PROLOGUE

29 2 0
                                    

"SUGOOOOD!!!" sigaw ni Heneral Barhos sa kanyang mga mandirigma, upang pigilan at puksain ang higit kumulang isang daang libong kampon ni Haring Diyablong si Arkemon, na siyang nagpapalaganap ng katakot-takot na lagim sa iba't ibang panig ng mundo.

Limang taon na ang lumipas mula nang nabuksan ang Hellway's Gate sa di alam na dahilan, at dahil doon ay nagsimulang magsilabasan ang mga demonyo, at iba't ibang uri ng halimaw na nanggaling sa Impyerno. Isa na roon ay ang napakalupit, mabangis, walang kasing sama na Haring Diyablong si Arkemon na siyang hari ng halos kalahati ng buong impyerno. Dulot ng kanyang kasakiman ay nais niya ring maghasik ng lagim sa mundo ng mga tao.

Tanging ang Hellway's Gate lamang ang siyang tanging naghihiwalay sa dalawang mundo. Ngunit, ngayong ito'y nagbukas ang dalawang hiwalay na mundo, ngayon ay naging isa.

Marami na ang nawasak na mga tahanan, nasira ang mga buhay, at higit sa lahat ay mga buhay na nawala mula sa pakikidigma ng mga tao sa mga halimaw at demonyo.

Sa paglipas ng higit kumulang limang taon ay napagpasyahan ng mga tao na magkaisa upang puksain ang kasamaang lumaganap at ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng tatlong angkan. Ang mga MAHIKO(wizard clan), ASINO(Ninja/Assassin clan) at WARO(Warrior/Barbarian clan).

Sa kapatagan ng PAON naganap ang sagupaan sa pagitan ng tao at demonyo. Di hamak na mas malakas ang pwersa ng mga demonyo kung iisipin. Subalit, ang mga tao ay mas matalino at nagkakaisa. Isa laban sa lima ang labanan. Kaya, kahit hindi ganun kadali silang gapiin ay nagawa pa rin nilang talunin ang mga demonyo.

Pangil at mga matutulis na kuko laban sa palakol at mga espada. Mga halimaw na nagbubuga ng apoy, lason at iba pa, laban sa mga mahikong naglalabas ng kanilang mga kakaibang mahika. Nagsalpukan ang iba sa himpapawid, ang iba nama'y gamit ang kanilang matatalas na pangil laban sa mga mandirigmang gamit ang kanilang mga espada't panangga. Ito ay umabot ng tatlong araw at mahigit pa na labanan.

Libo-libo na ang namatay at sugatan ngunit ang mga kalabang halimaw at demonyo ay tila hindi nababawasan...

Si Arkemon, ginagamit ang Hellway's Gate upang magpalabas ng mga bagong halimaw galing sa impyerno.

Lalong nadadagdagan ang kampon ni Arkemon at ang mga tao ay walang magawang paraan upang pigilan ito. Ang ibang mga mandirigma ay halos nawawalan na ng pag-asa na makamit ang tagumpay laban sa kasakiman ng mga demonyo. Paunti-unting natatalo na ang hanay ng mga tao. Mas lalong lumalakas ang pwersa ng mga demonyo.

Mas lumalakas ang halakhak ni Arkemon sa kanyang nakikitang tagumpay.

Ngunit, napatigil ang lahat sa isang sandali ng biglang kumulog ng pagkalakas-lakas ang langit.

Mapa tao o demonyo, lahat ay nasilaw sa isang liwanag na nagmula sa kalangitan at bumaba sa lupa. Anim na misteryosong taong nakatayo ang kanilang nakita nang unti-unting nawala na ang nakakasilaw na liwanag. Nanlaki ang mga mata ng mga mandirigma. Ang iba ay napaiyak ngunit ang kanilang mga labi ay nakangiti.

"Ang League of Six", sigaw ng mga taong nkakakilala sa misteryosong anim. Sabay-sabay ang sigaw at hiyawan ng mga mandirigma na kani-kanina lang ay nawawalan ng pag-asa. Ngayon, sila ay nabuhayan ng loob, gayong dumating na ang League of Six. Ang anim ay grupo ng mga malalakas na mandirigma na nanggaling sa iba't ibang angkan at iba't ibang klase ng nilalang. Ang bawat isa ay may taglay na iba't ibang kakayahan at kapangyarihan na kung pagsasamahin ay walang kapantay.

Wala nang salitang narinig mula sa anim sapagkat sila ay naglaho sa isang kisap mata lamang. Kasabay ng kanilang paglaho ay ang isa-isang pagbagsak ng mga halimaw at mga demonyo. Sa isang iglap ay nagapi ang higit sa kalahati ng kabuo-an ng kampon ni Arkemon. Hindi makapaniwala ang haring demonyo sa kanyang nasaksihan. Unti-unting nbabawasan ang kanyang mga halimaw...

"HINDIII.....!!!!" Nakakagimbal na sigaw ni Arkemon nang siya ay napatingin sa Gate, ito ay unti-unting sinasara sa pamamagitan ng mahika ng dalawa sa anim na misteryo. Hindi na napigilan ni Arkemon ang pagsara ng Gate kaya siya ay naghuhumindig sa galit. Nagpakawala ng isang nakakabinging hiyaw kasabay ang biglang paglabas ng malaki at mala-paniki niyang pakpak. Siya ay lumipad ng napakataas, itinaas nito ang dalawang kamay sa kanyang harapan. Mula sa mga oras na yun ay isa-isang bumagsak ang mga halimaw at demonyo at tila sila ay unti-unting nauubusan ng hininga.

Unti-unting nag-iba ang anyo ni Arkemon. Dumoble ang kanyang laki, ang dalawang pakpak ay naging anim, mas lalo pang humaba ang dalawang sungay na nagkakurbang pabilog at sa kahabaan nito ay nakagawa ng dalawang ikot. Nag-apoy ang mga mata at ang katawan ay tila wala nang kasing tigas. Kanyang hinigop ang buhay ng kanyang mga kampon upang mas lalo pang mapalakas ang kanyang sarili.

Hindi natinag ang anim ngunit ang mga mandirigma ay nakaramdam ng takot sa kanilang mga kalamnan. Sila ay pinalikas ng anim sapagkat sila ay mpapahamak lamang sa labanang mangyayari, dahil alam nila na hindi magiging madali ang magaganap na sagupaan.

Si Heneral Barhos, ang nanguna sa mga mandirigmang nagsilikas. Hindi paman sila masyadong nakakalayo ay ramdam na nila ang tindi ng sagupaan sa pagitan ng mga bayani at ni Arkemon. Palayo na sila ng palayo sa digmaan ngunit walang pagbabago ang kanilang nararamdaman sa tindi ng labanan. Tumagal pa ang labanan ng mga dalawa hanggang umabot sa pangatlong araw. Mula sa kalapit na bundok ay pinagmamasdan ni Barhos ang liwanag mula sa kapatagan ng PAON kung saan patuloy ang sagupaan sa pagitan ng dalawang panig.

Sa pang-apat na araw ng digmaan, ginulat ang lahat sa isang napakalakas at napakalaking pagsabog mula sa kapatagan ng PAON. Pagkatapos ng pagsabog ay sinundan ng napakatahimik na mga gabi. Binalikan ng Heneral ang kapatagan ng PAON at siya ay sobrang nagulat sa kanyang nakita. Nawala sa mapa ang buong kapatagan. Tanging naiwan ay ang napakalawak at napakalalim na butas na siyang naging sanhi ng matinding pagsabog. Ni abo ng mga namatay na mandirigma at halimaw, mga puno, mga halaman ay walang mahanap. Nag iba ang anyo ng lupa na kung titingnan mula sa himpapawid ay makikita mo ang isang bilog na bitak na tila pinagbagsakan ng isang napakalaking bulalakaw.

Wala na si Arkemon, ngunit wala na rin ang League of Six.

......tbc......

League Of SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon