Danica's POV.
Sinimulan na namin ang dapat namin gawin.
Kanina pa ako umiiyak dito. Sa kahihiwa ko ng sibuyas feeling ko magsasara na ang mata ko sa sobrang sakit.
Isa pa itong katabi ko, kaya hindi ako makapag concentrate e!
Nakasuot ba naman ng fit na tshirt!
Kasi hubog na hubog ang katawan nya sa damit na suot niya.
Nagiinit tuloy ako! Shemay to!
"Alam kong gwapo ako" Aba ang yabang!
"SO?" Pambabara ko sakanya.
"Hindi mo ako kaylangan titigan ng ganyan" Aba talaga naman ang yabang!
"Sa tingin mo tinitig-. OUCH!" Napasigaw ako sa sakit na naramdaman ko sa kamay ko.
"Ano kaba, bakit hindi ka nag iingat?!" Inis pero may pag aalalang tanong niya.
May pag aalala nga ba? Baka hinala ko lang iyon.
Hindi ako nakapag salita agad.
Nakita ko siyang lumabas ng kusina, pagbalik ay may dala na siya Medicine kit.
"Halika nga, Gagamutin ko nayan"
Pag alok nya.
"Wag na, okay lang to. Nabigla lang ako, huhugasan ko lang to tapos okay na haha" Palusot ko.
"Halika na dito" Sabi nya habang hinahanda ang pang gamot.
"Okay lang talaga. Hindi ko na kailangan nyan" Nako! Sana maka lusot.
"Okay" Simpleng sabi nya, buti naman.
Tumalikod na ako at humarap sa sink para hugasan ang sugat ko ng may maramdaman akong yumakap sakin na nagmula sa likod.
"Ako na maghuhugas"
Hindi ko na siya napigilan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Halika na" Dinala nya ako sa may Hard table at iniupo doon.
"Wag kang makulit ha? Gagamutin ko yan pag gusto ko"
"Okay" Simpleng sabi ko sakaniya.
Tumayo siya sa gitna ng mga hita ko at ginamot ang sugat ko.
Parang ang awkward naman ng pwesto.
"Ang sexy mo pala" Nabigla ako sa sinabi nya, nag init ang pisngi ko.
"Manyak!" Sigaw ko sakanya. Tinawanan lang ako -.-
