Chapter Five: Message Request

13 2 0
                                    

Chapter Five: Message Request

" I'm actually planning to go to Amsterdam, 3 weeks before ako magwo-work. 1 week lang siguro dun, wanna come?" Tanong ko kay Sue. Kausap ko siya sa telepono habang nagsusulat ng mga 'To Do' list ko before magtrabaho.

"Edi ikaw na ang mayaman, wala ka pang trabaho pupunta ka nang Amsterdam, don't tell me magiging tulisan ka sa mga Kuya mo" sabi niya. Napatawa naman ako.

"Just enjoying my free time Sue, baka ma busy na ako sa trabaho so.....ayun" sabi ko.

"Whatever" napatawa nalang ako.

"Well, wanna come?" Tanong ko ulit.

" No thanks, dito nalang ako......I wanna come but you know how I hate airplanes" tumawa ulit ako.

"Are you sure?, Can't you just train yourself para naman masanay ka sa airplanes?, It is not that bad actually" pangungumbinsi ko sa kaniya.

"Ayaw ko talaga" sagot niya.

"Edi okay"

"Wait!, May bagong post si Mary sa Instagram, I'm sure masha-shock ka, go!, Check it now!" Kumunot naman ang noo ko. Ano naman yun?. I am not really a fan of socoal media at hindi talaga ako active pagdating dito. Kaya hindi na ako magugulat kung maraming Direct Message, notifications o ano pa na lalabas kapag binuksan ko ang instagram ko.

"Okay" I ended the call at dahil curious ako sa sinabi ni Sue ay binuksan ko ang Instagram. I know Mary, katulad ko hindi din siya active at fan ng social media unlike Sue, once in a blue moon lang yata yun nakakapag-open ng cellphone at kapag nag-post naman ito ay yung mga importante lang talaga kaya naman binuksan ko kaagad ang Instagram.

Nang buksan ko ang Instagram ay nakita ko kaagad ang mga number ng notifications na nasa upper part ng Heart Icon. Ni-tap ko ito at nag-scroll through. Maraming mga likes and comments pero iisa lang ang hinahanap ko. Mary's post.

HernandezMary shared a post for the first time in a while.

Agad ko itong ni-tap at nakita ang kaniyang post. Halos matutop ko ang bibig ko nang makita ang picture niya kasama ang boyfriend na si Fred. Nasa likod ni Mary si Fred at nakayakap ito sa baywang niya. Nakahawak naman sa mga brasong nakayakap sa baywang niya ang kaniyang kamay na may isang singsing sa Ring finger niya.

Hindi fan ng alahas si Mary at halos hindi ito nang-aarte, wala itong necklace, bracelet o kahit singsing, tanging earings lang ang meron ito. Hindi ito naglalagay ng kolorete sa mukha, hindi ito stylish. Conservative siya. She never wear shorts nor short shirts and skirts. Kaya siguro na-inlove sa kaniya si Fred dahil sa pagka-simple niya. She is simple yet still beautiful.

Si Sue ang naiiba sa amin, kikay siya pero boyish. She may be boyish but she wear crop tops and shorts, but black in color, wears black make up and lipstick. Astig ang attitude niya, she fell inlove once pero nasaktan siya, kaya siguro ganiyan ang attitude niya ngayon, she was sweet before pero may kaunting pagkaboyish but not like what she is now.

Ako naman ay hindi nalalayo kay Sue at kay Mary. Like I am the combination of the two. I am conservative when it comes to looks but a little suplada when it comes to attitude. I hate wearing short clothes, make ups and jewelries. Tanging earings at wrist watch lang ang sinusuot ko rather than jewelries. I am maldita sometimes but I can also be sweet. Depende lang.

Naluluha ako habang binabasa ang caption ni Mary.

I never thought a simple girl like me would be married eventually, a simple girl who would have everything now. You are my everything Fred. I love you. I would never regret saying yes to you that offers forever.

Jin And Gab (A Complicated Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon