Chapter Eleven: Just A Show

13 2 0
                                    

Chapter Eleven: Just A Show

" I'll take care of her tita" nakangiting sabi ni JC kay Mama. Si Mama naman ay iba ang titig kay JC, parang naninimbang habang mas naniningkit ang kaniyang mga singkit na mata.

"Hmm, sigurado ka bang hindi mo nililigawan ang anak ko?" Malisyosang tanong ni Mama na may halong strikto sa tono.

"Ma!" Saway ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin, pagkatapos ay ibinalik iyon kay JC na prenteng nakatayo lang at sinasagot ang mga walang kwentang tanong ni Mama.

"Hindi po tita" napahinga naman ako nang maluwag sa sagot ni JC. Paano ba naman kasi itong si Mama, napakaseryoso kung makatingin.

"Kayo na kung ganun?" Nanlaki naman ang mga mata ko. Fudge!, Ni hindi nga sumagi sa isip ko na sagutin itong si JC, bukod sa flirt, ay playboy din siya. Eww.

"Mama naman, wala nga!, Tara na nga Jace" hinawakan ko kaagad siya sa braso at  kinalakadkad palayo kay mama para makapunta na sa sasakyan niya.

Dapat talaga hindi na ako pumayag na sunduin niya ako. Paano, eh, pagdating palang niya nakataas na  kilay ni mama na ang sumalubong sa kaniya, nagpaalam lang naman siya pero umabot sa usapang ligawan ang topic. Haysst. Mama talaga.

Dumako naman ang tingin ni Mama sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya napabitaw ako at tiningnan nalang ng masama si JC bago sinabihan siyang umalis na kami.

Nagpaalam ako kay mama na hanggang ngayon ay nakahalukip parin ang mga braso at nakatingin sa amin ng seryoso.

Nilakad namin ang driveway hanggang sa makarating kami sa gate. Nauna akong lumabas bago si JC. Nilingun ko naman si mama na hanggang ngayon ay nakatingin sa amin. Nang tiningnan ko siya ay nag-iwas siya ng tingin at naglaro ang isang ngiting may malisya.

Nang sumakay kami ni JC sa kaniyang sasakyan ay hindi nagtagal, umalis narin kami.

Umihip ang malakas na hangin at pinaypay nito ang aking buhok kaya hinuli ko ito at tinali.

Nakabukas kasi ang bintana ng sasakyan ni JC, dahil narin sa pakiusap ko na huwag nang i-on ang air-con lalo na't nakita ko kung ano ang air freshener niya.

"Strict parin si Tita no?" Biglaang tanong niya nang lumipas ang dalawampung minuto na katahimikan sa loob ng sasakyan.

Napahinga ako nang malalim.

"Yeah, I don't know why , malaki na naman ako. It is not like I'll flirt with you. You are just an old classmate and a friend. Kung boyfriend kita ay ipapakilala naman kaagad kita sa kanila. Malisyosa lang talaga si mama." Sabi ko habang iniisip ang reaksiyon niya kanina.

"Talaga lang Gab ha, old classmate and friend lang talaga ako?" Tiningnan ko naman siya.

Ang mga kamay niya ay nasa manobela pero ang kaniyang mga mata ay nasa akin at parang nagkukunwaring dismayado pa. Tse!.

"JC!!, Ibalik mo ang tingin sa daan" hindi masyadong maraming sasakyan pero nangangamba parin ako na baka maaksidente kami.

Tumawa naman siya at ibinalik ang tingin sa daan. Ako naman ay hawak hawak ang dibdib dahil sa kaba habang hinahabol ang aking hininga.

Bwesit na JC!

Naalala ko bigla ang tanong niya.
Alam kong biro niya lang iyon dahil alam naman niyang wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

JC was my classmate since highschool. Unang pagkikita namin ay nung tinarayan ko ang girlfriend niya dahil masyadong mataray rin, dumating naman siya para i-defend ang mataray. At dun, nagsimula kami sa away.

Jin And Gab (A Complicated Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon