Bukang-liwayway na nang dumating sina Kapt. Mael at ang kanyang kanang kamay sa palasyo. Dire-diretso sila sa Main Headquarters na mismo sa palasyo nakadestino.
Tuloy-tuloy sila sa opisina ni Heneral Barhos na siya ngayong Commander-in-Chief nang buong sandatahan nang bansang Terrania.
"Heneral... liham galing sa bayan nang Dacul...!!", sabay abot ni Kapt. Mael ang liham na siya namang mabilis na binuksan at binasa nang Heneral. Kumunot agad ang noo ng heneral nang mabasa ang liham.
"Kailangan nating magpadala nang mga mandirigma sa bayan ng Dacul sa lalong madaling panahon...", utos ng Heneral, at agad naman umalis ang dalawa sa kanyang mga opisyal upang ipunin ang mga kawal na maglalakbay patungo sa Dacul.
"Kapt. Mael....", " ano po 'yun Heneral?...!"
"Gusto kong pamunuan mo ang ating mga kawal sa paglakbay papuntang Dacul.... Hindi kayo babalik dito Hangga't Hindi niyo nalulutas ang problema sa bayang iyon....", utos ng heneral kay Kapt.Mael na siya namang malugod na tinanggap ng Kapitan."Masusunod .. Heneral...!!!", at mabilis na umalis si Kapt. Upang puntahan ang mga mandirigmang kanyang pamumunuan.
"Kapitan.... !!!!", tawag ni teniente Ares na siya namang sumabay sa paglalakad ng Kapitan. "Hindi niyo ba kami isasama Kapitan?.... !!!", pag-aalalang tanong ng teniente.
"Doon nalang kayo sa HQ..teniente... gusto kong higpitan niyo pa ang pagbabantay lalo na sa labas ng Wall... mahirap na.. baka may makalusot na hindi imbitadong bisita...", mahigpit na bilin nito sa kanyang opisyales.
Dumating na ang Kapitan sa Field kung saan naka formation ang mahigit limang daang kawal na siyang maglalakbay patungong Dacul.
Umakyat ang kapitan sa platform at nagsalita.
"Sampung taon... sampung taon mula nang mamatay ang ating mga mahal sa buhay... mga ama,ina, anak, kapatid... !!!... kaibigan... at minamahal... dumaan na tayo sa pagkalugmok.... pero muling umahon...
Salamat sa Ating anim na mga bayani... at kanilang nagapi ang pinaka mortal nating kaaway.... ngayon.... oras na naman.. para muli tayong lumaban...", inikot nang kapitan ang kabuo-an ng platform habang titig na titig naman ang limang daang kawal na mataimtim na nakikinig sa kanya." Ngayon, .... ang ating mga kapatid sa bayan nang Dacul ay nangangailangan nang ating tulong.... at OO..... ang kalaban natin .... muli ay mga demonyo at halimaw... ikinalulungkot ko man aminin... muling nagkalat na naman ang ating mga kalaban ngunit hindi pa alam kung saan sila nanggaling.... pero kahit ganun pa man... !!!!.... tayong mga tao ay nandito... upang ipagtanggol ang lahat ... laban sa kampon ng kadilimaaaaaan.... ", at kanyang inilabas ang espada at itinaas sa langit na siya namang sinunod ng mga mandirigma, kasabay nang mga malalakaa na hiyaw.
"Puksain ang kadilimaaan...!!!!", "puksaiiiinnnn.....!!!!!",
"Mabuhay ang mga tao....!!!!!", "mabuhaaaayyy....!!!!!",
"Yyaaaaaaaa......aaahhhhhh...!!!!!!!.... ",
At napuno ng malalakas na hiyaw ng mga mandirigma ang kapaligiran ... pagkatapos ay nag-umpisa nang maglakbay ang limang daang mandirigma mula sa bayan ng Paon na kjnabibilangan ng higit sa dalawang daang infantry, dalawang daang archers at isang daang cavalry kasama ang bawat leader ng bawat hanay at lahat nang iyon ay pinamumunuan ni Kapt. Mael.
Mula sa bintana nang opisina ay natatanaw ni Heneral Barhos ang mga mandirigmang nagmamartsa palabas ng lungsod. Nananalangin na sana'y maging matagumpay ang mission na kanyang ibinigay. Bumalik siya sa kanyang upo-an at nagpalabas nang isang malaking buntong-hininga.
"Teniente Bran...!!!", tawag ni kapitan Mael sa paparating na tenienteng nakasakay sa kanyang kabayo. "Kapitan... ayun sa pangunang pangkat.. magiging maayos naman ang ating madadaanan.. kaya siguradong makakarating tayo sa bayan ng Dacul nang walang aberya. Mararating natin ang bayan ng Dacul bukas nang dapit-halon sa ating normal na paglalakad....", pagdedetalye ni teniente Bran sa Kapitan na siya namang tinugunan nang kapitan nang pagtango dito na sinasabing naiintindihan nito ang kanyang naging ulat.
"Maging alerto pa rin ang lahat.... huwag tayong kumpiyansa .... ", paalala nang kapitan sa kanyang mga nasasakupan at tuloy-tuloy na ang kanilang paglalakbay.
---tbc---
BINABASA MO ANG
League Of Six
Adventure**(UNDER REVISION) ** LEAGUE OF SIX, kwento ng anim na mandirigma na nanggaling sa ibat ibang kilalang angkan sa buong mundo. Nagsanib pwersa upang puksain ang paglaganap at pagsakop ng mga demonyo at halimaw na pinamumunuan ng mabagsik na hari na k...