Chapter 11

40 3 0
                                    

Kumuha ako ng robe na nakasabit sa malapit na cr sa gym.

Hinubad ko ang sports bra at shorts ko.

Natira ang swimsuit ko.

Tumuloy na ako sa pool at nagbabad na ng katawan.

Nakita kong nakapasok na ang bisita at namukhaan ko agad na si Slaeiter iyon.

Bakit andito siya? Akala ko bang ako ang pupunta doon?

Nakita kong tinuro ni Glycel kung nasaan ako at dumiretso dito si Slaeiter na may bitbit na box.

Ng makalapit siya ay binati nya ako.

Naka shades sya at white t shirt and jeans.

Ang ganda parin tignan sakanya ng suot nya kahit napaka simple lang.

"Hi. Akala ko ba ako ang pupunta sa inyo?" Tanong ko at pumunta sa side ng pool malapit sa kanya.

"Wag na. Andun kasi yung mga ugok. May dala akong pizza baka gusto mong kumain bago lumangoy diyan?" Tanong nya kaya tinaas ko ang kamay ko para humingi ng tulong sakanyang maka ahon.

Lumapit naman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Inahon niya ako sa pool at iniabot ang robe ko.

"Thank you." Sabi ko at umupo na sa upuan sa harap niya.

Habang itinatali ko ang buhok ko ay binuksan nya ang pizza ako kumuha ng isang slice nilagay nya pa sa tissue.

Ang arte neto!

Pero ang sunod na ginawa niya ay sinubuan ako nung pizza na hawak nya.

Hindi naman ako nagulat sa ginawa nya dahil ganyan din naman ang ginagawa ko sa mga friends ko.

Sumubo din siya sa pizzang hawak nya.

"Gusto mo lagyan ko ng hot sauce?" Sabi niya at tumango ako dahil gusto ko yung mga spicy foods.

Nilagyan nya iyon at isinubo sa akin.

Na ubo ako sa sobrang spicy ng sauce.

Hindi ko inasahang ganon katapang anv sauce na yon.

"Wait san ang kitchen? Ikukuha kita ng tubig." Sabi niya. Itinuro ko sakanya kunv saan ang kitchen.

"Juice nalang." Sabi ko at nahihirapan akong magsalita dahil sa tapang ng sauce.

Nagmadali naman siya pumunta doon.

Mabilis siyang nakabalik na may dalang isang pitcher ng juice at isang baso.

Binigay nya ang baso sa akin at nilagyan ng juice.

Dali dali ko namang ininom iyon.

Nung okay na ay sinubuan nya ulit ako.

Nakita ko ang phone ko sa table at kinuha yon.

Binuksan ko at dinala sa camera.

Front cam ang ginamit ko.

I took a selfie with him and posted the picture in instagram.

After that pinatay ko ang phone ko at kumain nanaman.

Sinubuan korin siya. Isang baso lang ang ginamit namin.

"Ka ano-ano mo yung nag bukas ng door?" Tanong niya sa akin.

"Best friend." Simpleng sagot ko.

"Ganon din pala kayo? Ilan kayo?" Ang daming tanong. Pero okay lang para hindi ako ma bored.

"5, Im with Glycel yung nagbukas ng pinto. Sophia yung nakausap mo kagabi. Si Ronniella, Nicole and Krizia. Pero asa Canada si Krizia kaya wala sya ngayon." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Sila kaya?

"Kayo ilan ba kayo doon?"

"5 also." Sabi nya. Hindi ko na tinanong kung sino sila dahil wala naman akong paki alam doon.

Pagkatapos naming kumain nag paalam ako sakanyang magbibihis muna ako.

Pag panik ko ay agad akong naligo at nagbihis.

Nag ayos din ako ng konti para mg mukhang presintable rin ako. Nakakahiya sa bisita ko dahil napaka cool nyang tignan.

Bumaba na ako at nakita kong nanunood sya sa sala.

Naka upo sya sa sofa at tumabi ako sakanya.

Bumaba naman si Sophia at si Glycel ng sabay.

Mukhang nagulat sila sa nakita nila pero ngumiti nalang sila.

"Glycel san ka galing at anong oras kayo umuwi?" Tanong ko sakanila.

"Sa mall. 9:00 ako umuwi." Sagot ni Glycel at biglang ngumiti.

"11:00 na ata yon. Hindi ko maalala." Sabi naman ni Sophia.

Tumango nalang ako at nanood nalang ng TV habang katabi si Slaeiter.

Yung dalawa naman ay kumain na.

Parang ang tahimik ni Slaeiter?

Humarap ako sa kanya.

Tulog pala siya.

"Sophia anong oras ba to umuwi kagabi?" Tanong ko sakanya dahil nung iniwan ko sila ay magkakasama sila.

"Ewan, bago ako umuwi andun pa sila e."

"Slaeiter, sa taas tayo para hindi sumakit ang likod at batok mo dito." Bulong ko sakanya.

Pupunta punta dito ng puyat.

Ibinuka niya ang mata niya at tumayo ng walang gana.

Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siya.

Baka mahulog kami sa hagdan e.

Ng makarating kami sa kwarto ay agad siyang humiga sa kama.

He doesn't exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon