Chapter Two:Confused

24 3 2
                                    

Chapter Two: Confused

"Goodbye tita, Goodbye tito, tutuloy na po ako" paalam ni Sue kina Mama at Papa.

"Yes, thanks Sue sa pagsama mo kay Gabbi, ingat ka ha" napatango tango naman si Sue.

"I may be an Accountant pero pulis yata ang kaluluwa ko haha" tumawa na lamang si mama sa biro ni Sue.

"Naku!, Ingat ka parin Suesie" bilin ni mama.

"Your friend is just so boyish" iling ni mama.

"Ang gandang bata pa naman sana, akala ko talaga may nagtagumapay nang manligaw sa kaniya, but she is still young kagaya mo, kaya it is a no no for me muna na mag boyfriend siya " sabi ni mama na ikinatawa ko na lamang.

"Imposible ma" sabi ko.

"Gab naman, walang imposible sa mundo, kailangan mo lang maniwala. But don't take that as a sign na pumapayag na akong mag-boyfriend ka. Napakabata mo pa" sabi niya. Tinawanan ko nalang si mama. Lagi akong sumasang-ayon sa mga sinasabi niya, ang hindi niya alam ay nagkaroon na ako ng dalawang boyfriend. But noong 3rd year college na ako.

I know my limits too kaya hindi masyadong na distract sa studies kahit na may boyfriend na.

I know mama and papa kept on reminding me about my age and me having a boyfriend is still not appropriate pero hindi ko alam kung bakit ko nagawang mag-boyfriend kahit na pinag bawalan ako. Maybe the pressure?. I don't know. But all I know is I don't love them, I am just infatuated.

"Oh siya sige, doon ka muna sa kwarto mo, magpahinga ka na, I know you're tired. Nasa kwarto na ang mga kuya mo" sabi ni mama kaya napatango naman ako at nagpaalam na pumunta na sa kwarto.

"I saw your sister's post on facebook Beatrice, parang wala naman siyang problema" I heard Papa habang paakyat ako.

"I don't know about Jean, Gian, halos twelve years na ang nakalipas, bakit ayaw parin niyang bumalik sa Pilipinas?" Frustrated na tanong ni Mama.

So, hindi pa pala sila nagkaka-ayos?. Ayaw parin ni Tita na bumalik sa Pilipinas?, Why?. Ni- hindi ko nakita ang asawa niya at ang mga pinsan ko na anak niya.

We are her family. Pilipinas ang kinalakhan niyang bansa. Bakit ayaw parin niyang bumalik dito?

I kmow, my mom is strict and her aura is intimidating, dagdagan pa ying mga straight to the point words niya. I can't blame tita Jean for leaving and trying to live freely in another country pero come to think of it, magkasama sila ni Mama na lumaki so she is used to her attitude, kahit naman ganun si Mama ay mabait parin iyon pero siguro napuno na si Tita.

I don't know the whole story yet kaya wala akong karapatang manghusga.

"Hey Gabbi!" Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko sina kuya na nakahiga sa kaniya kaniyang kama. Iisa lang kami ng kwarto dahil na rin gusto nilang dalawa na iisa lang kami ng kwarto.

Pagod akong ngumiti.

"Hey, Bry, hey Ben" kumunot ang noo nila.

"Pagod ka?" Tanong nilang natatawa. Syempre tinutukso na naman nila ako dahil sa pagpunta ko sa mall nang hyper pa pero nang umuwi ay pagod.

"Pinalibre  ka  na naman ni Sue no?" Natatawang tanong ni kuya Ben.

"Hayy, oo nga" nilapag ko ang guitar case sa paanan ng kama ko at umupo sa kama.

"Haha, kawawa naman si Gabriella" inis ko siyang tinapunan ng tingin.

"I am Gabrielle not Gabriella kuya"tumawa lang silang dalawa. Twins nga.

Jin And Gab (A Complicated Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon