i still love you...

116 1 0
                                    

PUMASOK nalang si Samantha sa silid ni Raffy nang wala man lang pahintulot o di man lang kumatok sa kwartong iyon. Nagulat pa si Raffy nang makita ang babae na dala ang alak isang baso. Pagkatapos ay inilapag ni Samantha ang hawak sa maliit na mesa ni Raffy at biglang dinaluhan ang labi nang binata. 

"Ano bang ginagawa mo, are you out of your mind..!" galit ang boses ni Raffy kay Samantha.. 

"No." yon lang ang kanyang tugon at yumakap muli sya kay Raffy, sabay sinibasib ang lalaki nang halik. 

"Stop it Samantha! Hindi ka ba natatakot sa ginagawa natin, this is forbidden God damn it..!" nang marinig ni Samantha ang sinabi nang binata tila naman natauhan si Samantha. Tiningnan nya lang si Raffy at kinuha nang muli ang bote nang alak saka akmang lalabas nang kwarto.. 

"Ilang beses kitang tinatanong kung may nararamdaman ka para sa akin, para makapagsimula tayo. Hindi yung ganitu Samantha, kung mahal mo ako then tell me lalayo tayo, pupunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin, magsisimula tayo.." seryoso si Raffy sa kanyang tinuran nang sabihin iyon kay Samantha, ngunit muli lang tiningnan ni Samantha ang lalaki pagkatapos niyon ay lumabas nang silid nang binata.. Sa kwarto nilang mag-asawa sya tumuloy. 

Himbing na himbing sa pagtulog ang kanyang asawa, naupo nalang sya sa may mini sofa nila at marahang sinisimsim ang alak na hawak. Papa upo sya nang mapansin ang bagay na kumikinang sa ibabaw nang maliit na misa nya sa kwarto. Nilapitan nya iyon at kinuha ang isang paris nang hikaw na bigay ni Phillip iyon. Binalingan nya nang tingin ang asawang natutulog. 

Kinabahan sya nang makita ang hikaw, nagsinungaling kase sya sa asawa, at marahil napulot nitu ang hikaw sa garden kaya tinanong sya.. Di naman kase nya nabalikan eto dahil lumabas sila nang araw na iyon. Pagkatapos nagkibit balikat lang sya, alam naman nya kung ano ang sasabihin nya sa asawa eh. 

Nang matapos sya at maubos ang alak na dala, humiga nalang sya sa sariling sofa.. inalarm nya muna ang kanyang relo para gisingin ang asawa maaga ang flight nitu, kaya kailangan nya ding asikasuhin eto bago umalis, ilang araw din etong mawawala. 

¤¤¤¤¤ 

Pagtunog palang nang kanyang alarm kahit na, masakit ang ulo'y bumangon naman si Samantha. Nakaayos na ang bag ni Phillip nang nagdaang gabi, kaya ginising nalang nya eto, para gumayak. Tila isang ulirang asawa ni hinanda naman nya ang isusuot na damit, sapatos at medyas nang Don. Pagkatapos isinuot ang kanyang roba at nagtungo sa kusina, gagawan nya nang kape ang asawa at sandwich para may laman man lang ang tyan nitu. Pababa sya nang hagdan nang makasalubong si Raffy may hawak eto nang baso nang tubig, hindi naman nya eto pinansin tumuloy lang sya sa kusina para gawin ang kanyang pakay. 

Nang matapos ang kape at Sandwich ni Samantha agad din syang pumanhik para ibigay iyon sa asawa. Ngunit natapos na sya nang pagayak nang pagkain nang Don nandoon pa rin si Raffy sa dulo nang hagdan at nakatayo.. Nilampasan nya lang eto na tila wala nakikita.. 

"Good morning!" bati ni Raffy.. Lumingon lang sya sa binata at tumuloy na 
sa kanyang ginagawa. 

Dahil hindi pinansin ni Samantha, nagkibit-balikat nalang si Raffy.. Kagabi 
lang super hot eto sa kanya, ngayon naman, akala mo di sila magkakilalang dalawa.. Kaya minabuti nalang nyang bumalik sa silid alam naman nyang maagang aalis ang kanyang Ninong ngayon, kaya marahil maaga ding nagising si Samantha, para asikasuhin eto.. 

Pagpasok ni Samantha, nang kwarto tapos na rin maligo ang Don, nagsusuot na rin eto nang amerikana.. Nilapitan naman ni Samantha ang Don at inayos ang kurbata nitu.. 

"Thanks honey.." wika nang Don.. 

"Welcome.. Magkape ka muna gumawa ako nang sandwich kumain ka kahit konte,." wika naman ni Samantha.. 

The Taste of SINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon