Chapter Thirteen: In Two Weeks
You know that feeling when you are between sleep and awake? Na parang panaginip pa ang lahat kahit na gising ka na.
Iminulat ko ang mga mata ko at agad itong isinara ulit dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko. Napakabigat ng pakiramdam ko, parang pagod na bumangon na ewan. Hindi naman ako nagtagal sa mall kahapon pero bakit napakapagod ng katawan ko?
Nnag lumipas ang ilang segunding pagpikit ko ay unti-unti kong iminulat ang mga mata at nag adjust sa sinag ng araw.
At first, everything is blurry pero nang mag adjust na ang paningin ko ay naaninag ko ang sliding door na hindi anatatakpan ng kurtina kung saan pumapasok ang sinag ng araw at ang study table ko sa katabi lamang nito na puno ng mga libro at nagkalat na mga nilukot na papel.
Napapikit ako ulit at huminga ng malalim bago binuhat ang sarili para makaupo sa kama. Pagod akong tumingin sa dingding na nasa tapat ko na puno ng mga calligraphy at mga pictures ko.
Napahawak ako sa batok ko at napangiwi nang sumakit ito. Damn it!
Napahikab ako at kahit ayaw ko pang umalis sa kama ay tumayo na ako at dahan dahang nagtungo sa salamin ko na nasa walk in closet ko.
Tiningnan ko ang sarili ko. Magulo ang buhok, may muta, gusot na night dress at may kaunting laway pa malapit sa labi ko.
Labi.
Naalala ko tuloy ang halik ni Jin sa akin. It almost felt like he is kissing me again right now, para bang hindi pa nawawala ang feeling ng halik niya sa akin kahit dalawang araw na ang lumipas magmula nung pangyayaring iyon.
Naalala ko pa kung paano ako umalis sa C.R. matapos tawagan si JC na umuwi na. He was walking back to the cottage when he saw me walking very fast just to reach the parking lot, at first, I thought he was gonna go to me and say sorry or whatever, pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa mawala sa paningin ko.
It dissapointed me a bit, akala ko tatakbo siya sa akin to say something or whatever pero hindi. Pero wala naman dapat akong ika dissapoint di'ba? Dapat ay galit ako sa kaniya dahil hinalikan niya ako.
Kaya bago pa pumunta sa kung saan ang iniisip ko ay umalis na ako sa closet at nagpunta na sa Bathroom para maligo.
Sa paglalakad ko ay pakiramdam ko nasa hangin lang ako dahil lutang pa ang pag-iisip ko at parang hindi marehistro ang lahat ng nangyayari kahit na simpleng pagtapak ko sa tiles ng kwarto ay hindi rumerehistro sa utak ko.
Narating ko ang shower at agad na in-on ito. Napapitlag pa ako dahil sa lamig ng tubig at napapadyak ang mga paa ko na parang lizard na pinutulan ng tail.
Nang masanay na ako sa lamig ay naglagay na ako ng shampoo at kung ano ano pa. Ginagawa ang ritual ko sa shower.
Nagising na rin ang diwa ko dahil sa tubig mula sa shower na pumapatak sa akin. Pero kahit ganun ay lumilipad pa rin ang isip ko sa mga nangyari kahapon.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi siya maialis sa isip ko. At ang mas nakakainis ay parang kinikilig pa ako sa ginawang paghalik niya sa akin kahit na dapat ay nagagalit ako.
Matapos kong mag shower ay busangot ang mukha kong nagtungo sa walk in closet para kumuha ng isusuot. Wala akong planong umalis kaya pajamas at sando lang ang kinuha ko para suotin.
Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin habang nagsusuklay. Busangot at parang nakatitig sa kawalan. Bakit ba ang laki ng epekto niya sa akin?
Hindi naman ako ganito sa mga boyfriends at crushes ko noon. Gwapo siya, playboy, tisoy, maganda ang katawan, wala siyang pinagka-iba sa mga naging boyfriend at crush ko noon pero bakit iba ang epekto niya sa akin?
Dahil sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko namalayang binabaybay ko na pala ang daan papunta sa staircase namin. Bumaba ako dala dala ang cellphone habang sinusuklay ang buhok at walang emosyon sa mga mata.
Damn this!
Nang nasa sala na ako ay agad kong napansin ang tahimik at maaliwalas na paligid. Walang ingay mula sa mga yaya, walang ingay mula kina mommy, walang ingay mula sa kahit kanino. Ang tanging maririnig ko lang ay ang makapal na plastic na nasa likuran ng naka-on na electric fan.
Napailing ako at nagtungo sa electric fan para kunin ang plastic.
Nasa kaya sila? Bakit parang walang tao dito?
Nang makuha ko na ang plastic ay nilagay ko kaagad ito sa basurahan at nagtungo sa kusina, nagbabakasakaling makakita ng tao doon.
Empty. Walang tao rito. Tahimik ang kusina.
Nagpunta ako sa Dining Area epro wala parin. Natutulog pa kaya sila? Imposible, bukas na ang mga bintana at naka off na ang mga ilaw sa labas ng bahay kaya gising na sila.
Nang mapagod ako ay bumalik ulit ako sa kusina para sana kumuha ng kakainin nang biglang makarinig ako ng tawanan.
Kumunot ang noo ko at lumapit sa isang pintuan sa kusina na magl-lead sa atin sa likurang bahagi ng bahay kung nasaan ang swimming pool at ang magandang tanawin sa labas.
Mahina ang tawanan kaya alam kong malayo sila.
Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita ko kaagad sina Mommy kasama sina Kuya at abg mga kasambahay na nakaharap sa laptop na nakapatong sa lamesa. Bakas sa kanilang mga mukha ang saya habang tinatanaw ang kung ano mang meron sa laptop.
"Excited na kami sa pagbabalik niyo maam"
"Huwag kayong mag-alala at lilinisan ko ng mabuti ang buong bahay"
"Huwag kang sipsip Mary, aminin mong ako talaga abg laging naglilinis ng bahay kasi lagi kang nakikipag-chat dun sa ka char char mo" nagtawanan ulit sila, pati si mama ay natawa. Nags-skype sila?
Sino kaya yun?
"Tama na mga yaya" natatawang pigil ni mama sa mga yaya namin bago siya humarap ulit sa laptop.
"So in 2 weeks makikita ka na namin. Jeaneng" nakangiting wika ni mama.
Parang may sinabi pa ang kanilang kausap dahil bahagya silabg natahimik at di kalaunan ay nagsigawan na parang nanalo sa lotto.
"Magmadali ka maam Jean ah...."
Wait!, Si Tita Jean?, Uuwi?. Nagkaayos na pala sila ni mama?
" Saktong sakto ang iyong pag-uwi Jean dahil reunion natin iyan" si Papa.
Uuwi talag si Tita?, Kung ganun, nagka-ayos na sila ni mama. Mabuti naman.
Na excite ako, matagal na panahon na rin simula nung hindi ko nakita si Tita at ngayon ay uuwi siya, for sure dadalhin niya ang mga pinsan kong hindi ko pa talaga nakikita.
Uuwi si tita. Dapat ay puro saya lang ang mararamdaman ko. Pero bakit pilit iyong bumabagabag sa isip ko?
Lalabas na sana ako ng pintuan para dumalo sa kanila nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kaagad ito.
May tumatawag.
***
BINABASA MO ANG
Jin And Gab (A Complicated Love Story)
Romance" He was afraid to lose me. But I lost him " Love is the most powerful thing in the world. Love can be the reason for everything. And sometimes, love can be your downfall. In a universe where two worlds met, love happened that confused their feeling...