Chapter Ten: Dangerous

9 2 0
                                    

Chapter Ten: Dangerous

"Gabrielle!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagkabigla.

Napalingun ako sa gilid at nakita si Mama na nakatayo doon at nakapameywang.

"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong nang mapansin ang galit sa kaniyang mga titig.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Kanina pa kita ginigising" seryosong sabi niya.

"Anong oras ka ba umuwi kagabi at ang tagal mong gumising ngayon. Ayan oh, maga-alas nuwebe na ...Sus Mariyusep" Tinuro pa niya ang wall clock ko.

Tumingin naman ako sa kaniya at kinusot ang mga mata.

"Bakit po ba?" Inaantok na tanong ko. All I can remember is matagal akong nakatulog dahil sa nangyari sa C.R. kagabi.

"Gabrielle!" Napa-ayos ako sa pagkaka-upo. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong napapahiga sa kama at hindi ko narinig ang sinabi ni Mama.

Lagot.

"A-ahh b-bakit po?" Huminga nang malalim si Mama.

"Maligo ka na para hindi ka antukin, bibigyan kita ng pera para mag-grocery, bibigyan na din kita ng listahan. Wala si manang Cely, kaya ikaw ang uutusan ko....... Gabrielle!, umayos ka ngang bata ka. Naku naman " sabi niya at kinuha na ang kumot ko.

"Ako na ang mag-aayos nitong kama mo. Diyos ko!, May trabaho pa ako Gabrielle. Dapat nasa kalsada na kami ng Papa mo ngayon eh. Dapat papunta na kami ngayon sa trabaho " tamad na bumaba ako ng kama at tiningnan ang mga kama nina kuya.

Wala na sila.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimula nang maligo. Medyo inaantok pa ako at parang ang lamig ng tubig.

Napa-upo ako sa lagayan ng mga towels o mga gamit sa loob ng shower. Ang design kasi ng banyo ay nakahiwalay ang shower room sa bathtub, sa lababo at sa bowl. Pinapalibutan ito ng glass wall at sa loob ay parang may bench na gawa sa marble na lagayan ng mga gamit na dadalhin mo.

1 minute

2 minutes

3 minutes

4 minutes

5 minutes

"Gabrielle!, Hindi ka pa ba tapos diyan?!" Napamulat kaagad ako at tumayo. Fudge!, Nakatulog ako!

"Malapit na po!" Sigaw ko pabalik.

Agad kong ni-on ang shower at hindi ininda ang lamig ng tubig. Pagkatapos kong maglagay ng shampoo ay sinunod ko ang sabon sa katawan at agad na ni-on ulit ang shower para mawala ang sabon at shampoo. Pagkatapos ko sa shower ay agad kong sinuot ang bathrobe at pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.

Nagsipilyo ako at pagkatapos ay lumabas na ng banyo. Akala ko nandun si Mama para mag-abang pero wala.

Dali dali akong pumunta sa mini walk-in closet ko at kumuha ng Black Jeans and Gray T-shirt pairing with flat light brown sandals. Sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng face powder at tinapos ang lahat sa paglalagay ng perfume.

Tumingin ako sa salamin bago kinuha ang cellphone at wallet ko.

Nang bumaba ako ay naabutan ko si Mama na nakatayo sa may sala, nakabihis na ng pang-trabaho niya at pabalik-balik ang paglalakad.

"Ma!" Medyo hinihingal pa ako dahil sa pagmamadali ko.

"Ang tagal mo, heto ang pera at ang listahan ng mga bibilhin mo. Take my car, sasabay ako sa Papa mo. Take care Gab" she said before kissing me on the  forehead.

Jin And Gab (A Complicated Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon