Chapter Six: No Us

11 1 0
                                    

Chapter Six: No Us

" Alam mo ba na mamamatay daw si Tony Stark dito pati si Black Widow upat tatanda si Captain America?" Sinamaan ko ng tingin ang katabi ko. Nilunok ko muna ang pop corn na kinain ko bago siya sinagot.

"Pwede bang tigilan mo na ang pangii-spoil sa akin. Nakakawala ka ng gana" inis na sabi ko sa kaniya. Tumawa naman siya.

" Sino yung nagbayad ng ticket Gab?" May pagkaseryosong tanong niya pero alam kong nagpaparinig lang siya. Binigyan ko ulit siya ng masamang tingin.

"Eh kung isaksak ko to sa lalamunan mo para tumahimik ka diyan" pinakita ko sa kaniya nag isang box ng pop corn.

Tumawa siya.

" Chill Gab, maaga kang tatanda diyan" natatawang tukso niya.

"Eh ikaw ba naman ang iispoil tungkol sa mangyayari sa favorite movie mo, hindi mo kaya mapatay ang taong nang-spoil?, Walang ka thrill thrill kapag sinabi mo na kaagad ang masakit na part "  Tinaasan ko siya ng kilay. Tumigil naman siya sa pagtawa at tumingin sa akin nang seryoso.

"Huwag kang hot agad, baka pasalamatan mo pa nga ang taong yun" nakangiting sabi niya sabay kindat. Umirap naman ako.

"At bakit?" Supladang tanong ko. Naging seryoso ang mukha niya at inilapit ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko at iniatras ang ulo ko.

"They gave you knowledge about the pain coming, and now you know about it, you'll anticipate for the pain so that when the pain comes, you'll never get hurt" seryosong sabi niya. Ilang segundo pa kaming nagtitigan hanggang sa isang ngisi ang sumilay sa mga labi niya at agad siyang nag-iwas ng tingin at lumayo.

Nakakunot pa rin ang noo ko at hindi pa iniiwas ang tingin sa kaniya dahil parang may iba siyang pinaparating sa sinasabi niya.

And true enough, hindi ako masyadong nasaktan nung namatay si Iron Man at tumanda si Captain America dahil pinaalam na sa akin ni Jin.

I anticipated for the pain at dahil alam ko nang masakit ay parang nabawasan ang sakit na naramdaman ko nang dumating  ito.

Hindi ko alam pero sa tuwing tinititigan ko siya ay iba ang pakiramdam ko. I feel safe with a stranger I barely know.

A stranger that confuses me.

At tanging stranger na sinamahan ko kahit na walang kasiguraduhan na uuwi akong buo.

"Ba't ang tahimik mo, na realize mo na ba na gwapo ako?" Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagkahangin ng kasalo ko.

"Hindi, na realize ko lang na may alaga ka sa tiyan, ang lakas mong kumain. Buti nalang naka unlimited rice tayo" sabi ko sa kaniya na ikinatawa lang niya.

Nandito kami ngayon sa Mang Inasal at kumakain. I love Mang Inasal at masaya akong nagustuhan niya rin dito.

"Akala ko na realize mo na malamig na ang sisig mo at hindi mo pa yan kinakain" nginuso naman niya ang plato ko na naglalaman ng sisig. Kanina ko pa hindi nakakain 'to.

"Hindi, na realize ko lang na makakain mo na ang buto ng manok mo" tinuro ko pa ang plato niyang naglalaman ng manok na malapit nang maging skeleton.

Tumawa naman siya. Hindi ko mapigilang mapangiti na rin dahil sa tawa niya.

Maraming tao sa loob, at heto kami nagbabangayan. Alam kong nakakakuha na kami ng atensyon pero wala lang yun sa akin.

Noon, takot akong makakuha ng atensyon, maldita man ako pero may natitira parin namang hiya sa akin. Minsan tahimik lang talaga ako kapag nasa lugar kami kung saan maraming tao. Takot lang talaga akong makakuha ng atensyon dahil takot akong pagchismisan na naman ako at makakarating kay Papa ang mga kagagahan na ginawa ko, another rap from Papa na naman.

Pero ngayon, hindi ko alam, parang okay lang na makakuha ako ng atensyon habang kasama ko siya. Parang okay lang ang lahat basta't kasama ko siya. I don't know but somehow, I feel safe with a stranger I barely know. A stranger who made me do things I never ever tried doing before, kagaya nito, I have never tried going to malls, watch a movie and eat with someone I barely know, siya lang.

"Akala ko na realize mo na mahal mo na ako" nakangiting sabi niya pero may pagkaseryoso ang tono. Natigilan ako dun, kakainin ko na sana yung pagkain nang sinabi niya yun.

Dahan dahan namang inangat ko ang tingin ko at nagtama ang aming mga mata. At sa pagkakataong iyon, parang pareho kami ng nararamdaman.

Like a person running away from its fear, my heart beated fast, but I know it's not running away, it's running towards the fear and I don't know why. When you fear something, you either face and overcome it or run away from it but I don't know about mine.

I am afraid of something I don't know.

My heart beats but with a fear. A fear I don't know.

"More rice, maam, sir?" Napapitlag ako nang marinig ang waiter na nagsalita. Napalingun ako sa kaniya.

Dala dala niya ang lagayan ng rice, may hawak siyang scooper sa right hand niya na may laman nang rice at siya ay naghihintay ng sagot namin.

Nakarinig ako ng isang tikhim kaya nabalik ang tingin ko kay Jin, umayos siya sa pagkakaupo at inayos ang glasses niya. Tumingin siya sa akin at nagpilit ng ngiti.

Lumingun ulit ako sa waiter at ngumiti.

"Huwag na kuya" sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango bago umalis.

Nakakabinging katahimikan ang namayani nang bumalik ako sa pagkain. Nakita ko pa ang uneasiness ni Jin dahil patuloy siya sa pag-ayos ng kaniyang pagkakaupo. Patuloy naman akong kumakain habang nararamdaman parin ang awkwardness.

Ano ba yung ginagawa ko?. Bakit ba ako naninitig kanina?

"Alam mo yung feeling na parang tayo pero ang totoo ay hindi?" Halos mapapitlag na ako nang marinig ang boses niya. Tumingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko.

"Bakit mo naman naitanong?" He rested his back and crossed his arms infront. Ako nalang ang kumakain dahil tapos na siya. Tumitig siya sa akin na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw ko.

"Let's see, we went out together, watched a movie and ate together. Gawain ng mag jowa pero alam nating walang tayo" sabi niya. Natigilan naman ako at kumunot ang noo.

"Wala naman talagang tayo, at isa pa hindi lahat ng lumalabas ay mag-jowa na, ang iba ay magkaibigan lang" sabi ko at kumain ulit.

"So we're friends?" Tumango ako.

"Sort of" sabi ko at kumain ulit.

"So itong ginagawa natin ay pawang pang magkaibigan lang, at hindi mag jowa?" Binigyan ko siya ng what kind of question is that?   look. Kumunot ang noo ko.

"Yep, cause there is no such thing as us" sabi ko. Napansin ko pang nawala ang ngiti niya pero kalaunan ay bumalik naman pero alam kong pilit. Ngumiti ako sa kaniya at kumain ulit.

Yes, there is no such thing as us


Dalawang puso na malayang makakaibig
Pero may isang pader na hindi alam kung isang balakid

Pwede naman kitang mahalin
Pwede mo rin akong mahalin

Magkasama na parang tayo
Pero alam nating may pero

Magkahawak kamay na parang tayo
Pero alam natin ang totoo

Nagtititigan hanggang sa dulo ng wala hanggan
Nagtatawan na parang walang bukas

Parang mahal kita
At mahal mo ako

Magkasama na parang tayo
Magkahawak kamay na parang tayo
Pero alam natin ang totoo
Walang tayo

Parang tayo pero ang totoo ay hindi
Ikaw na aking minimithi
Bawat tanong nila ang sagot ko ay hindi

Dahil alam natin ang totoo
Walang tayo

(Walang Tayo)

Jin And Gab (A Complicated Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon