The Boy, The Bandit and The Samaritan

32 1 0
                                    

"Takboo...!!! haaaaahaahaa!!" sigaw ng bandido habang hinahabol ang dalawang binatang magkapatid na siyang takot na takot na baka maabutan ng mga bandidong humahabol sa kanila.

"Mikooo!!!! bilisan mo...!!!" tugon ng nakatatandang kapatid habang sila ay tumatakbo at napunta sa loob sa isang gubat. "Kuyaaa Riggoooo...!!!" sigaw ni Miko at siyang nilingon naman ng isa. Napatigil sa pagtakbo at binalikan ang kapatid. Nakadapa, masakit ang kaliwang paa sapagkat ito ay napatid sa isang ugat ng puno na hindi niya nakita at siya ay natumba.

"Halika.... kumapit ka sakin...!!" ,
"Kuya... mauna kana.. tatago nalang ako dito!!!" ,
"Hindi pepwede... hindi kita pwedeng iwan.. malapit na tayong makalabas dito.. malapit na tayo sa daan.. alam ko may makakatulong sa atin pagdating naten doon..!!!!." ,

Nagpatuloy sa pagtakbo ang magkapatid ngunit hindi na sila ganun kabilis sa kadahilanang akay-akay na ni Rigo ang nakababatang kapatid na si Miko.

Hindi pa sila nakakalayo ay naabutan na nga sila ng mga bandido. Napatigil sila sa kadahilanang may bandido nang nakaharang sa kanilang dadaanan. Napapalibutan na sila ngayon ng anim na bandido. May mga palakol na hawak. May mga hikaw ang mga mukha at may mga mahahabang buhok na nakaipit.

"Haaaaaa...!!!! saan kayo tatakbo?!! Wala na kayong mapupuntahan...!!!" sigaw ng isang bandido habang iwinawasiwas ang dalawang palakol na hawak niya.

"Tigilan niyo na kami...!!! nakuha niyo na ang lahat sa amin.!!!. mga paninda namin, mga pilak, ano pa ba ang gusto niyo sa amin?!!!!" Pagmamakaawa ni Rigo.

"Haaahahaha...!!! akala niyo ba ganun na lamang iyon?!!!" Tugon ng isang bandidong may hawak ng malaking palakol.

"Hindi niyo ba kami kilala?!!!... wala pa kaming nabibiktima na hindi namin napupugutan...!!!," wari naman ng isang nasa likuran nila. "Alam niyo kung bakit?...!! " . " dahil kami ang REAPERS!!!...".

Nanlaki ang mga mata ng dalawang magkapatid sa kanilang narinig. "Reapers", pangalan ng isang bandidong kilala sa buong lungsod. Bandido nang mga mamatay tao, na pagkatapos pagnakawan ang kanilang mga biktima ay kanila itong pinupugutan at kinukuha ang mga ulo ng kanilang pinapatay. Ayon sa mga sabi-sabi, ginagawa nilang tropeyo ang mga napugot na ulo ng kanilang mga nabiktima.

Wala nang nagawa ang dalawang magkapatid. Kundi ang yumuko at mapaluhod na lamang. Siguradong wala na silang takas at siguradong doon na magtatapos ang kanilang mga buhay.

"Kuuyaaa...!!! " mangiyak-ngiyak na tugon ni Miko sa kanyang kapatid na siyang napapailing nalang habang napapaluha na rin dahil sa wala na silang magawa sa kanilang sitwasyun kundi ang tanggapin ang kanilang kamatayan.

Lumapit ang isang bandido sa magkapatid na nakayuko't nakaluhod. "Haaaaa.... !!!!sa akin na ang ulo niyong dalawa...!!!!" tugon ng bandido habang itinaas ang hawak na palakol upang pugutan na ang magkapatid.

"Anong ingay na naman ito?!!!!"

Natigilan ang lahat sa kanilang narinig. Tumingin sa paligid ngunit wala naman silang nakita.

"Hindi niyo ba alam na nakakagambala kayo sa natutulog?!!!!"

Nagtinginan ang mga bandido, wari'y nagtatanungan kung saan nanggagaling ang boses na kanilang naririnig.

Kahit ang magkapatid na umiiyak ay napapatingin narin sa kapaligiran dahil sa boses. "Sino ka? .!!!!.. saan ka?.. !!! magpakita ka...!!!! at nang mapugutan rin kita..!!!" sigaw ng isang bandido na takang-taka kung saan talaga nanggagaling ang boses.

"Haaa..haha..!!! tsk tsk tsk!!!.... kayo na nga ang nakakaistorbo kayo pa ang galit?!!!" Patawang tugon ng boses.

"Ayun.. !!!!! sa itaas ng puno..!!!!" turo ng isang bandido ng siya ay napatingala.

Nakahiga sa isang sanga ng punong kahoy. Isang samaritanyo, mahaba ang buhok at mga balbas nito. Magulo ang ayos nito na tila ilang araw nang hindi naliligo.

"Bumaba ka diyan...!!!! kutong-lupa.!!!!." sigaw ng isang bandido sa samaritanyong nakahiga pa rin sa sanga ng punong kahoy.

Nainis na ang samaritanyo sa ingay ng mga bandidong nagsisigawan kaya napilitan siyang tumalon mula sa sanga na halos dalawampung talampakan ang taas. Lumapag siya sa lupa ng nakatayo at tila walang nangyari.

"Andito na ako.. tatayo lang ba kayo jan?!!!" Kibit balikat na paghahamon nito sa mga bandido na siya namang ikinagalit ng grupo. Walang ano man ay sumugod ang isa, ngunit sa hindi alam na dahilan ay bigla na lamang ito natumba na tila may isang mabigat na bagay na humampas sa kanya.

Nagulat ang ibang bandido ng makita ang kasamahan nilang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

"Anong nangyari? !!! Anong ginawa mo?!!!" Gulat na pagtatanong ng isa sa mga bandido.

"Wala.. nakita niyo ba akong gumalaw? Hindi naman di ba?" Kibit-balikat na sagot ng samaritanyo.

"Aaaahhhh... !!!!!" biglang sugod ulit ng isang bandido, ngunit katulad nang una ay bumagsak din ito.

Hindi natinag ang dalawa pa at sumugod na rin ngunit wala rin silang nagawa at magkasabay na bumagsak sa lupa.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa pang natira dahil sa kanilang nasaksihan. Kinabahan, natakot at dali-daling tumakbo papalayo. Iniwan ang mga kasamahang walang malay.

Gulat na gulat din ang magkapatid sa kanilang nasaksihang mga pangyayari. "Huwag niyo po kaming saktan...!!! maawa po kayo..!!!" mangiyak-iyak na pagmamakaawa ni Rigo sa samaritanyo.

Walang tugon ang lalaki sa halip ay lumapit ito sa kanila dahilan na matakot pa ang magkapatid na baka sila ay patayin ng samaritanyo.

Umupo ang lalaki sa kanilang harapan. Nagkatitigan silang tatlo. Rinig na rinig ang kabog ng dibdib ng magkapatid sa kaba at takot na nararamdaman.

"Iho... " sambit ng samaritanyo. "Pppoo?" Nanginginig na tugon ng magkapatid ng biglang....

"May pagkain ka ba diyan? Gutom na gutom na ko eh.."

Nagulat ang magkapatid sa sinambit ng lalaki. Nagkatinginan bago sila nakasagot. "Wwwala.. po.. !!!!pppeero.. sa bahay poo mmmeron.. !!!!" , " tara sa inyo, gutom na ako."

Nagkatingin ulit ang magkapatid sa pagtataka ngunit napagpasyahan na rin nila na isama ang samaritanyo sa kanilang bahay nang nalaman nilang hindi sila papatayin nito sa halip sila ay sinagip ng samaritanyo.

Tbc...

League Of SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon