Dream and Reality

14 0 0
                                    

"King....!!!! King...!!! Bangon.. King...!!! Kailangan ka namin dito....!!!",

Sigaw ng isang lalaki kay King na siyang nakahiga sa lupa na napaliligiran nang mga sira-sirang gusali. Umaapoy ang buong kapaligiran na isa rin sa mga naging dahilan
Upang gumuho ang iba pang mga gusali.

Pinipilit niyang ibalik ang ulirat sa realidad at napansin niya ang isang grupo nang mga mandirigmang hindi kalayuan kung saan siya naroroon. Pilit tinatawag ang kanyang pangalan at hinihingi ang kanyang tulong.

----

Aaahhh...!!!

Biglang napaupo si King mula sa kanyang pagkakahiga. Isang panaginip?...

Magbubukang-liwayway na rin kaya naisipan niyang lumabas muna ng bahay upang lumanghap ng sariwang hangin.

"Gising ka na pala.... gusto mo nang tsaa?",
Pag-aalok ng binatang si Rigo habang nilalagay sa isang mesa na nasa labas ng bahay ang mga gulay na kinuha niya sa gulayan na nasa likod ng bahay nila at agad inutusan ang kapatid na si Miko upang bigyan ng tsaa ang kanilang panauhin na siya namang sinunod ng nakababatang kapatid.

"Ayos ka lang ba.. Mang King Saul?!", pagtatanong ni Miko habang inaabot ang isang cup ng tsaa. "Salamat... Miko, ayos lang ako..", sagot naman nito sa binata pagkatapos sigahan ang isang maliit na bonfire upang magpainit. "King... tawagin niyo nalang ako sa pangalang King", tugon niya sa magkapatid pagkatapos lumagok ng kaunti sa hawak na tsaa.

"May ilang araw ka na rin dito sa amin pero hindi pa kami nakapagpasalamat sa iyo ng maayos...hayaan mong gamitin ko ang oras na 'to upang magpasalamat.", wari ni Rigo pagkatapos umupo na ngayon ay nasa harap na rin ng bon fire. Tumabi na rin si Miko sa dalawa at binigyan ng tsaa ang kanyang kapatid.

"Kaming magkapatid ay taos pusong nagpapasalamat sa iyo sa pagsagip mo sa amin sa mga bandido...!", at kanyang hinigop ang tsaa at muling nagsalita si Rigo.

"Pero ... huwag mo sanang mamasamain...King..", sunod na sabi ni Rigo at siya namang pagtigil sa pag-inom ni King ng kanyang tsaa at tila naghihintay sa susunod na itatanong ng binata.

"Si-sino ka ba talaga?...!! a-ano ka?.. !! anong ginawa mo sa mga bandido?...!!!", sunod-sunod na tanong ni Rigo bago balutin ng katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig lamang ay ang siga ng apoy na nasa kanilang harapan.

Inubos ni King ang kanyang tsaa bago simulan ang pagsasalita. "Walong taon....!! walong taon na akong naglalakbay...", at humugot ng isang buntong hininga bago ipinagpatuloy ang kanyang kwento. "Ang totoo niyan... walong taon na rin akong binabangungot ng iisang panaginip..paulit-ulit... hindi ko alam kung isa ba 'yong alaala na aking nakalimutan...", "anong ibig mong sabihin?!!", pagtataka ng magkapatid.

"Wala akong maalalang kahit ano... nang ako'y nagising sa isang kagubatan walong taon na ang nakakalipas...!!", at tumayo na sa kinauupuan si King at tumalikod.

"Oo nga pala...!! Tawag ko dun ay AIR HAMMER, kinompress ko ang hanging nakapaligid sa akin na siyang ginamit kong pang-counter sa kung sino man ang umatake sa akin...isipin niyo nalang na para lang silang minaso nang hangin...haaa..hahaha!!..", at agad na pumasok si King sa bahay at iniwan ang dalawang magkapatid na tila nakatanga sa hangin.

Ibig sabihin.. isa siyang salamangkero? O ang tinatawag nilang Wizard.... sa isip-isip nang dalawa.

---

Tapos nang maligo si King na ngayon ay nakatayo sa harapan nang isang malaking salamin na kita ang kalahati ng kanyang katawan. Kinuha ang isang gunting at unti-unting ginupit ang kanyang mahabang buhok gayun din ang kanyang mahabang balbas dahilan upang maging maaliwalas ang kanyang mukha.

Muling sumapit ang gabi at oras na nang hapunan nang tatlo.

"Kuya... kelan pala tayo pupunta sa bayan?.." pagtatanong ni Miko. "Sa susunod na linggo na Miko... gawa nang may aanihin pa tayong gulay sa makalawa.. ikaw King sasama ka ba?!!.", tugon ni Rigo sabay tanong kay King.

"Hmmm..!! Sige .. doon rin naman talaga ang punta ko...", sabay higop ni King sa sabaw at inubos ito. "Maiba ako..!!", wari niya pagkatapos ilapag ang mangkok ng sabaw at siya namang napatingin ang magkapatid kay King.

"Anong nangyari sa mga magulang ninyo?", biglang tanong nito sa dalawa na siya namang napatigil sa pagkain, nagkatinginan ang magkapatid at muling tiningnan si King.

"Isang mandirigma ang aming ama...", wari ni Rigo. "Isa siya sa mga nasawi sa digmaan ng tao't mga demonyo.. sampung taon na ang nakalipas...", patuloy nito sa pagkwento. "Naiwan kaming tatlo ako si Miko at ang aming ina.. ngunit naging mahina ang katawan ng aming ina nang matapos ang digmaan na naging dahilan na rin ng kanyang pagpanaw.... ngayon kami nalang ni Miko ang nagtutulungan upang makaraos sa aming pamumuhay...", napaluha ang mga mata ng magkapatid sa mga alaala nang kanilang mga yumaong magulang, at kahit na si King ay tila nakaramdam ng pagkahabag sa nangyari sa magkapatid ngunit hindi niya ito pinakita sa halip ay ... "patawad sa aking pagtatanong...",

"Wala kang kasalanan... King ...iisa lang naman ang may kasalanan dito... ang mga demonyo't halimaw na siyang sumisira sa buhay ng mga tao...", tugon ni Rigo.

Batid ni King ang puot at galit sa puso ni Rigo. Ito ay kitang-kita sa mga mata ng binata.

"Kaya ako..!!! Magsasanay ako upang maging mandirigma at maging katulad ng Misteryosong anim na bayani na siyang tumalo sa mga demonyo...", singit ni Miko sa usapan. Nang biglang..

*kalabog...*

"Sshhh...", pagpapatahimik ni King sa dalawa. Mukhang may tao sa labas, sa isip-isip niya. Naramdaman niyang umiba ang ihip ng hangin sa labas nang bahay.

"Mukhang may bisita tayong hindi imbitado..", mahinang sambit ni King. Nakaramdam ng kaba ang magkapatid dahil alam nila na wala naman silang malapit na kapitbahay at lalong wala silang magiging bisita dahil wala na silang malapit na kamag-anak pa.

Kung ano man ang nasa labas ng kanilang bahay ay siguradong hindi ito kakampi.

...tbc...

League Of SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon