---
Buong lakas niyang minaso ang lupang kinatitirikan. Dahilan upang ang nasa paligid nito'y magkaroon nang bitak at sunod-sunod na gumuho. Nahulog at naipit nang mga bitak ng lupa at mga bato ang mga bandido na ngayon ay sugatan, ang iba ay walang malay at marami ang minalas at nasawi.
---
"Okey lang ba kayo?!!", tanong ni King sa magkapatid pagkatapos alisin at ibalik sa ilalim ng lupa ang hawlang ugat. "Maraming salamat... King.. iniligtas mo na naman kami sa pangalawang pagkakataon... maraming salamat talaga...",
Laking pasasalamat ni Rigo kay King sa muling pagligtas nito sa kanila, nang biglang..
"King...!!! Sa likod mo...", biglang sigaw ni Miko.
Tumilapon si King at bumangga sa katawan nang isang malaking punong kahoy. Halos mabiyak ang malaking puno dahil sa tindi ng pagkabangga ni King sa katawan ng punong kahoy.
Hindi nakapagsalita sa bilis ng pangyayari ang magkapatid, sa halip ay nabahiran ng pag-aalala ang kaninang masayang mga mukha nila at takot sa malaking taong nasa harapan nila ngayon.
"Haaaa!!.. hahaha... isang hampas ka lang pala....!!!", nakakatakot na tawa ni Braggo na siyang tangin nakaligtas sa atake ni King.
Takot na takot ang magkapatid sa mga nanlilisik na matang kulay pula na tila'y nag-aapoy. Katawan na tila sing tigas na nang bato at mga kamay na sa sobrang laki ay kayang basagin ang bungo gamit ang isang kamay lamang.
Napatingin ang magkapatid sa kinaroroonan ni King na tila nagsasabing.. Tulungan mo kami... ngunit si King ay Hindi pa rin gumagalaw.
Patay na ba? O nawalan lang nang malay?..
"At ngayon... !! Oras niyo na.. mga pipitsuging langgam... oras na para durugin ang mga bungo ninyo..!!!.", pagngingitngit ni Braggo habang naglalakad papalapit sa magkapatid.
Hindi makagalaw ang magkapatid sa takot na nararamdaman. Tila ang mga paa nila'y pinagdikit na sa lupa, kaya ang tanging magagawa nalang nila'y pumikit at manalangin na sana'y bigyan sila nang pagkakataon at magkaroon nang himala.
"Kaibigang kidlat. ako'y iyong gabayan...",
"Huh?!!", napamulat ang magkapatid sa narinig at napatigil din sa paglapit si Braggo na ngayon ay abot-abot na niya sana ang dalawang ulo nang magkapatid.
"Upang biyakin ang aking kalaban...!!!",
Si king.. naglalakad palapit sa kinaroroonan nila na tila walang nangyari. Ang staff nito ay nag-ibang anyo na naman at sa pagkakataon nito ay naging espadang hugis kidlat ang talim at kumikislap-kislap na parang naglalabas nang kuryente.
"Tsss... !!! ang tigas din pala nang bungo mooo...!!! Halika dito at 'di lang bungo mo ang dudurugin koo.. !!", nagngangalit na sigaw ni Braggo at ibinaling ang atensyun kay King. Hindi na siya nakapaghintay at tumakbo na patungo sa papalapit na si King na siyang tumakbo na rin.
"Dudurugin kitaaaa...!!!", malakas na sigaw ni Braggo habang tumatakbo.
"Lightniiinngg.... Slaaasssshhhh...!!!",
At parang kidlat ang lahat nang nangyari...
Parehong nakatayo na lamang sina Braggo at si King na ngayon ay nakatalikod na sa isa't isa.
Parang kidlat... sa isip-isip ni Miko.
"Huh.. pipitsuging.. lang....gam...", huling nasambit ni Braggo bago mahati ang kanyang buong katawan, nabiyak mula ulo hanggang paa, ang kaliwang bahagi ay humiwalay sa kanang bahagi nang kanyang katawan at tuluyan siyang natumba.
Kitang-kita nang magkapatid ang pagbagsak ni Braggo at ibinaling ang tingin sa nakatalikod na si King. Ang espada ay muling naging staff at ang staff ay lumiwanag at naglaho.
"Langgam man sa iyong paningin ... nakakamatay rin...", mahinang sambit ni King bago lumingon at nginitian ang magkapatid.
"Medyo sumakit din ang likod ko dun ah..", wari ni King habang papalapit sa magkapatid at hawak-hawak ang kanyang bewang.
"Akala namin patay kana King... paano ka nakaligtas sa hampas niya?!!", pagtataka ni Rigo. "Akala talaga namin...", pagkabahala ni Rigo. "Muntikan na rin talaga ako dun... salamat kay Miko..", wari ni King at umupo sa tabi nang dalawa. "Kung hindi dahil sa pagsigaw ni Miko ay durog na nga talaga ako...", nakatingin lamang at nakikinig ang magkapatid kay King. ".. hahaa...!!! Sinwerte nga din ako at umabot ang depensa ko... sa huling segundo ay nakagawa ako nang tinatawag na Air-shield... na siyang naging depensa ko sa kanyang paghampas..masyado rin siyang malakas kaya nasaktan din ako..!!!", pagpatuloy pa nito.
"Nakapagpasya na ako..!!", biglang sambit ni Miko at napatingin naman ang dalawa sa kanya."Gusto ko nang maging wizard kagaya mo...!!! King..!!", at nagulat ang dalawa sa narinig. "HUH..?!!", sabay na nagulat sina Rigo at King.
Biglang tumayo si Miko at humarap sa nakaupong si King. "King...!!! pwede mo ba akong turuan maging wizard?...gusto kong maging katulad mo.!!.. maging malakas kagaya mo...!!", batid ni King sa mga mata i Miko na Seryoso ito sa kanyang mga sinabi.
"Miko..!! Anong pinagsasabi mo?.. imposible yang sinasabi mo.. at isa pa.. wala kang kapangyarihan...!!", tugon ni Rigo sa kapatid.
"King...??!!!...", tugon ni Miko na siyang naghihintay sa sasabihin ni King.
kitang-kita ni King ang nagmamakaawang mga mata ni Miko.
"Pwede...!! Posible..!!", wika ni King na agad tumayo at hinawakan sa balikat ang nagmamakaawang binata. Magkasabay na nagulat ang magkapatid sa tinugon ni King.
"Kahit sino ay pwedeng maging wizard kagaya ko...", at nilingon ni King si Rigo at nginitian. "Lahat nang tao ay may kanya-kanyang taglay na natutulog na kapangyarihan... ang tanging kailangan lamang upang magising ito ay ang masidhing pagsasanay at malakas na determinasyon...", wika ni King at tiningnan si Miko na siya ngayong nakangiti dahil sa narinig.
"Magiging malakas din ako katulad mo...", sabay turo ni Miko kay King na siya namang sinang-ayunan ni King sa pamamagitan nang pag okey sign nito.
"Pero bago ang lahat... ano nang gagawin natin ngayon?..!!", sabay turo ni Rigo sa nasusunog na bahay na siya namang nilingon ni King at Miko.
Ano na kaya ang gagawin nila ngayon, gayong nawasak na ang kanilang tahanan.
...tbc...
BINABASA MO ANG
League Of Six
Приключения**(UNDER REVISION) ** LEAGUE OF SIX, kwento ng anim na mandirigma na nanggaling sa ibat ibang kilalang angkan sa buong mundo. Nagsanib pwersa upang puksain ang paglaganap at pagsakop ng mga demonyo at halimaw na pinamumunuan ng mabagsik na hari na k...