Chapter One: First Interaction
"See me in the darkest night"
Under the brightest moonlightWith electric currents flowing
With my heart that's beating
Everytime I see you
When the sky is blueAnd I have loved you
More than I have loved meWishing you wouldn't leave me
Darling all I haveIs you
And my love for you......."Nice song" ngumiti ako.
"Thank you" I smiled at the person who just passed by and happened to hear my song. Being appreciated gives a very nice feeling to me.
"You composed it?" Tanong niya.
"Yes po" I think she is on her late 40s. She has a scarf around her neck. Malamig ang gabi. I happened to do my hobby in front of the mall at the circular fountain where friends and lovers or even families hang out.
"My husband used to write songs for me" ngumiti siya pero parang may lungkot sa mga mata niya. May wrinkles na siya ngunit sadyang kay ganda parin niya siguro mas maganda pa siya nung panahon ng kabataan niya.
"Every year, kapag anniversary namin, kinakantahan niya ako ng mga kantang ginagawa niya every year din. He has composed 24 songs. Una nung ikinasal kami and last is.......last year" parang may kung anong bigat sa dibdib ko nang marinig iyon mula sa kaniya, para bang may nangyaring masama.
"A day, after our anniversary, he died. Ilang linggo narin ang lumipas nang ma-diagnose siya na may cancer. Hindi naman siya nagpapa-chemo kasi maliit ang chance na mabuhay siya ulit. I never thought that would be our last wedding anniversary together" sabi niya at may tumulong mga luha sa mga mata niya.
"I am sorry" sabi ko. Nakita ko naman siyang ngumiti at pinunasan ang mga luha.
"I'm sorry hija, nag-drama pa ako. It just feels good to share something to someone. Well anyway, lalakad na ako. Continue your passion hija. You are very talented."sabi niya at naglakad na palayo.
"Ang saklap naman pala ng nangyari bes no? Yung namatay ang asawa niya. Ang sakit siguro mawalan ng taong mahalaga sayo."
Nagkibi't balikat lang ako at kinuha ang capo sa guitar ko bago pinasok ito ulit sa lagayan.
All my life, I felt pain. Halos araw araw akong nakakadama ng sakit na biglabg isang araw nasanay na ako at naging manhid. Maybe sometimes, pain can go through my thick and large walls, pero hindi iyong masakit na masakit talaga na para bang may pumipigil sa sakit na katiting na lamang nito ang nakaka-apekto sa akin.
"Tara na, gumagabi na rin Sue" sabi ko. Sinabit ko sa balikat ang strap ng guitar case ko bago tumayo at tiningnan ang paligid na dumidilim na rin.
"What?!, You kidding me Gab?, After three and a half hours na pananatili natin sa mall, una yung pagpunta sa NBS para maghanap ng mga new arrival na books, tapos pumunta tayo ng Department Store para mamili ng damit tapos sa anong store yun?, Yung maraming musical instruments?, Tapos tumambay ka pa dito sa fountain, kanta ka nang kanta tapos uuwi lang tayo nang hindi mo ako pinapakain, unfair Gabrielle!" Nakatitig lang ako sa kaibigan kong nagmamaktol. Nakatingin halos lahat ng tao sa amin ngayon. Fudge!
Sue is a beautiful fresh college graduate, like me. Classmate ko siya simula 1st year college and we've been best of friends. Siya ang palagi kong kasama sa lahat ng lakad at trip ko. Well, she also likes to go on trips and shopping, it is her thing.
"Okay, okay, kakain tayo" sabi ko at hininaan ang boses dahil sobrang nakakahiya ang ginawa niya kanina.
Nagtaas lang siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Jin And Gab (A Complicated Love Story)
Romance" He was afraid to lose me. But I lost him " Love is the most powerful thing in the world. Love can be the reason for everything. And sometimes, love can be your downfall. In a universe where two worlds met, love happened that confused their feeling...