*ENTER TO THE WORLD*
Nasa isa akong panaginip. Kung saan Malaya ako. Malayang nagagawa ang gusto kong bagay.
Maganda ang mundong aking ginawa mula sa isang imahinasyon.
Dito din ako nagawa ng sarili kong love story pero wala akong taong nagugustuhan sa kanila.
Masaya akong naglilibot sa aking mundong puno ng imahinasyon.
Hanggang sa........
Unti-unting dumidilim ang paligid.
“Sinong?” di ko na natapos ang aking sasabihin ng may nakita akong liwanag sa malayo.
Sinundan ko ang liwanag na iyon.
Dahil masyado akong kuryusado ay nilapitan ko pa ito.May pintuang kulay Ginto na tila nagsasabing buksan ko ito.
Ngunit wala akong susi.Bumukas ng kusa ang pintuan kaya agad akong pumasok roon.
Matinding liwanag Ang sumalubong sa akin kaya nasilaw ako.Maya Maya lang ay naaninag ko ang napakagandang lugar.
May mga punong luntian, may mga halaman na naghahalimuyak. Masarap ang simoy ng hangin. Sariwa walang duming halo. May mga students rin na nag aaral.Pero ang pinagkataka ko ay bakit kapareho ng eskwelahan ang nandito at ang nasa reyalidad?
Naggala gala rin ako.
Maya Maya lang ay napagod ako sa paglilibot kaya umupo ako sa lilong ng isang malaking puno. Natutuwa ako dahil may dalawang ibon na umaawit. Na tilay sinasabayan ang aking nadarama.“Psst!” tawag sa akin ng isang tao pero di ko naman makita
“Psst! Wampepti hahahaha” dugtong ko.
“Luh? ” naramdaman kong umupo siya sa aking tabi.
Tiningnan ko naman kung sino ito Pero Hindi ko makita o maaninagan ang taong iyon dahil sobrang liwanag ng nakapalibot sa kanya.
“Uhm... Sino ka?” tanong ko
“Ako?” sabay turo niya sa sarili niya
Inirapan ko na lang sya
“Malamang ikaw! Alangan namang tanungin ko yung sarili ko? Ano ako buang?” pabalang na sagot ko sa kanya
“Hehehe Ehem! I'm Noah Colley Charles Gomez and you are?”
NCCG? It's familiar
“I'm De guia” sagot ko
“Wews... Surname mo yun eh! Madaya ka! Dapat buong pangalan!” Parang batang pagmamaktol niya sa akin
Napatawa naman ako sa inasal niya.
“Hahaha fine. I'm Yana Gelica Claire Claude Mona de Guia” pilit kong pinipigil ang tawa ko.
“Sasabihin din pala.. Ang Arte ayt!” dugtong niya pa
“Ako? Maarte? Baka naman” tinaasan ko siya ng kilay.
“Baka naman ano?” nakanguso niyang sabi.
“Baka naman Hindi! Hindi ako maarte.. Amp! Ang haba ng pangalan mo”
“Wow nahiya naman ako sa pangalan mo! Halatang pinahihirapan kang isulat yung name mo sa papel! Masyadong mahaba..” sagot niya sa akin.
“Okay fine tama na.. Panalo ka na! Epal ka masyado ayt!”
“Luh? Akin yung ayt eh!! Inaagaw mo yung line ko!” sabi pa niya
“Edi eyt.. Ang epal mo eyt!”
“Eyt? Number 8? O kaya eyt na kakain? Gutom lang yan hahahaha ”
8 saka eat amp!
“Nasa reality ka ba?” tanong ko
Bigla naman siyang nalungkot na Hindi ko alam ang dahilan..
“Oo sana... ”
“Bakit oo sana?”
“Oo nasa reality ako pero sana pag bumalik ako sa reyalidad ay tanggap niya ko.”
“Bakit di ka niya tatanggapin?”
“dahil Hindi niya ako mahal. Mas pinili niya ang kagustuhan niya kaysa sakin”
“Ano bang gusto niya?”
“Yung layaw niya! ”
“Uhm... Galit ka ba dun sa babaeng iyo?”
“Hindi ako galit. Kahit kailanman Hindi ako magagalit sa kanya kase... Baka magbago pa yung isip niya at mahalin niya rin ako” napangiti sya sa huling sinabi niya
“Masyado kang umaasa sa bagay na di ka pa kasiguraduhan. Maaaring masaktan ka lang dahil patuloy kang umaasa sa walang papatunguhan. ”
Sabi ko sa kanya“Matuto tayong harapin ang reyalidad kasya patuloy natin itong tinatakasan” patuloy ko pa.
“Natamaan ako sa sinasabi mo hahahaha pero Hindi naman masamang umasa” sabi niya
“Pero masaya ka ba?” tanong ko
“Oo kasi nakilala kita” nakangiti niyang sabi.
“Bakit ako?”
“Kasi ikaw yung tinutukoy ko sa reality ” patuloy niyang sabi
BINABASA MO ANG
Malaya Ka Na
Short StoryIlang dekada na silang pinagtatagpo ngunit Hindi tinatadha.... Paano Kaya kung sa ngayon ay magkita ulit sila? Nakatadhana na Kaya?