Malaya Ka Na 6

250 4 0
                                    


*BEGIN*

Pagkapasok namin ay agad naming nakita ang isang lalaking busy sa isang komyupter na todo type ng mga letra roon.

Wala pa siguro si Ma'am Annie na nagpapatawag sa amin kanina

Napuna naman ng lalaki ang aming pagdating. Isa din pala syang studyante dito sa aming paaralan

“Wasssuppp!!! Ibarra!!” sabay takbo ni Renoir papunta sa lalaking iyon at agad Na sinuntok sa balikat bilang pagbati rito.

“Hahaha You looks difficult... Who is she?” tanong nanglalaki kay Renoir at sumilay ito ng panandalian.

“Ah.. Sya si Mona hehehe... Kasintahan ko pre!” sabay tawa niya na nagpakunot sa noo ng lalaking tinatawag niyang ibarra

Binatukan ko naman si Renoir sapagkat may pagkapraning sya. Kung ano anong kalokohan ang lumalabas sa kanyang bibig

“Uh.. Girlfriend you mean pre?” Tanong nung lalaki

Akmang sasagot na sana si Renoir pero inunahan ko na ito

“Nah.. I'm not.. Ako si Claire at Hindi niya ko kasintahan o sa ingles ay girlfriend tsssk! Masyadong nahangin lang ang kanyang utak kaya sya ganyan” sinaman ko ng tingin si Renoir

Nagpeace sign naman ito na kinagawian niya na.

“Hahaha Pagpasensyahan mo na yan. I'm Ibarra Dela Fuentes Montecarlo”

Sabay lahad niya ng kamay sa akin Na aabutin ko sana ngunit tinapik ito ni Renoir

Tumawa na lamang si Ibarra sa inasal ng kaibigan niya

“Matagal ka na ba rito Renoir?” tanong ko dahil marami syang alam sa paaralang ito. At may kaibigan pa sya

“Hoyy! Monay! Matagal na talaga ako.. Na may tama sayo hahahaha joke lang Ouch!” reklamo niya sa ginawa kong pagbatok sa kanya

“Ayusin mo! Papakasalan kita Luh? Sasakalin kita dyan eh” agad akong napaiwas.

Nababaliw na yata ako kung ano ano ng lumalabas sa bibig ko.

Tumahimik sa buong silid kaya masyadong awkward.

“Oo naman hehehe Matagal na ko dito.. Hehehe kasi napunta ako dito nung mga elem days pa. Pero ng mga ilang taon ay pumunta na ko sa States tapos bumalik ulit dito tapos nag aral ulit dito” nag aalinlangan niyang ngiti.

Napakamot na lamang sa ulo si Ibarra dahil masyadong Nakakabaliw kausap ang isang toh.

“Oh.. Nandito na pala kayo? ”

Napatingin kami sa kararating na si Ma'am Annie.

Nilapag niya ang kanyang kagamitan sa kanyang mesa at pumunta naman kami sa kanya.

“Bakit po pala kami pinapunta dito ni Renoir? ” tanong ko dahil baka gabihin Na ko sa daan

“Ahh oo nga pala.. Kayo ang napili ng mga classmates nyo na lumaban sa isang paligsahan. Ms. Claude ikaw ay lalaban sa Kantahan. At ikaw naman Renoir ay makikipaglaban sa pagtugtog ng piano.”

Nagkatinginan naman kami ni Renoir.

“Ehem! May tao dito!” singit nung Ibarra

“Kung ganun ma'am paano nyo nalaman na marunong magpiano si Renoir?” takang tanong ko

“Hahaha naging student ko kasi ito nung elem pa kaya alam ko yan” sabi ni ma'am annie

“Uhm.. Kaya pala” tanong tugon ko Lang

“Pwede na kaming umuwi ma'am? ” tanong ni Renoir

Napatingin naman si Ma'am sa kanyang relo.

Malaya Ka NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon