the sadess part of good bye..

139 2 0
                                    

FINALE

ISANG kaibigan ang nakausap ni Raffy sa NAIA at napag-alaman nyang lumipad nga si Samantha patungong Palawan same day nang huli silang magkita nitu. Ipinaalam din nya sa kanyang Ninong ang lahat nang nalaman nya, ngunit nauna na syang magtungo nang Palawan para alamin ang lagay ni Samantha. 

ARENA ISLAND PRIVATE RESORT in PALAWAN 

Walang kasiguraduhan ang lugar na pinuntahan ni Raffy kung talagang nandoon nga si Samantha sa lugar na iyon. Marami ding Villa sa lugar at alam ni Raffy na malaking halaga ang kailangan just to own this place.. Ang management na agad ang kanyang pinuntahan para alamin kung nandoon si Samantha sa lugar na iyon.. 

"Yes meron kaming new owner nang Villa dito her name was Samantha.. But I'm not sure na she's the one who you looking for.." tugon naman nang Management.. 

"Pwede ko bang malaman kung aling Villa ang pag-aari nya?" Si Raffy. 

Di naman nagdalawang isip ang management na sabihin iyon sa binata kompleto naman kase ang identity na binigay ni Raffy kaya alam nilang hindi eto gagawa nang masama.. Nang maibigay kay Raffy ang Villa na tinutuluyan ni Samantha wala syang sinayang na pagkakataon.. Agad nyang pinuntahan iyon.. 

Nang marating nya ang tapat nang Villa at nasa harapan na sya nang pintuan, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Raffy saka sya nag door bell doon.. Naka ilang pindot na sya nang doorbell ngunit wala pa ring nagbubukas. Kaya muli nyang inulit ang pagpindot sa maliit na button nang pintuan.. Naghintay sya sandali nang sa wakas narinig nyang tumunog na rin ang door knob noon. Inayos nya ang kanyang sarili na tila pinaghahandaan ang taong makakaharap sa oras na magbukas ang pinto. Nang magbukas ang pintuan kasabay nyon ang mahinang boses nang babae 

"Sinong---" Di na natuloy ni Samantha ang plano nyang magtanong, nagulat sya sa nakita sa labas nang pintuan nang mapagsino iyon. Kung nagulat si Samantha halos madurog naman ang puso ni Raffy sa nakitang kalagayan nang babae, namumutla na eto at nakita nyang may mangilan-ngilan pang pasa sa braso, nakita nyang nakabalot na rin ang ulo nito nang tela na tila ba ikinukubli nitu ang kanyang magandang buhok doon. Nawala na ang kilala nyang Samantha sa katauhan nitu ang Samanthang palaban, ang Samanthang palaging conscious sa kanyang ayos na gusto palaging maganda ang mukha sa nakakita sa kanya, ang Samanthang palaging nakataas ang kilay sa katarayan. Lahat nang iyon nawala at isang tila nanghihinang babae nalang ang nasa harapan nya at kapag iyong nakita agad na kakaawaan mo. Ilang Linggo palang eto mula nang umalis ngunit doble ang pinayat ni Samantha. Pareho silang nakatitig sa bawat isa, ngunit si Samantha ang agad na umiwas isinara nya ang pintuan nang Villa, ngunit mabilis na hinarang ni Raffy iyon.. Dahil sa mahina na ang katawan ni Samantha, si Raffy ang nagwagi na makapasok sa Villa.. 

"Ano bang ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako?" mahinang tanong ni Samantha na napakapit pa sa wall nang Villa, agad naman syang inalalayan ni Raffy. 

"Hindi na mahalaga kung bakit ko nalamang nandito ka, nandito ako para tulungan ka.." tugon ni Raffy. Ngumiti naman nang nang-uuyam si Samantha.. 

"Wala ka nang magagawa Raff. Umalis ka nalang please, ayokong makita mo ako na ganito ang itsura ko, ayokong kaawan ninuman, please umalis ka nalang.." pakiusap naman ni Samantha sa binata.. Agad na naupo si Samantha sa wheelchair na nandoon mapit sa pintuan.. 

Pinagmasdan ni Raffy ang kabuan nang Bahay, nakita nyang makalat at madumi. Napagtanto nyang mag-isa nga lang talaga si Samantha na naninirahan doon sa kabila nang kalagayan nitu.. 

"Sam makinig ka, kailangan kitang iluwas nang Manila nang sa ganoon masuri ka, nakausap ko ang doktor mo at kahit sya di nawawalan nang pag-asa pwede tayong pumunta nang America, maraming magagaling na doktor doon, magpapagamot tayo doon.." pangungumbinsi ni Raffy na punong-puno nang pakiusap ang mukha nitu.. 

"Salamat Raffy. Pero di na kailangan, hindi ko na rin naman kaya. Hayaan mo nalang ako dito, please ayokong kaawaan nyo ako.." pagsusumamo ni Samantha.. Dahan-dahang napaupo si Raffy sa harapan nang babae at pinakatitigan nya eto, tama si Samantha sino man ang makakakita dito tyak na maawa sa kalagayan nya, agad na binago ni Raffy ang kanyang mood pilit syang ngumiti sa harapan nitu, ang mapuputlang labi ni Samantha kanyang hinawakan, di nya maiwasang hindi dampian nang halik iyon. Nang lumapat ang mga labi ni Raffy sa labi ni Samantha, napapikit eto at taos pusong tinanggap ang halik nang binata. 

"Hayaan mong ako ang mag-alaga sayo ngayon, hayaan mo sanang nasa tabi mo ako ngayon Samantha. Pakiusap.." wika naman ni Raffy Kay Sam.. Hinawakan ni Samantha ang mukha ni Raffy, ngumiti eto at napaluha, sabay tumango sa binata. 

¤¤¤¤ 

Sa pagtigil ni Raffy sa Villa nakita nya ang katotohanan tungkol sa kalagayan ni Samantha, inalagaan nya eto at palagi inaalalayan.. Sinabi nya sa kanyang Ninong ang kalagayan ni Samantha, ngunit di naman eto nagtungo doon.. 

"Pagod ka na ba? Gusto mo bumalik nalang tayo sa Villa?" akay ni Raffy si Samantha, twing hapon naglalakad eto at nagtutungo sa tabing dagat.. 

"Hindi.. Hindi ako pagod, gusto kung magpunta doon malapit sa dagat, malamig at presko ang hangin.. Masarap din matulog doon.." mahinang wika ni Samantha.. 

"Buhatin nalang kita ha, para hindi kana mahirapan.." si Raffy.. Ganun nga ang ginawa nang binata buhat nya si Samantha hanggang sa makarating sila sa tabing dagat, naupo sila doon at magkasabay na pinagmamasdan ang paglubog nang haring araw.. 

"Ang ganda nang araw, kulay kahel Sam.." wika ni Raffy habang hawak ang kamay ni Sam.. 

"Oo nga Raffy.. Napaka ganda, kapag nakatulog ako mamaya bubuhatin mo uli ako ha.." wika ni Samantha habang nakatingin sa mukha ni Raffy.. 

"Sam mahal na mahal kita.. At kung pwede ko lang dugtungan ang buhay mo ginawa ko na.." madamdaming wika ni Raffy.. 

"Masaya na ako na nandito ka, kasama kita hanggang sa huli nang aking hininga Raffy. Sori kung hindi kita maalagaan na kagaya nang pag-aalaga mo sa akin ngayon, pero sana palagi mong maramdaman na mahal na mahal din kita.." di mapigil ni Raffy ang luhang kanina pa nya pinipigil ayaw nya nang ganitung eksena, mabilis syang madala sa emosyong bumabalot sa kanya ngayon.. 

"Alam mo Sam sabi nang doktor may chance pa naman eh, kaya bukas pupunta tayo doon luluwas na tayo para matingnan ka ha, palagi ko kase kausap ang doktor mo.." pagbibigay lakas ni Raffy kay Sam.. 

"Talaga? Tapos sasabihin nang doktor sa huli may pag-asa pang humaba ang buhay ko at magkakaroon pa ako nang anak, makakasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay--" di na natapos pa ni Sam ang sasabihin, inatake nanamn sya nang kanyang kapos na paghinga.. Walang magawa si Raffy kapag nakikita nyang nahihirapan ang babae tangging yakap lang ang naibibigay nya dito upang maramdaman ni Sam na hindi eto nag-iisa.. 

"Sana palagi mo ring maramdaman ang pagmamahal ko Raffy, kahit wala na ako at kahit saan man ako mapunta sana nararamdaman mo pa rin yon.." mahinang wika ni Samantha, habang nakayap si Raffy sa kanya.. Di makapagsalita ang binata dahil ayaw naman nyang marinig ni Samantha na pinanghihinaan din sya nang mga oras na iyon. Kapwa hilam ang kanilang mga mata nang mga oras na iyon, agad na pinahid ni Raffy ang luhang pumatak sa kanyang mata, naramdaman nyang tila nanlambot ang pagkakayakap sa kanya ni Samantha.. Bumitaw ang ang mga kamay nito sa pagkakadantay sa kanyang leeg.. 

"Sam.. Sam.." mahinang tawag ni Raffy dito, ngunit hindi eto sumagot agad na pinulsuhan ni Raffy ang babae, may pulso pa eto. Nakatulog na nga si Sam sa kanyang bisig.. Malamig na ang paligid kaya binuhat na nya si Samantha papasok nang Villa, tatlong araw na din nyang ginawa ang ganito kay Samantha buhat nang dumating sya doon, at pakiramdam nya mas gumaan ang babae ngayong araw. Kung si Raffy lang ang masusunod ayaw na ayaw nyang makita ang mukha nitu doble ang sakit na kanyang nararamdaman kapag nakikita nya si Samantha'ng nahihirapan.. Marahan nyang inilapag sa kama si Samantha nang makapasok na sila sa loob nang Villa.. Nilagyan nya nang kumot ang katawan nitu at inayos ang talukbong nang babae, halos wala na rin buhok ang tuktuk nang ulo ni Samantha, nalagas na ang mga iyon dahil sa sakit nitu.. 

"Raffy can you give me may make-up kit please.." wika ni Sam nang magising eto.. Ngumiti naman si Raffy Ganito si Samantha, palagi naglalagay nang make-up para maitago ang kanyang halos patay nang itsura.. Nang maiabot nang binata ang kit ni Samantha, naglagay nga eto nang kolorete sa kanyang mukha.. 

"Maganda na ba ako? " tanong ni Samantha.. 

"As always, wala namang pinagbago, maganda ka pa rin.." tugon ni Raffy.. At hinalikan nya ang labi ni Samantha, kahit nanghihina ay tumugon naman si Samantha sa halik ni Raffy.. 

"I love you Raffy.. Matutulog na ako ha, tingin ko mahaba yung itutulog ko ngayon.. Good night Raff.." saka ngumiti si Samantha sa lalaki at ipinkit ang dalawang mata.. 

"Good night.." tugon ni Raffy at hinayaan na nyang magpahinga si Samantha, nakaupo sya sa tabi nang kama at pinagmamasdan ang mukha nitu.. kung minsan na-wewerduhan si Raffy na ganito ang ginagawa ni Samantha, bago eto matulog tinitiyak nitong nakaayos sya, naka make-up, nakasuot nang magandang damit, nakakahiya daw kase baka di na sya magising at pangit ang itsura nya.. Kahit na nakapulang lipstick si Samantha, mala angel pa rin ang itsura nitu.. Raffy can't control his hand not to touch her face.. May butil nang luha na lumabas sa mata ni Samantha at pinahid nya iyon. Nang makita ni Raffy na maayos na ang tulog ni Samantha saglit syang lumabas nang kwarto para lamnan naman ang kumakalam nyang sikmura. Matapos kumain at maglinis nang katawan tiningnan nya lang muli si Samantha at nahiga na rin sa tabi nitu.. 

Kinabukasan kagaya nang nagdaang dalawang araw maaga nagigising si Raffy para ipaghanda nang agahan si Samantha. Nakita nyang masaya ang Aura ni Samantha nang umagang iyon, at di man lang nabura ang lipstick nitu na inilagay nang nagdaang gabi. Magluluto muna sya saka nya gigisingin ang babae para mag-agahan.. Congge with butter toast bread and coffe ang iginayak ni Raffy para kay Samantha nang umagang iyon, at syempre di mawawala ang everyday flower nitu sa harapan ni Samantha.. 

"Sam gising kana, nakaluto naku.." masiglang wika ni Raffy. Hinawi nya din ang kurtina sa kwarto ni Sam para masikatan eto nang araw.. Ngunit di man lang natinag si Sam kahit na natamaan na ang mukha nito nang sinag nang araw.. Kaya minabuti nalang ni Raffy na lapitan eto at hinawakan ang kamay para gisingin.. 

"Sam.. Sam.. Wake-up na.." malambing na wika Raffy. Ngunit walang responce si Sam, mahigpit ang hawak ni Raffy kay Samantha, ang ngiti sa kanyang labi, biglang napawi nang makapa nya ang braso ni Samantha, malamig iyon. Nataranta si Raffy, agad nyang pinulsuhan ang babae. 

"Sam? Sam? Please wake-up.." ilang beses pa nyang muli niyogyog ang balikat nang babae, ngunit wala na si Samantha. Wala nang pulso, nayakap ni Raffy ang katawan nang babae, kasabay niyon nag-uunahan ang luhang lumabas sa mata ni Raffy.. Ilang minutong nasa ganoong posisyon si Raffy hawak nya ang buong katawan ni Samantha at yakap.. Napakasakit nang nararamdaman ni Raffy nang mga oras na iyon. Muli nyang binalik sa pagkakahiga ang katawan ni Samantha.. At sa ilalim nang unan nang babae nakita nya ang isang Papel, tila isang sulat. Kinuha nya iyon at binasa.. 

"SALAMAT RAFFY NANG MARAMI, LABIS ANG SAYA KO NA NAKASAMA KITA SA HULING HININGA KO, KUNG AKO LANG ANG MASUSUNOD AYOKONG IWANAN KAYO, LALO KANA DAHIL SAYO NATUTO AKONG MAGMAHAL AT MAGPAHALAGA NANG TAONG NAGMAMAHAL DIN SA AKIN. PERO WAG KANG MAG-ALALA KAHIT SAAN MAN AKO MAGPUNTA, BAON KO PA RIN ANG PAGMAMAHAL MO. SALAMAT SA LAHAT AT MAHAL NA MAHAL KITA! ISA LANG ANG HILING KO, ITULOY MO ANG BUHAY AT MGA PLANO NATIN, DI MAN AKO ANG KASAMA MO MAGIGING MASAYA AKO NA MAY TAONG MAKAKASAMA KA SA IYONG PAG-IISA. NAKANGITI AKONG LILISAN SA MUNDONG ETO DAHIL SAYO NARAMDAMAN KONG HINDI AKO MAG-ISA.. YONG MGA BILIN KO SAYO HA. MAMIMIS KITA.. PAALAM.. SAM" 

Walang tigil sa pagpatak ang luha ni Raffy kalalaki nyang tao napaiyak sya nang ganito. Matapos na mabasa ang sulat agad nyang tinawag sa kanyang Ninong ang nangyari kay Samantha. Wala silang sinayang na oras at mismo nang araw na iyon inayos ang bangkay ni Samantha para dalhin sa Manila. 

¤¤¤¤ 

Isang mamahaling Imported Morbid Terminology Casket na galing pa nang US ang binili nang Don para sa asawa, nagpasya silang ihimlay nang dalawang araw ang katawan ni Samantha sa St. Benedict Church na malapit lang din sa kanilang tahanan. Pinaliwanag din nang Don ang dahilan nang paglayo ni Samantha sa kanila, sa dalawa nyang anak. Hindi makapaniwala ang magkapatid na Paul at Paula na wala na nga ang kanilang Madrasta. Lubos lang nila naunawaan ang lahat nang makita na nila ang malamig at naninigas nang katawan ni Samantha sa loob nang kabaong.. Kung sinamahan ni Raffy si Samantha sa hanggang sa huling araw na makikita ang katawan nitu, hindin nya lalo iniwan ang babae. Ang huking basbas sa labi ni Samantha ay mas naging emosyonal para kay Don Phillip. Wala na nga ang minsang nagpagising muli sa kanyang damdamin, silang apat na naging parte nang buhay ni Samantha noong nabubuhay pa ay sabay-sabay na nasa harapan nang katawan nang babae at bawat isa inalala at binabalikan ang masasayang ala-ala na nakasama nila si Samantha. 

Umiyak din si Paul nang maalam sya, pulang Rosas ang binigay nya sa Madrasta, sweet sa kanya ang madrasta naalala din nya kung paano sya nitu pagsungitan noong unang dating, ngunit sa huli nagkasundo din sila. Impit din naman ang luha ni Paula malinaw na sa kanya ang lahat ang paglayo noon nang Madrasta ay tanda nang pagpapaubaya sa kanya nang lalaking kanya ding minamahal. 

Habang kapwa binabalikan nang dalawang lalaki ang ala-ala nang huling nakasama at kung paano nila nakilala si Samantha, ang emosyong nasa kanilang kalooban ay may halong tuwa at kalungkutan, parehong nakatikim sina Don Phillip at Raffy nang hagupit nang katarayan at kasungitan ni Samantha, pero sa kabila nang mga katangian nang babae, kapwa nilang minahal eto dahil nakita nila ang kaunting kabutihang nasa puso nang yumaong si Samantha.. 

"It's hard to say goodbye Honey, but I was hoping na sa iyong paglalakbay, ang tangging baon mo ay ang pagmamahal ko, maiksi man ang pagsasama natin, ngunit ang mga iniwan mong ala-ala sa akin at sa amin, mananatili iyon. Ikaw pa rin ang orihinal na Taray Queen nang buhay ka. Hangad kung maging masaya ka. Paalam.." eto ang nasa isipan nang Don habang pinagmamasdan nya ang labi ni Samantha.. 

Matapos na magpaalam ang lahat sa huling araw ni Samantha. Di man maganda ang kulay pula sa patay eto ang kulay na paborito ni Samantha, kaya maging ang mga bulaklak ay pula at ang mga balloons na kanilang pinakawalan sa kawalan ay libo-libong kulay pula na lobo.. Ang huling kahilingan ni Samantha, ay pinaubaya na nang Don kay Raffy. Kaya matapos na ma creamate ang mga labi nitu. Lumipad patungong Palawan muli si Raffy, sa lugar kung saan binawian nang buhay ang babae, doon din nya isasaboy ang abo nitu. 

Hinintay nya na magdapit-hapon, kagaya nang bilin ni Samantha noon, gusto nyang sa dagat isasaboy ang kanyang mga abo. Mahigpit ang yakap ni Raffy sa open-vase kung saan nakalagay ang mga abo ni Samantha, nasa laot na sya nang mga oras na iyon, habang yakap nya ang vase kinakausap pa nya iyon.. Kasabay nang pagsaboy nang abo ni Samantha sa malawak na dagat, ang mga pulang rosas ay isinunod din nya ialay dito, at ang paboritong lipstick ni Samantha pinabaon din iyon ni Raffy, pinalipad din nya ang ang halos tatlong dosenang pulang lobo, kasabay nang pagkawala nang lobo sa himpapawid, paglubog nang mga rosas sa karagatan. Pinakawalan din ni Raffy ang alanganing ngiti sa kanyang mga labi.." Paalam mahal ko, hindi kita makakalimutan, at alam ko balang araw magkikita at magkakasama din tayo.. Sana pag dumating ang araw na iyon, ikaw pa rin ang sasalubong sa akin.." 

Malungkot man si Raffy, kahit paano may ngiti na rin sa labi nagawa nya ang bilin sa kanya ni Samantha at alam nya saan man eto ngayon nakangiti din eto habang tinatanaw sya.. Binalikan nya ang Villa kung saan naglagi si Samantha, isinara nya iyon at iniwan sa Management. Si Don Phillip na ang bahala sa property nyon.. Kailangan nyang makahabol sa flyt nya, wala syang dalang sasakyan umarkila lang sya at alam nyang hinihintay na rin sya nang driver na kinuha nya.. 

"Manong pasensya na po ha, kase medyo na delay ang dating ko.." hinging paumanhin ni Raffy.. 

Bubuksan na nya ang pintuan nang sasakyan nang biglang may lumapit sa kanya na dalawang lalaki, hindi nya alam kung anong itinarak sa kanyang tagiliran nang mga oras na iyon, mabilis na pinaharurot nang driver ang sasakyan, habang namimilipit sa sakit si Raffy. Bumagsak sya sa lupa nang hawakan nya ang kanyang tagiliran, nakita nya ang kanyang mga kamay na duguan, nakasuot nang bonet ang mga lalaki, apat ang mga eto kung di sya nagkakamali. Hindi pa nakontento ang isa at binalikan si Raffy dalawang beses na itinarak nitu ang hawak na patalim sa dib-dib nang binata. Nanlalabo na ang kanyang mga mata. 

"Kunin nyo na lahat nang mahalagang bagay, pati pera nang lalaking yan.." iyon nalang ang narinig ni Raffy at mga yabag papalayo ang kanyang narinig nang mga lumapastangan sa kanya.. 

Nahihirapan syang huminga, pilit syang kumikilos nang marahan, upang makagapang ngunit ubos na ang kanyang lakas na nalalabi. Nakatihaya sya, hawak ang dibdib abot-abot ang kanyang paghinga nang oras na iyon, hanggang sa kusa nalang tumigil ang lahat kay Raffy wala na syang ibang makita kundi kawalan, at ang babaeng naaninag nya na nakasuot nang napakagandang damit, na tila kumikinang ang buong katawan nitu ay nakangiti sa kanyang harapan inaabot ang kamay nitu sa kanya, isang matamis na ngiti din ang kanyang isinukli at inaabot ang kanyang kamay sa babae.. "Samantha!".. Tanging nasambit ni Raffy.. 

~~~ Maiksi lang ang buhay nang tao, at hindi natin alam kung kelan tayo kukunin o babawiin ang hiram nating buhay. Kung minsan dahil sa kasabihang maiksi lang buhay, ginagawa natin ang mga bagay na makakapag pasaya sa atin, dahil ang dahilan natin maiksi lang ang buhay dapat gawin mo na ang lahat habang nasa iyo eto.. Pero sana wag nating kakalimutan na gawing kapaki-pakinabang ang hiram nating buhay.. Palagi sana manatili ang pag-ibig sa puso natin. Dahil mawala man tayo dito sa mundong ibabaw, wala tayong pagsisisihan.. 

~~~Love is full of miracle things, kagaya nang kwentong eto na kahit na may pagka bad ang character nang girl may pag-ibig pa rin sa puso nitu, at lalo na sa mga taong nagmahal sa kanya. Ang pag-ibig ay HINDI MADAMOT, MAPAGPARAYA, MAUNAWAIN, AT HINDI MAKASARILI.. Kung minsan, dumarating ang pag-ibig sa maling panahon, ngunit kung kayo talaga, sa huli magkakasama pa rin kayo.. Hindi man nadugtungan ang pagmamahalang Raffy at Samantha dito sa mundo natin, sa kabilang mundo tyak na gagawa sila muli nang paraan para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.. Dahil ang pag-ibig kahit kailan WALANG KATAPUSAN.. PALAGI LANG ETO NASA PUSO NANG BAWAT ISA SA ATIN.. 

>>>>>>>> WAKAS <<<<<<<< 

salamat po sa pagbabasa .. :-)

The Taste of SINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon