Jon of the North

19 0 0
                                    

Sampung taon na rin ang nakakaraan nang mawasak ang bayan ng Paon dahil sa digmaan nang Tao laban sa Halimaw at mga Demonyo.

Sampung taon na rin ang nakakaraan nang huli nilang makita ang anim na misteryosong mandirigma ng sanlibutan na siyang sumagip mula sa mga kamay ng demonyong haring si Arkemon.

Mula sa sa pagkalugmok na iyon, ay nagsimula muli ang mga tao. Unti-unti nilang naibabalik ang kaayusan. Nagtulong-tulong sa pag-gawa ng mga bahay at mga gusali.

Unti-unti nang bumabangon ang bayan ng Paon. At ngayon, siya pang naging sentro ng kalakalan sa bansang Terrania.
----- -----
Isang gabi sa HQ ng mga kawal sa bandang norte ng lungsod. Inabala ng bahagyang malakas na katok sa pinto ng opisina ni Kapitan Mael.

"Kapitaan..!!! Kapitan...!!", nagmamadaling tawag ng isang mensahero. Kumatok at pinapasok naman ito ni Kapitan Mael sa kanyang opisina. "Isang liham mula kay Heneral Crispaul ng bayan nang Dacul...Kapitan..!!!". Kumunot ang noo ng Kapitan sa kanyang narinig.

"Heneral Crispaul ba kamo?!!!!..." paninigurado ni Kapt. Mael. "Opo..Kapitan...!!!", mabilis na sagot naman ng mensahero."maraming salamat... makakaalis ka na..!!" . Umupo si Kapt. Sa kanyang upuan at mabilis na tinawag ang kanyang kanang kamay na si Teniente Ares. " magmadali ka...Teniente ... at tayo'y pupunta sa palasyo....!!!", "masusunod Kapitan..!!!" .

At, nagmadali ang dalawa at sumakay sa kanilang mga kabayo patungo sa palasyo, hawak-hawak ang liham ni Heneral Crispaul .

Samantala, sa isang Inn na kung tawagin ay Fantasia. Isang normal na maingay na gabi mula sa mga nag-iinumang mga kawal, hunters, mercenaries at iba't iba pang uri ng mga tao na makikita o makakasalamuha sa bayan ng Paon.

Halos gabi-gabi ay walang pinagbago mga kaganapan sa loob ng Fantasia. Inom dito inom doon, tawanan dito, halakhakan doon. Ngunit, biglang tumahimik ang lahat sa isang iglap nang biglang bumukas ang pintuan ng inn at pumasok ang isang malaking lalaki. Napako ang mata ng lahat sa taong naglalakad papunta sa Counter.

Ang magulo at maingay na inn, ngayon ay nababalutan ng nakakabinging katahimikan dahil sa misteryosong lalaki. Nakasuot ito ng mahabang robe at ang mukha ay natatakpan ng hood kaya hindi gaanong nakikita ang kanyang mukha. May malaking double-bladed axe na nakakabit sa kanyang likod at isang crossbow.

Umupo ito sa harapan ng counter at tiningnan ang bartender. Nagkatinginan silang dalawa na tila nag-uusap nang malalim ang kanilang mga mata. Ang mga tao ay nakatingin lamang sa dalawa at tila kinakabahan sa maaaring mangyari kung sakaling magkaroon ng kaguluhan.

"David Jon..." tawag ng bartender sa lalaking nakatitig sa kanya. "Nikolai..." sagot naman ng lalaki habang inaalis ang kanyang hood.

"Jon the demon hunter... Jon the sadist... mysterious J... Jon the killer..." sambit ni Nikolai habang iniabot ang isang mug ng beer na siya namang mabilis na tinungga ni Jon ng walang kahirap-hirap.

Tahimik pa rin ang kapaligiran at ito ay napuna ni Jon. Bigla siyang tumayo sa kanyang inuupuan na siyang ikinagulat ng lahat at tila kinakabahan, ang iba naman ay parang natatakot na parang sila ay nakakita nang isang mabangis na halimaw at ang kanilang mga kalamnan ay nanginginig dahil sa takot na kanilang nararamdaman.

Binigyan ulit siya ng isang mug ng beer kaya siya ay muling umupo. "Walong taon na rin ang nakakaraan nang mapadpad ka sa bayang ito.... at alam nang mga tao dito na isa ka sa mga naging dahilan kung bakit hanggang ngayon nagiging mapayapa ang pagtulog ng bawat gabing nagdaan.... hmmmm... at iyon ay dahil sa iyo...... David Jon...", " haah.. !!! Ano naman ang kinalaman ko dun Nik? ... " tanong ni Jon kay Nikolai pagkatapos tunggain ulit ang beer na siya namang pinuno ulit ni Nikolai.

" hahahaa... wala ka pa rin talagang pinagbago Jon..." natatawang tugon ni Nikolai. " natapos na nga ang kasakiman ng Haring demonyo noong natalo siya nang misteryosong anim.... at alam natin na talagang nawasak ang bayang ito...", kwento ni Nikolai kasabay ng isang malaking buntong hininga at muling nagpatuloy.

"Akala ng lahat na magiging maayos na ang lahat... ngunit.. sa loob ng dalawang taon... matapos ang digmaan na tinawag nilang Hellway's war... ay naging masalimuot pa rin ang buhay ng bawat tao sa bayang ito... dahil sa mga halimaw at demonyong nagsi lipala.... marahil ay hindi pa rin sila nauubos...."

Patuloy ang pakikinig ni jon sa kwento ni Nikolai. Gayun din ang mga tao na kanina pang nananahimik.

" Kahit ngayon... ay may mga demonyo pa ring umaaligid sa lupang ito... ngunit hindi na katulad nang dati .. noong ika'y wala pa... ngayon, mas naging kilala ka sa tawag na Jon of the North, Hunter of a Hundred Demons... mula nang masupil mong mag-isa ang higit sa isang daang Demonyo na umatake mula sa norte nang bayang ito.... marami ang humanga.. ngunit marami rin ang natakot dahil sa kapangyarihan mong napakalakas... kaya hindi mo masisisi ang mga tao dito na manginig sa takot nung ika'y biglang pumasok sa inn na ito...David Jon..."

"Haha.." isang mahinang tawa lamang ang itinugon ni Jon sabay tayo nang maubos niya ang isang mug ng beer na ibinigay sa kanya ni Nikolai. Tumalikod at naglakad upang lumabas na. Nakapako pa rin ang tingin ng mga tao sa papalabas na si Jon ngunit bigla itong tumigil nang ito'y nasa harapan na mismo ng pinto na siya namang ikinagulat ng lahat.

Tila naghihintay sa kung anung gawin o sabihin ni Jon.

"Ituloy niyo lang ang kasiyahan..." at lumabas na nang tuluyan si Jon.

Tahimik pa rin ang lahat....

"Oh..!!! Anu pang hinihintay niyo?!!.. sinabi na.. ituloy ang kasiyahan.... " sigaw ni Nikolai..

At muling umingay ang gabi....

...tbc...


League Of SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon