thelose of baby..

100 1 0
                                    

~~~~~~~~~~~~

Ngayon lang naranasan ni Raffy ang mataranta nang dahil sa babae. Para syang turumpo na pinaiikot at wala namang nagpapaikot sa kanya. Habang nagmamaneho nasa isipan nya si Samantha.

"Hayy!! Sana okay lang silang dalawa.." usal ni Raffy..

Nang makarating nang apartment ni Samantha, agad namang binuksan nang binata ang pintuang iyon. Nagtungo sya sa silid nang dalaga, naghanap nang bag na pwedeng paglagyan nang damit na pamalit ni Samantha.. Di nya kabisado ang silid nang dalaga, maliit lang naman iyon pero nakaayos naman ang mga gamit, nakita pa nya ang marka nang dugo sa higaan nang dalaga. Unulipat nya nalang ang kanyang paningin sa ibang bagay.. Nagbukas nang ilang drawe para makakuha nang damit at maging underwear nitu.. May nakita syang parang daster kaya yon ang kinuha nya.. Kumuha din sya nang panloob nang dalaga, at naghanap nang bag na paglalagyan nitu.. Sa taas nang drawer may nakita syang mga paper bag, kumuha sya nang isa at inilagay doon ang mga damit..

Nang makuha na ang kailangan sa silid lumabas sya.. Paglabas nya nang silid nang dalaga may narinig syang tunog nang cellphone, kay Samantha iyon hinanap nya sa sala, dahil doon nangagaling ang ingay mula sa cellphone.. Nakita nya iyon sa may gilid nang telibesyon.. Dinampot nya ang cellphone nang may mapansin syang mga magot sa ibabaw nang t.v.. Kinuha nya ang gamot at binasa iyon, naririnig nya ang pangalan nang gamot na eto.. Kung hindi sya nagkakamali pampalaglag eto..

"Shit! Kaya ka ba dinugo!?" biglang nagbago ang expression nang mukha ni Raffy..

Ang kaninang natataranta at nag-aalala sa dalaga ay biglang napawi iyon. Napaupo sya sa sofa ni Samantha. Hindi sya makapaniwala na magagawa ni Samantha ang sinabi nitung ipapalaglag nga ang bata. Handa nya etong panagutan at hindi para takbuhan. Nakahanda na nyang kausapin ang mga magulang para sa kanila ni Samantha..

Ang kaninang pag-aalala ay napalitan nang galit.. He hates Samantha now, he hates that damn girl.. "Ang sama mo Samantha! Tinanggap ko ang mga pang-aalipusta mo dahil sa ang buong akala ko magbabago ka rin, nagkamali ako nang akala! I hate you.." wika nang binata..

Nawalan sya nang gana tuloy na puntahan at balikan ang dalaga sa Ospital.. Dala ang mga gamot, iniwan nya ang damit ni Samantha, nagtungo sya sa photo studio nya, nanghihina at nakakapanlambot. Ang buong akala nya mababago nya si Samantha. Ang buong akala nya kapag naiparamdam nitu na mahal nya at mahalaga ang dalaga, mababago nya ang ugali at gustong mangyari nitu. Ngunit nagkamali sya nang akala. Nanatili at nanaig pa rin sa dalaga ang baluktot at mataas na pangarap nitu..

Kahit na nasa studio shop nya si Raffy di naman sya matahimik, gusto nyang sigawan si Samantha sa harapan nitu sumbatan kung bakit nagawa ang ganoong bagay. Pasado alas singko nang magising si Samantha, nagpalinga-linga sya. Mukang wala sya sa kanyang bahay..

"Gising na pala kayo.." bati sa kanya nang isang Nurse na sinusuri ang kanyang vital-sign..

"Sinong naghatid sa'kin dito..?" tanong nang dalaga..

"Hindi ko kilala pero lalaki daw ho ata, di pa nga bumabalik mula kaninang umaga.." sagot naman nang Nurse..

"Kumusta ang lagay ko..?" muling tanong ni Samantha..

"Maayos naman po kayo.. Eto na pala si dok eh.." wika nang Nurse..

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nang doktor kay Samantha..

"Maayos naman ho, medyo masakit lang ang pagkakabagsak ko.." sagot naman nang dalaga..

"Ikinalulungkot ko pero, dala nang pagbagsak mo marahil kaya naman ang baby mo ay nalaglag.." wika nang Doktor..

Hindi naman kumibo si Samantha. Gusto nya naman mangyari yon mabuti nalang at di pa sya nagkasala, nangyari nalang bigla.. Kahit papano nakahinga pa sya ngayon.. Nang makaalis ang doktor at Kanyang Nurse naiwan namang mag-isa si Samantha..

The Taste of SINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon