LUMIPAS ang maghapong iyon na walang Raffy na tumawag sa kanya. Hindi rin tumatawag ang kanyang asawang si Phillip. Kaya nakaramdam sya nang pagka-inip sa loob nang bahay. Mabilis nyang inimpake ang kanyang gamit at tinawagan ang kanyang caretaker. Luluwas na sya nang Manila ayaw nya nang ganitong mag-isa mas nag-iisip sya nang kung ano-anong bagay at maraming naglalaro sa kanyang utak. At ilang oras palang si Raffy nawawala, gusto na nya agad na makita eto. She missed his presence.. Nang makabalik ang kanyang katiwala iniwanan nya nang pera eto saka sya umalis at lumuwas nang Manila.
Habang nasa byahe panay ang tawag nya sa cellphone ni Raffy ngunit di naman nitu sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa nakarating nalang sya nang malaking bahay. Pagpasok palang nya nang bahay, tahimik at mukang wala atang mga tao doon, tinawag nya ang isang kasambahay..
"Nasaan ang mga bata?" tanong naman ni Samantha..
"Ma'am nasa Ospital po silang lahat.." tugon naman nitu..
"Ospital? Bakit?" muling tanong ni Samantha..
"Isinugod po si Ma'am Paula kanina nila Don Phillip.. Kaya nandoon po silang lahat..'' sagot nang kasambahay..
"Saang Ospital? Nandito na si Phillip? Kunin mo ang mga gamit ko sa sasakyan at iakyat mo sa kwarto, magpapalit lang ako at pupunta rin ako doon.." wika ni Samantha na agad namang kumilos, hindi nya maintindihan kung bakit maagang nakauwi ang kanyang asawa..
Mabilisan ang kanyang ginawang pagayak, at agad na nagtungo sa Ospital na sinabi nang kasambahay kung saan dinala si Paula. Pagpasok palang nya nang St. Petter Hospital nagtanong na agad sya sa information desk kung saan ang kwarto ni Paula. Agad nyang tinungo iyon. Nang nasa harap na nang pintuan di na nya nagawang kumatok pa, agad nyang binuksan iyon, tumambad sa kanya ang magkayakap na Raffy at Paula. Umarko naman ang kilay ni Samantha sa eksenang natagpuan, habang ang lahat ay nakapalibot sa dalawa tila mga tuwang-tuwa pa ang mga eto sa nasaksihang ginagawa nang dalawa..
"Honey. Mabuti dumating ka na.." bati ni Don Phillip na agad namang lumapit sa asawa..
"Anong nangyari?" tanong ni Samantha, ngunit ang kanyang mga mata'y nakatingin kina Raffy at Paula..
"Bigla nalang nahirapang huminga etong si Paula, at putlang-putla na kanina.. Kaya nag-alala naman agad kami at dinala sya dito.. So far okay naman ang kanyang lagay, mukang naglambing lang kay Raffy.." makahulugang ngiti at paliwanag nang Don..
"Mukang effective naman ang drama eh, ayan oh ang sweet na nila.." tila nang-uuyam namang sagot ni Samantha, ngunit may ngiting nakalagay sa kanyang mga labi, ngiting halata namang hindi galing sa kaibuturan nang kanyang puso..
"We need to celebrate, sa wakas magkasintahan na ang dalawa.. At matutuwa sina kumpadre at kumadre sa kanilang pagbabalik, nang sa ganoon, maitakda ang kanilang kasal sa lalo't madaling panahon.." pagbibigay balita nang Don na halata namang, tuwang-tuwa para sa kanyang anak.
"What?!" gulat namang sagot ni Samantha, ang lahat ay napalingon sa kanyang reaksyon na tila ba tutul sa relasyong iyon..
"Bakit Sam may problema ba?" tanong ni Paula.
"Wala namang Paula, masaya ako para sainyong dalawa.." pagsisinungaling ni Samantha, ngunit ang totoo tila bulta-bultaheng kadena ang nakapuluput sa kanyang puso nang oras na iyon, nasaktan sya sa narinig at nalaman. But she needs to pretend that everything is gonna be fine at okay sa kanya ang relasyong iyon. Habang si Raffy patuloy naman ang pag-iwas nang mga mata nitu sa mata ni Samantha.
Matapos na malamang maayos naman na ang lagay ni Paula, nagpaalam na ang Don sa dalawa, magkasamang umuwi sina Phillip, Samantha, Paul at si Patricia. Dahil dala ni Samantha ang kanyang sasakyan, doon pa rin sya sumakay at sya pa rin ang nagmaneho niyon habang magkakasama naman ang iba sa sasakyan ni Don Phillip..
BINABASA MO ANG
The Taste of SIN
Romancesi Samanta na nangarap makapag asawa ng mayaman, magkaroon ng magandang bahay at kotse at ngmaraming salapi pero umibig sya sa isang lalakeng di maibigay ang lahat ng luho nya .. pero ng tatalikuran na niya ang lahat para kay Raffy saka naman siya n...