Chapter Eight: The Hardest Thing in Letting Go
"Bakit ang hilig mo sa libro?" I shifted my gaze from my books to the boy beside me. Hindi parin mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.
Nagkibi't-balikat ako sa kaniya.
"I prefer books than phone. I prefer turning pages than scrolling through the screen, I prefer paper than screen. I can also go to different places and feel new feelings with just reading a book. That is why I love books." Ngumiti ako sa kaniya at napatango-tango naman siya. Naglalakad kami ngayon papunta sa exit ng mall."Pwede ka namang magbasa sa cellphone. Paano kung mapunit ang page edi wala na." Sabi niya.
Pagod ko siyang tiningnan.
"You can always glue them back together, paano yang cellphone mo, kung ma cut into two, can you glue them back together?" Suplada kong tanong sabay taas ng kilay sa kaniya. He chuckled.
"Huwag kang hot, hindi bagay sayo" tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ewan ko sayo"he chuckled. Umuna na ako sa paglalakad pero humabol siya sa akin.
"Hey wait" hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako at napatingin doon. Napunta din ang tingin niya doon at unti unting binitawan.
"Ooops, sorry"he chuckled. Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Bakit ang saya saya mo ngayon?" Tanong ko.
He smiled a bit wider. Seriously?. Anong meron sa lalakeng ito, alam ko na minsan may pagkabaliw siya pero ngayon ko lang natanto na malala na nga pala talaga.
Nagkibi't-balikat siya.
"Hindi ba pwedeng maging masaya?"
"Hindi ko sinabing hindi pwede, you are just........over.....happy?" He chuckled.
"Hmmm, I was just happy because I get to buy you a book "he stepped closer, yung tipong parang mahihirapan ang hangin na dumaan sa pagitan namin. Hinawakan niya ang plastic kung nasaan ang libro na binili niya para sa akin at inangat iyon. Parang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko nang naglapat ang aming mga daliri
I stared at him. And I can't help but adore him. And I can't explain why a simple pair of glasses made him hotter than ever.
Nag-iwas ako ng tingin nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Baka akalain niyang nagpapantasya ako sa kaniya.
A sweet smile was plastered on his face. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Yeah, matagal na rin simula nung may bumili para sa akin ng libro" kumunot ang noo niya.
"Sino naman ang bumibili sayo ng libro noon?"ang tanong niya typical na tinatanong ng mga tao sa tuwing naririnig ang sinabi ko pero ang tono niya, parang may malisya o.....galit.
I stopped when we are already infornt of my car.
Hinarap ko siya at hindi mawala-wala ang smirk sa mukha ko. Is he jealous?
"It's my lolo"my voice was more of like reassuring him. Pero kahit na gusto kong maging mapaglaro at pilya ay hindi maiwasan ang kalungkutan sa aking nararamdaman.
"Oh" parang umaliwalas ang kaniyang mukha. He smiled. Usually, nahahawa ako sa mga ngiti niya, simpleng ngiti niya napapangiti rin ako pero ngayon parang hindi ko kayang mahawa.
With just the mere notion of Lolo, nababalik lahat ng alaala niya. Yung mga araw na magkasama pa kami, yung mga araw na nakikita ko pa ang mga ngiti niya at nabibilhan pa niya ako ng mga libro.
Nang mapansin niya na parang hindi ako nakangiti ay unti-unti ring nawala ang kaniyang ngiti. He took a step forward and held my shoulder.
Nakatungo ako at ramdam na ramdam ko na ang mga luha na handa nang pumatak. Matagal na rin simula nung umiyak ako, sa mga gabi na lagi akong umiiyak sa kwarto dahil sa mga pressures at sa mga bagay na hindi ko na kaya, ay parang nasanay narin ako at naubusan na ng luha.
BINABASA MO ANG
Jin And Gab (A Complicated Love Story)
Romansa" He was afraid to lose me. But I lost him " Love is the most powerful thing in the world. Love can be the reason for everything. And sometimes, love can be your downfall. In a universe where two worlds met, love happened that confused their feeling...