The Taste of SIN

316 2 0
                                    

T E A S E R

KUNG lumaki ka sa hirap, isang kahig isang tuka, nagtatrabaho ngunit di pa rin sapat ang kinikita mo.. Paano kung may mag-alok sa'yo nang kasal na isang milyonaryo.. 

Yun nga lang may-edad na eto, halos doble na nang edad mo. Tatanggapin mo ba ang alok nya na makasal kayo para lang makaahon sa hirap?

Isa si SAMANTHA ALEJO sa libo-libong babae na nangangarap umahon at makaahon sa kahirapan. Kalukuhan mang iisipin pero isa din sya sa mga kababaihang ang tingin ay makakaahon sya sa kahirapan kapag nakapangasawa sya nang foriegner. Kung titingnan mo sya sa pisikal nyang anyo, it was perfect lady.. 

Maganda, sexy, matangkad na pang modelo ang dating. Eto ang kanyang puhunan sa kanyang pangarap ang sarili nyang ganda, eto din ang kanyang puhunan sa kanyang trabaho.

"Napakaganda mo, hindi ka nababagay sa trabahong eto, kaya kitang ialis sa trabaho mo at sa maliit na kinikita mo, at kaya ko ring ibigay ang mga luhong hindi mo pa natitikman.." pakikipag-usap ni DON PHILLIP kay SAMANTHA.. 

"Talaga ho? Pero anu naman ang kapalit?" deretsahang tanong nang dalaga.. 

"Kailangan ko nang katuwang sa buhay, makakasama at makakausap sa oras nang aking kalungkutan.." tila pananaghoy ni Don Phillip..

Isa si Don Phillip sa pinakamayamang tao sa bansa, isa sya sa may ari nang pinaka malaking Shipping Company, bukod pa eto sa kanyang mga investment outside the country. Byudo. Mabait. 

Mayaman. Mga katangiang nasa kanya na hinahanap ni SAMANTHA sa isang lalaki, maliban sa edad nito. Tatanggapin nya kaya ang alok nang matanda kapalit nang pag-ahon nya sa kahirapan? 

O mas pipiliin pa rin nyang maghanap nang isang kaedad nya na isa ring mayaman? Handa kaya syang maghintay na ang kapalaran ang gumawa nang tadhana sa kanya? O mas gugustuhin nyang sya ang gagawa nang kanyang kapalaran?

Isang kwentong kung pagbabasahin natin ay nangyayari kadalasan sa ating lipunan sa ngayon. Halina't Alamin ang kaugnayan nang pamagat sa kinapapaloob nang kwento "THE TASTE OF SIN".. 

Sana'y inyong magustuhan ang isa nanamang kwentong aking handog para sainyo.. 

KINABUKASAN balik sa normal ang buhay ni Samantha, pumasok sya sa studio. Mabigat ang kanyang pakiramdam tila ba nagsasawa na sya sa kanyang buhay, na araw-araw palagi nalang ganun ang takbo.. Papasok palang sya sa silid kung saan sila nagtitipon na mga mananayaw, mas lalong uminit ang kanyang ulo dahil lahat nang mata sa kanya nanaman nakatingin.." At bakit ganyan ang mga tingin nyo? Daig nyo pa imbestigador kung makasipat ah..!" mataray nyang puna sa mgaa eto.

Di naman nakapagpigil ang isang dancer na irapan ang dalaga. Halos lahat nang mga eto galit at inis sa kanya dahil na rin sa ugali ni Samantha kaya naman halos wala din syang kaibigang matalik kung meron man nakikisalamuha sa kanya mga kaibigang may dalawang mukha din. Alam din naman ni Samantha yon kaya halos di din nya pinagkakatiwalaan ang mga eto, dahil para sa kanya ang kanyang buhay lang ang nakikita nitu..

Bago pa magkainitan ang lahat, tinawag na sila para sa rehersal. Kaya naman nagsilabasan na din ang mga kasamahan ni Samantha, as usual sya ang huling lalabas gusto nya kase ang piling na V.I.P., she's always like this mas gusto nyang mas maraming naiinis at nagagalit sa kanya, feeling nya sikat na sya kapag pinag-uusapan sya. "Miss. Alejo kung mahal mo pa ang trabaho mo, matutu ka naman sanang makibagay, kabago-bago mo ganyan kanang umasta..!!" puna sa kanya nang nag-caurougraph sa kanila. Hindi naman sya sumagot..

Tuloy sa pagsayaw at pag-insayo lang si Samantha. Wala syang pakialam kung pinag-uusapan na sya nang mga kasama nya ang mahalaga sa kanya ginagawa nya ang kanyang trabaho.. Ilang minuto nalang at mag-uumpisa nang e-ere ang programa kaya naman kanya-kanyang bihis na ng kanilang mga damit. ang iba naman ay naglalagay nang kanilang make-up. Sya may sariling mundo sya, ayaw nyang makisabay sa mga eto kadalasan, paano naman kase ang iba sinasamantala naman ang kanyang make-up, mahal pa naman ang bili nya sa mga eto..

The Taste of SINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon