LILISANIN ni Samantha ang malaking bahay para makasama si Raffy, kaya naman ang tatlong araw nyang pamamalagi sa piling ni Don Phillip ay ginawa nyang kapaki-pakinabang sa pamilya nang Don. Maaga syang gumigising para magluto nang agahan, pinagsisilbihan nya ang asawa at maging ang anak nitu, ipinaglalabas nang damit ang Don kapag pumapasok na sa trabaho, sya din ang mismong naghahain nang pagkain sa hapag, mula agahan, tanghalian at hapunan. Nakikisama at nakikipaglaro sa magkapatid na Paul at Paula.. Isang araw nalang ang ilalagi nya sa malaking bahay, at ang maghapong ito, wala syang ibang inasako kundi ang pamilya ni Phillip.
"Ma'am ang laki po nang pasa nyo sa braso oh..!" bati sa kanya nang isang kasambahay, habang naghahalo sya nang pasta souce..
"Ah. Oo tumama kase to sa kabinet kanina,." tugon naman ni Samantha..
"Ma'am bagay po sa inyo yang ganyan kayo para kayong house wife na talaga.. Mahahaba na rin ang mga damit nyo.." bigay papuri pa minsan nang kasambahay..
"Salamat.." wika ni Samantha at ngumiti lang eto sa kasambahay nila..
Nang makaramdam nang pagkahilo at pananakit nang ulo sandaling nagpahinga si Samantha, naupo sya sa kusina, ngunit kasabay nang kanyang pag-upo ang pag-agos nang dugo mula sa kanyang ilong. Mabilis syang kumuha, nang tisue at pinunasan iyon, tinaas ang kanyang mukha, ngunit patuloy sa pag bleed si Samantha..
"Naku Ma'am anong nangyari sa inyo?!" gulat at tanong nang kasambahay nang makita ang dugong nasa tissue at pilit na hinaharang ni Samantha sa kanyang ilong..
"Mainit kase kaya, nag bleeding ako.. Mamaya lang wala na rin to.. Dalhin mo na yang mga yan sa mesa nang maka kain na si Paul at Paula.." sagot ni Samantha..
Agad namang tuminag ang inutusan ni Samantha, habang sya ay nililinis namang mabuti ang mukha, pati ang dugong lumalabas sa kanyang ilong.. Pagkatapos na makita ang sariling maayos na saka sya nakangiting lumabas at humarap kina Paul at Paula.
"Thank you Tita Sam sa bake macaroni ha.. Ang sarap.." papuri naman nang binatilyo sa kanyang madrasta..
"Welcome.. Oh! Ayaw mo ba sa niluto ko Paula?" tanong naman ni Samantha..
"Naku broken hearted yan Tita Sam, nakipaghiwalay na agad sa kanya si Raffy eh.." sagot naman ni Paul..
Nalungkot naman si Samantha sa kanyang nalaman para kina Paula at Raffy.
"Mahal na mahal mo talaga si Raffy noh.." si Samantha.. Ngunit tumingin lang si Paula kay Samantha, saka hinawakan ang tinidor at tila wala sa sarili na pinaikot-ikot iyon..
¤¤¤¤
Pagkatapos nang hinandang meryemda ni Samantha, nagsimula naman syang magluto para sa hapunan, dalawang putahe na paborito ni Paul ang kanyang lulutuin, dalawang putahe ding paborito ni Paula, at tatlong putahe na hilig naman nang kanyang asawa. Kaya maaga palang nagsimula na syang mag-umpisa.. Mabilis syang mapagod, pero masaya sya nang mga oras na iyon. Kahit tila lalagnatin, nakangiti pa rin si Samantha habang ginawa ang espesyal na kanilang hapunan. Bumili din sya nang paboritong alak nang kanyang asawa..
"Ano po bang okasyon ma'am Sam?" tanong naman nang kanyang katuwang sa pagluluto.
"Espesyal ang gabing eto, kaya naghanda talaga ako.." nakangiting tugon ni Samantha sa kasambahay..
"Muka nga Ma'am ilang araw kanang palagi nasa kusina eh.." biro naman nang isa pang kasambahay..
"Kayo talaga ako nanaman ang pinag-uusapan nyo kapag nakatalikod.." ganting biro naman ni Sam..
"Syempre Ma'am kayo ang mukang artista dito, kaya palagi kayo ang nasa hot seat.." sabay tawa nang dalawang kasama ni Samantha sa kusina.
Kinagabihan, mismong si Samantha ang nag-ayos nang mahabang mesa, candle light dinner ang kanyang tema, at talaga namang malulula ka sa mga pagkaing nakahain, tila ba wala nang bukas ang kanilang hapunan. Nang gabing iyon nagsuot din nang pinaka magandang damit para sa hapunan si Samantha.. Pormal ang kanilang hapunan, maging ang magkapatid na Paul at Paula ay nakabihis din nang pormal. Si Phillip nalang ang hinihintay nila para sa hapunan, kaya tinawagan nalang ni Samantha ang asawa at tinanong kung magtatagal pa ba eto..
BINABASA MO ANG
The Taste of SIN
Romansasi Samanta na nangarap makapag asawa ng mayaman, magkaroon ng magandang bahay at kotse at ngmaraming salapi pero umibig sya sa isang lalakeng di maibigay ang lahat ng luho nya .. pero ng tatalikuran na niya ang lahat para kay Raffy saka naman siya n...