pala Simula ng di ko na napapanaginipan ang lalaking iyon.
Maaga akong nagising para sa practice ngayon ni Renoir sa kanyang sasalihan“Mommy Alis na ko!” sigaw ko at dali daling sumakay sa parating na tricycle
“Manong bayad po!” sabay takbo ko papasok ng paaralan.
“Kala ko di ka na darating” nalulungkot na sabi ni Renoir
Binatukan ko naman sya
“Ako pa! Syempre darating ako ” Masigla kong sambit.
“Huwag ka ng manood umuwi ka na lang di ako makapagpokus eh! Natatawa ako sa mukha mo Monay! Hahahaha Uwi na”
“Ayoko NGA manonood ako ng tumutugtog na unggoy hahaha” sabay tawa ko
“Madaya!”
Agad na dumating ang magtuturo kay Renoir.
“Pasensya na iho at iha... Sapagkat di natin matutuloy ang practice. Renoir pumunta ka daw sa hospital ngayon na”
“Teka sinong nasa hospital? ” tanong ko
Tumingin naman sakin si Renoir. Yung tingin na nalulungkot.
“Samahan mo ko monay” yun lang tapos tumikod na sya
“Sino ba kasing nasa hospital Renoir?” kanina ko pa sya tinatanong pero ayaw niyang sabihin
“Ayoko na napapahiya na ko Renoir huh! Parang sarili ko lang kina kausap ko” sabi ko pa
Tumigil kami sa tapat ng ICU
“Bago tayo pumasok sana walang magbago” bigkas niya sabay pasok
Nakasuot kami ngayon ng sinusuot pagbisita sa pasyente
Nakita ko ang isang lalaki Na di nalalayo ang edad samin. Mahimbing syang natutulog habang maraming nakatusok na tubo sa ibat ibang bahagi ng katawan niya.
Nagulat ako dahil pamilyar sya sakin
“Sya pala ang kaibigan ko Yana. Sya si Noah Colley Charles Gomez. Yung taong papakasalan mo sana” sabi niya sakin
“Kung ganun matagal na kaming nagkita. Sa panaginip sya pala ang taong iyon. Akala koy wala sya sa reality ngunit heto at nakaratay sya sa isang higaan. ”
“Tatlong taon na ang nakakalipas Simula ng di sya nagising. Wala namang syang natamong sugat ngunit napakahaba ng kanyang tulog”
“Kung ganun mas pinili niyang matulog kasya gumising sa reyalidad. Pilit tinatakasan ang lahat para LAng sa ikakasaya niya” sambit ko
“Naniniwala ka ba sa muling pagkabuhay?” tanong niya sakin
“Depende” tipid Na sagot ko
“Ang Lola ko ay naniniwala doon. Nakikita niya kasi ang nakaraan niya ngunit Malabo Na ito (blurd) saka tuwing nakakakita sya ng isang bagay Na medyo may kinalaman sya kanya ay nakikita niya kung anong nangyari doon. Pero ang laging huli niyang nakikita ay namatay ang isang babae sa gitna nang digmaan sa pagitan ng kanyang pamilya at mangangalakal” sabi niya sakin habang nakatingin
“Kung ganun maaaring nabuhay Na rin ako sa nakaraan pero di ko alam kung anong kinakilanlan ko” sagot ko
Pinagmasdan ko ang mahimbing Na natutulog Na si Noah
BINABASA MO ANG
Malaya Ka Na
Short StoryIlang dekada na silang pinagtatagpo ngunit Hindi tinatadha.... Paano Kaya kung sa ngayon ay magkita ulit sila? Nakatadhana na Kaya?