Sumilip si King mula sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyayari sa labas nang bahay. Nang biglang...
"Dapaa..!! ", sigaw ni King at dali-daling dumapa naman ang magkapatid at nagtago sa ilalim ng mesa, habang si King ay dinepensahan ang sarili mula sa mga nagliliparang nag-aapoy na pana. Masyadong madami, tinamaan ang iba't ibang parte nang bahay na siyang dahilan upang magliyab ang mga tinamaan nito.
Dali-daling lumabas nang bahay ang tatlo sapagkat ang bahay nila ay nasusunog na, at kung hindi sila magdali ay mapapasama sila sa mga magiging abo.
"Swerte niyo naman... at nakaligtas pa kayo..", isang boses mula sa madilim na bahagi ng gubat ang kanilang narinig.
"Sa likod ko lang kayo..", utos ni King sa magkapatid na siya namang sinunod ng dalawa.
"Akala ko'y mapapatay ko agad kayo sa isang tira lang... mukhang nagkamali ako..",
At unti-unting lumabas mula sa pagkakatago ang isang malaking tao na kung titingnan ay mahigit nasa pitong talampakan ang taas. Mahaba ang buhok na nakaipit na parang buntot ng kabayo. Mahaba ang bigote't balbas. Hawak-hawak ang isang napakalaking double-sided axe na tila kasing taas ng malaking tao kung ito ay itayo."At sino ka naman?..!!!", mukhang kalmado pa rin si King sa kabila nang lahat nang nangyari. "King..!!", tawag ni Rigo nang mapansing unti-unting nagsilabasan ang maraming kalaban mula sa kanilang pagkakatago at ngayon ay napapalibutan na silang tatlo nang mga ito.
"King..!!. sila ang...", gulat na sambit ni Rigo at hindi na natapos ang gustong sabihin.
"REAPERS....", pagpatuloy ni King na biglang ibinuka ang kaliwang palad na tila may inaabot sa kanyang harapan. Unti-unting lumiwanag ang kanyang kaliwang palad, at ang liwanag ay tila nagkakaroon nang hugis(hugis pahaba). Unti-unti nawawala ang liwanag at ang hugis ay naging isang hindi pangkaraniwang staff. Tila naging isang mahabang ugat (hindi pangkaraniwang ugat) ang ngayong hawak-hawak na ni King.
"Ohhh..!! Isang salamangkero?!!.. haahahaha..!!", natatawang tugon ng malaking tao. "Nagbibiro ka ba?... tingin mo ay matatakot mo ako sa salamangka mo?..", paghahamon nito. "Akala niyo ay makakatakas pa kayo?.. wala pang nakakaligtas sa kamay nang Reapeeeerrss..!!!!..", malakas na pagsigaw nito na siya namang sinundan nang malalakas na pagsigaw ng kanyang mga myembro.
Ilang araw na rin palang pinaghahanap ng grupo ang tatlo mula nang isinumbong ito nang dalawang myembro sa kanilang pinuno na si Braggo, na siyang nasa harapan nila ngayon. Lahat nang mabibiktima ay dapat pugutan. Tangin rules ng grupo na hindi dapat suwayin.
Kaya nang malaman ito ni Braggo ay galit na galit ito. Sa galit niya ay pinugutan niya nang ulo ang dalawang myembrong nagsumbong, at tinawag ang iba pang myembro upang hanapin ang tatlo, at ngayon nga ay napapaligiran na nila ang mga ito. Siguradong hindi na makakatakas ang tatlo.
"Wala akong pakialam kung sino man kayo.. at pwede ba?!.. isang beses ko lang 'to sasabihin sa inyo...", seryoso na ang mukha ni King. "Umalis na kayo... at hindi ako nakikisuyo...!!".
"Haaaa...hahaha...!!!", natawa lamang si Braggo sa narinig. "Hindi mo naman kailangan makisuyo... dahil kayo ang aalis....!!!... sa mundo nang mga buhay...", at sabay-sabay na sumugod ang mga bandido na kanina pang atat na atat mapugutan ang tatlo.
Sa kaliwa, sa kanan, harap at likod, kahit saan man tumingin ay mga bandidong umaatake.
"Dumapa kayo...", utos ni King sa magkapatid na siya namang mabilis na dumapa.
"Kaibigang hangin... ako'y iyong gabayan.. upang patalsikin ang aking mga kalaban...", sambit ni King habang itinataas ang hawak na Staff at ito biglang nag-iba nang anyo na ngayon ay parang isang mahabang Scythe at agad siyang nagbigay ng isang napakalakas na swing dahilan upang ang buong katawan niya ay sumunod at umikot.
"Aiiir-striikee..",
Isang swing lang at agad na tumilapon sa kung saan-saan ang mga bandidong umatake sa kanila.
Halos kalahati ang nabawas sa grupo ng mga bandido. Na siyang mas ikinagalit pa ni Braggo.
Manghang-mangha naman ang magkapatid sa kanilang nasaksihan. Ngayon lang sila nakakita ng isang napakalakas na kapangyarihan na kayang patalsikin ang napakaraming kalaban sa isang swing lang ng scythe nito.
Napakalakas niya.. sa isip ng dalawa.
"Jan na muna kayo...", wari ni King at tila may kinukumpas ang kanang kamay nito at biglang may mga ugat na umusbong mula sa lupa. Tumaas ito at lumaki, at nagkaanyo nang katulad nang isang haula at ngayon ay nasa loob nito ang magkapatid. Hindi, upang sila'y makulong, kundi upang sila'y hindi magalaw at maging ligtas mula sa mga kalaban. "Hintayin niyo lang ako... hindi naman ako magtatagal..", at mag'isang naglakad si King patungo sa kinaroroonan ni Braggo na kasama ang ilan sa mga bandido.
"Aaaarrrrggghhh...!!!", malakas na sigaw ni Braggo. Tumakbo siya at sinalubong ang papalapit na si King. Sumunod naman ang lahat na ngayon ay kay King na nakatutok ang kanilang atensyun.
"Kaibigang lupa... ako'y iyong gabayan... upang yanigin ang aking mga kalaban...", sambit ni King at muling nag-ibang anyo ang kanyang staff na ngayon ay naging isa nang malaking maso.
"Earth-shaaakeee....!!!",
Buong lakas niyang minaso ang lupang kinatitirikan. Dahilan upang ang nasa paligid nito'y magkaroon nang bitak at sunod-sunod na gumuho. Nahulog at naipit nang mga bitak ng lupa at mga bato ang mga bandido na ngayon ay sugatan, ang iba ay walang malay at marami ang minalas at nasawi.
...tbc...
BINABASA MO ANG
League Of Six
Pertualangan**(UNDER REVISION) ** LEAGUE OF SIX, kwento ng anim na mandirigma na nanggaling sa ibat ibang kilalang angkan sa buong mundo. Nagsanib pwersa upang puksain ang paglaganap at pagsakop ng mga demonyo at halimaw na pinamumunuan ng mabagsik na hari na k...