“Oo masaya ako kasi nakilala kita” nakangiti niyang banggit sa akin
Agad naman akong nagtaka sa kanyang sinasambit na salita
“Bakit ako?”
“Ikaw kasi yung tinutukoy ko sa reality ” mahina niyang pagkakasabi siguro ay nahihiya syang sambitin ang salitang iyon.
“Magkakilala tayo?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Kung ganun. Ako din ang kanyang minahal. Sa akin din sya umaasa. Umaasa na sana magising ako sa katotohanan na mahal niya talaga ako. Kaya niyang gawin ang lahat para sakin. Tinitiis niya ang bawat pasakit na binibigay ko sa kanya. Masyado siyang matatag kong iisipin. Malakas ang kanyang paniniwala na masusuklian ko ang pagmamahal niya sakin.
“Uhm... Oo.. Pero di pa tayo nagkikita. Tanging dito lang sa panaginip tayo pinagbigyan ng pagkakataon na magkita at magkasama” seryoso niyang sabi.
*Space*
Sa tingin ko ay masaya sya dahil nakasama niya ko sa Sandaling panahon.
Space... May pader na pumapagitan sa aming dalawa. Ang reyalidad at ang imahinasyon.
Hindi ko sya makakasama sa reyalidad dahil isa LAng syang imahinasyon.
Imahinasyon ba sya? O naglalakbay lang sya upang mahanap ang tunay na daan na patutunguhan niya.
“Oyyy!!!!!! Tulala ka dyan!” sigaw niya sakin
Agad naman akong napatingin sa kanya. Mapupulang labi lamang ang aking naaaninagan o kaya minsan ay ang kanyang kulay brown na mga mata.
Pero ang kabuuan ng kanyang mukha ay Hindi ko makita man lang.
Parang ayaw ipakita sakin ay kanyang buong pagkatao.“Hindi ko makita ang buong pagmumukha mo tanging mata o kaya ang yung mapupulang labi lamang ang aking naaaninagan ” Sabi ko sa kanya nang walang pag aalinlangan.
“Hehehe Pogi kasi Ako.... Hahahaha ”
“Ewss” tanging na isagot ko sa kanya
“Ewss ka dyan! Pogi naman talaga ako eh!!!! Pero ikaw kitang kita ko! Ang ganda ng mga mata mo. Maamo ang iyong mukha. Matangos ang ilong. Curly ang laylayan ng buhok. Mapula ang yung mga labi. Mapang akit ang iyong kagandahan kung tutuusin. Para kang anghel na ibinigay ng itaas. Ang yung boses ay mapanghalina. Mahinhin ngunit minsan ay may madidiin kang salita na binabangit.”
Maarte akong magsalita sa wikang ingles. Marami na ding nagsasabi sa akin niyan. Sa totoo lang inaral ko iyon dahil din sa kanya.
*Flashback*
Nasa hagdanan pa lang ako ng aming bahay ay may narinig akong nag uusapan sa sala.
“So... There's no point... I like her. I want to marry her! That's why I'm here!” masyadong madiin ang kanyang pananalita.
Hindi ako bumaba dahil nakikinig na lang ako sa kanilang mga usapan.
“But.. My daughter didn't accept it... Kaya umalis na lang kayo” rinig Kong sabi ni Dad
“What! But why? Hindi niya pa ko nakikita! Then she decide by her own decision! I didn't accept her decision! Please I want to see her right now!”
“Sinabi ko na nga na ayaw niya okay?
Hayaan natin ang aking anak ang magkusang magsabi sa inyo” sabi ni dad sa mahinahon na pananalitaAgad akong tumakbo papuntang kwarto ko at tiniyak na nakandado ang pintuan ng aking silid.
BINABASA MO ANG
Malaya Ka Na
Short StoryIlang dekada na silang pinagtatagpo ngunit Hindi tinatadha.... Paano Kaya kung sa ngayon ay magkita ulit sila? Nakatadhana na Kaya?