"Kuya... bakit ang mukhang ang daming tao ngayon?", tanong ni Miko habang sila'y naglalakad papasok sa bayan ng Paon. "Hindi mo ba alam? .. o sadyang nakalimutan mo lang...?", tugon naman ni Rigo sa kapatid habang bitbit sa likod ang isang malaking bag - sa loob nito ay mga kagamitan, damit, pagkain at iba pang mga bagay-bagay na nakuha at naisalba niya mula sa natupok na bahay.
"Desperas nang kapistahan ngayon. Kung saan ipinagdiriwan ang ika-sampong taon mula nang matalo ng bayaning anim ang haring demonyo...!!", paliwanag ni Rigo.
"Ahh.. oo nga pala nakalimutan ko nga..!!", at napakamot nang batok si Miko sabay tingin kay King na siya namang sumagot nang isang pag-kibit balikat.
Napakaraming tao nang mga araw na iyon dahil sa mga dayuhan na nagmula pa sa iba't ibang lugar sa lalawigan nang Terrania. Halos taon-taon sa pagsapit nang kapistahan na tinawag nilang Festival of the Six ay parang hindi mahulugan nang karayom ang bawat kalsada nang Paon, lalo na sa Plaza Sais kung saan naroroon ang anim na napakalaking estatwa na itinayo nang mga mamamayan, pahayag nang pagkilala sa tinaguriang misteryosong anim na bayani.
Ang mga imahe ng anim na estatwa ay ginawa ayon sa mga paglalarawan nang mga taong nakakita at nakakilala sa kanila.
Anim na malalaking estatwa na nakatayo pa-ikot at nakatalikod sa isa't isa. Ang bawat estatwa ay may kanya-kanyang galaw. May isang nakaupo na parang isang ninja at may hawak na katana, isang nakapose na parang isang Knight at hawak ang espada katabi naman nito ay nakarobe at may hawak na libro at isang malakijg tao na hawak-hawak ang isang malaking double-bladed axe, ang isa naman ay parang ninja din na may hawak na isang malaking pana at ang panghuli ay isang taong may hawak na staff at sa likod nito ay may anim na iba't ibang klase nang staff na nakalagay.
Sila ang misteryosong anim na bayani.
Tanghali na nang magpasya silang huminto muna sa pag-iikot at napagpasyahang umupo sa isang bakanteng upuan sa Muni Plaza.
"Aaahhh... nagugutom na'ko..", wari ni Miko. Narinig ito ni Rigo kaya inilabas niya mula sa bag ang tatlong tinapay at agad na binigay ang isa kay Miko. Ibibigay na rin sana niya ang isa pang tinapay kay King ngunit wala na ito sa kinauupuan niya.
Saan nagpunta 'yon?... pagtataka ni Rigo. Tumingin-tingin sa paligid, umaasang makikita niya si King ngunit wala talaga kaya inilapag nalang niya muna ang isang tinapay sa upuan at unti-unting kinain ang isa pa.
Hindi nakakalahati ang tinapay ni Rigo nang biglang... "pahingi naman nang pagkain...", sabi nang isang bata na nasa kanilang harapan. Madungis ito nakasumbrero at nakaalay ang kamay na nagsasabing pahingi nang tinapay.
Bigla namang nahabag ang damdamin ni Rigo sa kanyang nakikita kaya hinatian niya ito nang bahagyang parte nang kanyang tinapay at umalis agad ang bata matapos mabigyan.
Kakagat na ulit sana si Rigo nang muli ay may isa na namang bata sa kanyang harapan at katulad sa nauna ay humihingi din ito nang tinapay.
Napatingin siya sa kapatid na si Miko ngunit ang tinapay nito ay ubos na kaya wala siyang nagawa kundi kumuha ulit nang kaunting tinapay at binigay sa bata. Hindi niya pwedeng galawin ang isang tinapay dahil ito ay para kay King na hanggang ngayon ay wala pa rin. Umalis din agad ang pangalawang bata ngunit hindi nagtagal ay muli na namang bumalik na ngayon hindi lang isa kundi limang bata.
Nagulat si Rigo, na ngayon ay napatayo sa kanyang upuan. "Teka..teka... hindi ko naman pwedeng ibigay 'to lahat... ako naman ang magugutom...", "Kuya... pahingi na po... pahingi na po...", nagkagulo na hanggang sa napansin nalang ni Rigo na biglang kuniha ang tinapay na para kay King. "Hoooy..!!! Hindi para sa inyo 'yan... ibalik niyo 'yan..", biglang tumakbo ang batang kumuha nang tinapay kaya 'yon ay hinabol ni Rigo at sumunod naman si Miko sa paghahabol.
BINABASA MO ANG
League Of Six
Adventure**(UNDER REVISION) ** LEAGUE OF SIX, kwento ng anim na mandirigma na nanggaling sa ibat ibang kilalang angkan sa buong mundo. Nagsanib pwersa upang puksain ang paglaganap at pagsakop ng mga demonyo at halimaw na pinamumunuan ng mabagsik na hari na k...