KAHIT ayaw ni Samantha na magtungo sa Ospital at magpatingin, wala naman syang nagawa dahil halos buhatin nang binata ang dalaga, kaya wala na syang nagawa kundi ang sumama na rin dito..
"Napagod lang siguro ako kaya ganito, ang O.A mo naman.." tila naiinis na wika ni Samantha..
"Mas mainam na ang ganito, kesa tiisin mo ang nararamdaman mo.." wika naman nang binata..
Inalalayan pa sya nang binata sa pagbaba nang sasakyan.. Nahihilo talaga si Samantha at gusto nyang maduwal, ang sakit nang sikmura nya, ngunit wala namang lumalabas. Marahil dahil di sya nakakain maghapon nang nakaraang araw. Lugaw lang ang kinain nya nang umaga gawa ni Raffy..
"Hay ang tagal naman nang resulta, nakakainis maghintay..!" nababagot na wika ni Samantha..
"Konting tiis nalang at matatapos ka rin.." pagpapakalma naman nang binata sa dalaga..
Ilang sandali pa'y linapitan sila nang isang Nurse. "Ma'am dito po tayo, ultra saound raw ho kayo ni dok!" inalalayan pa nang Nurse si Samantha.. Nakasunod naman si Raffy..
Nahiga si Samantha habang si Raffy naman ay nakamatyag lang.. "Kung di ako nagkakamali eh, maaring buntis ka.. Pero kailangan nating makasiguro.." pahayag nang doktor..
Nanlaki naman ang mata ni Samantha at napalingon kay Raffy. Maging si Raffy ay di makapaniwala sa sinabi nang doktor.. Ilang sandali pa'y may inilagay na isang gek sa tyan nang dalaga, saka sabay-sabay silang nakatingin sa monetor at naghihintay nang sasabihin nang doktor.
"Limang Linggo na to, maaring nahihirapan ka, malaki ang sanggol natu.. Limang Linggo palang pero kung titingnan mo para na syang dalawang buwan.." wika pa nang Doktor.
Walang kibo si Samantha. Nagulat sya sa naging resulta nang kanilang pagpapatingin, maging si Raffy ay di makapaniwala, pero masaya sya. Masayang-masaya ang kanyang kalooban..
"Sa susunod na check-up bibigyan kita nang vitamins nang anak mo at vitamins mo na rin.." wika nang doktor na tumingin sa kanya..
"Salamat." tipid na sagot ni Samantha..
"Congratulations sa inyong dalawa.." muling sabi nang doktor..
"Salamat dok!" si Raffy na ang sumagot..
Matapos na makapagbayad sa kanilang pagpapatingin. Tahimik ang dalawang nagtungo sa sasakyan. Kapwa nagpapakiramdaman nang kung anong nasa isip nang bawat isa.. Pero si Raffy napakasaya nya, walang paglagyan ang kanyang kasiyahan. Kabaliktaran naman ni Samantha, hindi pa sya handa at mas lalong hindi pa nya planong magdalang tao. Hindi pa nya nakukuha ang gusto nyang mangyari sa kanyang sarili..
Nakarating sila nang apartment nang dalaga nang walang kibuan. Pero kailangan nyang kausapin ang dalaga nang tungkol sa kanila..
"Kakausapin ko ang Mama at Papa ko nang sa ganoon pormal kaming mamanhakin sa'yo.." pagbubukas nang usapan ni Raffy..
"Hindi. Hindi kayo mamanhikan..!" biglang nagbago ang awra nang mukha ni Samantha..
"Pero. Paano ang anak natin? Pananagutan kita.. Wag kang mag-alala, kailangan ayusin natin ang magiging pamilya natin.." seryosong wika ni Raffy..
"Magpapahinga na ako. Pwede mo na akong iwanan, wala tayong anak at hindi ako buntis okay!" wika ni Samantha. Naguluhan naman si Raffy sa sinabi nang dalaga..
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Raffy..
"Ipapatanggal ko eto.. Hindi pa ako handa maging ina.." seryosong sagot ni Samantha..
"Anu? Yan ang wag na wag mong gagawin!" galit ang boses ni Raffy na hinarap ang dalaga.
"Kahit kailan di kita binigyan nang karatapan na pakialaman ang sarili kung buhay.." galit namang sagot ni Samantha..
BINABASA MO ANG
The Taste of SIN
Romancesi Samanta na nangarap makapag asawa ng mayaman, magkaroon ng magandang bahay at kotse at ngmaraming salapi pero umibig sya sa isang lalakeng di maibigay ang lahat ng luho nya .. pero ng tatalikuran na niya ang lahat para kay Raffy saka naman siya n...