KINAGABIHAN habang nahihimbing ang asawang si Don Phillip hindi na ginising pa eto ni Samantha.. Inayos nya ang kanyang sarili at mag-isang nagpunta sa bulwagan na nakalaan naman talaga para sa kanilang mag-asawa.. Ang lahat ay nagsasaya isang cocktail party iyon para sa mag-asawang bagong kasal, sa loob nang cruise ship.. At ang lahat nang mga kakilala nila na nandoon sa ship ay nandoon din sa bulwagan..
"Sam bakit hindi mo kasama si Daddy?" tanong nang binatilyong si Paul..
"Again? What do you call me? Sam? Akala ko ba sa private school ka nag-aaral, walang kwentang eskwelahan iyon, hindi ka tinuturuan nang pagalang ah!" tila nainis namang sagot ni Samantha, hawak nya si Paul sa balikat at nang makita ni Patricia iyon agad na lumapit eto sa dalawa..
"Anong nangyayari dito..?" tanong ni Patricia..
"Mama Pat tinanong ko lang naman sya kung bakit di nya kasama si Daddy eh.." sagot naman ni Paul..
"Oh yah! You ask me.. Pero anu ang tinawag mo sa'kin!? Sam? !" inis na sagot ni Samantha..
"Could you please calm down, nakakahiya sa mga tao.." pakalma naman ni Patricia kay Samantha.. Habang si Paul nag-walk out na sa harapan ni Samantha..
"Pagsabihan mo nang maayos yang alaga mo! Matutu syang gumalang.." sabay iwan ni Sam kay Patricia..
Iiling-iling naman si Patricia matapos talikuran ni Samantha.. Minabuti nalang ni Sam na bumalik sa silid nilang mag-asawa para gisiningin eto at sabay na muli sila bumalik sa bulwagan.. Nang nasa tapat na sya nang pintuan marahan nyang binuksan ang kanilang silid.. Dahil sa nilikhang ingay nang pintuan, nagising naman si Don Phillip..
"Oh.. Nakagayak kana?" tanong nitu nang makitang nakatayo si Samantha sa may pintuan..
"Galing na nga ako doon, bored lang kaya bumalik nalang ako.." malambing na sagot ni Samantha..
"So you dont want to stay there?" tanong ni Don Phillip..
"Dito nalang tayo.." kunwa'y lambing naman ni Samantha..
"Okay it's up to you Honey.." sabay yakap nang Don kay Samantha.. Agad namang umiwas ang babae at kunwa'y huhubarin ang damit nya para magpalit.. Binalewala nalang nang Don ang pag-iwas na ginawa nang kanyang asawa na ngayon..
Nang makabihis na Samantha, kumuha sya nang wine at nagsalin sa kopita nang basong nandoon para sa kanilang dalawa.. Inabutan din nya ang Don nang iinumin nitu..
"Honey.. After three days.. Anong gagawin natin? Di ba tayo mag ta-travel?" lambing ni Samantha..
"Maybe no, hintayin nalang muna natin na dumating ang panganay kung anak, then saka tayo bumyahe.." sagot naman nang Don..
"But when she'll come?" pangungulit na tila ba bata ni Samantha..
"Just two months, magsasara na din ang klase at uuwi sya nang pilipinas at sana makasundo mo rin sya, mabait si Paula.. Tyak na magkakasundo din kayo.." sagot nang Don..
"Sana nga.." maiksing sagot naman ni Samantha..
Ilang minuto pa'y tumayo si Don Phillip at nagtungo sa kanilang banyo para maligo, habang si Samantha naman nilantakan ang alak mag-isa. Imported na wine iyon kaya naman, talagang masarap ang lasa na humahagod sa kanyang lalamunan.. Tila juice lamang na sunod-sunod ang lagok nang babae.. Nang matapos si Don Phillip magshower syang naubos naman ni Samantha ang isang boteng wine.. Pagkatapos ay pabagsak na nahiga sa kanilang kama..
"Are you okay?" tanong nang Don..
"Yah I'm okay.." sabay talukbong nang kumot sa katawan..
Nang makita nang Don ang bote nang alak, alam nyang sa tulog ang tuloy nang kanyang asawa, kaya nagbihis nalang sya at pupunta sya nalang bulwagan.. Paglabas palang nya sa kwarto, sinalubong naman sya nang kanyang bunsong anak na si Paul..
BINABASA MO ANG
The Taste of SIN
Romantiksi Samanta na nangarap makapag asawa ng mayaman, magkaroon ng magandang bahay at kotse at ngmaraming salapi pero umibig sya sa isang lalakeng di maibigay ang lahat ng luho nya .. pero ng tatalikuran na niya ang lahat para kay Raffy saka naman siya n...